Under Pressure

2054 Words
Her Enemy Her obsession by:Lucky 8 CHAPTER 3 – UNDER PRESSURE The more he pushes, the more I burn — but I won’t break. --- "Ms. Cruz, Mr. Velasquez is waiting in the boardroom." Sabay ng pintig ng puso ko ang boses ni Clara. Katulad ng dati, walang emosyon — pero may diin. Para bang sinasadya niyang ipaalala na kahit gaano pa ako kagaling, ako pa rin ang tauhan. At siya ang nakakaalam kung gaano kabilis maalis sa sistema ng Velasquez Empire ang mga ‘hindi sumusunod.’ I didn’t respond. Tumango lang ako habang pilit kinokontrol ang bigat sa dibdib ko — at ‘yung kakaibang init na ayaw lumamig mula nang huling beses naming magkasama ni Damien... sa office niya. Halos. Hindi kami naghalikan. Pero muntik na. At ‘yung muntik — mas nakakabaliw kaysa sa aktwal. Simula noon, parang sinadya niya akong i-corner. Meetings tuwing lunch break, email na may subject line na “Urgent. No Excuses.” kahit madaling araw. At ngayon, eto na naman kami. Isa na namang meeting. Isa na namang dahilan para pilitin ko ang sarili kong huwag mapaso. Pagbukas ko ng pintuan ng boardroom, bumungad agad ang tanawin na mas malala pa sa power trip ng kahit sinong CEO. Damien Velasquez. Nasa dulo ng conference table, relaxed pero razor-sharp ang posture. Black dress shirt, sleeves rolled up, no tie. Parang hindi galing sa trabaho kundi sa cover ng isang magazine na exclusive para sa mga lalaking may kayabangang nakakabighani. "You’re late." "Two minutes," sagot ko. Matatag. Diretso. Walang hinga ng kaba. "Still late. Sit down, Ms. Cruz." Gusto kong igulong ang mata ko, pero pinigilan ko. Naupo ako, nilapag ang notebook, at sinikap iwasan ang titig niyang parang X-ray — bumabaon sa balat, umaabot sa loob. He slid a thick folder toward me. "Aurum." Luxury watches and accessories. "This is our most premium brand expansion in five years," he added. "You’re leading the launch." “Why me?” The question slipped before I could stop myself. Tumango siya, parang na-expect na niya ang tanong. "Because you’re competent," he said. "And because I want to see how far you’ll go." Napakagat ako sa loob ng pisngi ko. Testing me again? Manipulasyon ba ‘to? O paghanga na may halong laro? "Challenge accepted," sagot ko, bahagyang ngiti sa labi — kahit na ang totoo, gusto ko siyang sabunutan. Ngumiti rin siya, ‘yung tipong ngisi na parang sinasabi: Good girl. Let’s play. --- Pagkatapos ng meeting, Clara suddenly appeared in the hallway. Tamang-tama ang timing — parang inaabangan niya akong lumabas. "Can I talk to you for a second?" Tuyo ang boses niya. Hindi ito friendly chat. "Sure," I said, keeping my face blank. She stepped closer, crossing her arms. Ang ganda niya pa rin — polished, calm, lethal. "Selena, I don’t know what you think you’re doing, but Damien... he’s not someone you can win over." Napataas ang kilay ko. "Excuse me?" "I’ve been here long enough," tuloy niya. "He’s complicated. Dangerous. And this project — he chose you for a reason. And it’s not just because you’re good." Hindi ko alam kung anong mas malakas — ang kaba ko o ang inis. Kasi ramdam ko ‘yung subtext. Para bang sinasabi niyang ginamit lang ako. "Thanks for the warning," I said, steady ang tono. "But I don’t need to be saved." She looked at me for a long second — then turned around at tumalikod. Naiwan akong naka-freeze sa hallway. Warning ba ‘yon? O babala na may halong inggit? Either way, I wasn’t backing down. --- Late na sa office pero buhay pa ang buong marketing floor. May deadlines, may pressure, may energy na parang nasa gitna ng digmaan. Sa kabila ng kaguluhan, tahimik akong nakaupo sa desk ko, pinag-aaralan ang campaign deck ng Aurum. Midnight. Pagod na ang mata ko. Pero ayoko pang tumigil. Ding. Isang bagong email. From: Damien Velasquez Subject: Midnight Review. Message: Now. My lounge. Tangina. Midnight meeting? Hindi ba siya natutulog? Pero dahil ayoko siyang bigyan ng bala para questioning-in ang professionalism ko, kinuha ko ang deck at naglakad papunta sa lounge office niya. Pagpasok ko, amoy agad ang mamahaling wood and leather scent. Dim ang lights, ambient jazz in the background. And there he was — sa mini bar, may hawak na glass ng whisky. "You actually came," he said, amused. "Of course. You called for a review." "Relax, Selena," he said, his tone low and lazy. "Hindi kita kakainin." Then, with a smirk: "Not yet." Napatingin ako sa bibig niya, tapos sa mga mata. Tiningnan ko siya nang matalim, kahit medyo nanginginig ang tuhod ko. "Let’s get this done, sir." He walked over at nilapag ang folders sa table. Hindi siya umupo. Instead, tumayo siya sa tabi ko, sobrang lapit. I could feel his heat. "Why do you hate me so much?" tanong niya, halos bulong. Tumawa ako, pilit. "I don’t hate you. I just don’t trust men who play games." "And if I tell you I don’t play?" "Then I’ll tell you you’re lying." He didn’t speak for a moment. Tahimik. Pero ramdam ko na tinitingnan niya ako — hindi lang basta tingin. Para bang inaalala niya ang bawat reaksyon ko. Maya-maya, pumuwesto siya sa likod ko at humawak sa sandalan ng upuan ko. Nakadikit ang dibdib niya sa likod ko, at ang hininga niya ay nasa mismong gilid ng tenga ko. "I don’t lie when it matters," bulong niya. Shit. Bakit parang gusto kong maniwala? His lips barely brushed my ear. "But you? You’re lying to yourself." Tumayo ako bigla. Harap-harapan ko siyang tinitigan. "I’m not here to flirt, Damien. I’m here to win." He stepped back, both hands raised in mock surrender. Pero ‘yung ngiti sa labi niya? Hindi biro. Para bang... proud siya. "Then win," he said. "But be careful. The higher you climb, the harder you fall." Lumabas ako ng lounge nang hindi lumilingon. Tuloy-tuloy lang ang lakad ko, kahit parang kumakabog na ang buong katawan ko sa sobrang adrenaline. Pero kahit makalayo na ako, hindi ko makalimutan ang naramdaman ko sa loob — ‘yung thrill ng peligro, ‘yung spark ng galit, at ‘yung halik na... muntik. Muntik. Again. At kung patuloy akong ibinubulong ng isip ko na dapat ko siyang talunin, may bahagi ng puso kong bulong nang bulong: What if the only way to beat him... is to let him in? —----- Pagkatapos ng email review at ng tensyon na halos sumabog sa pagitan naming dalawa, hindi na ako makatulog. Paulit-ulit kong iniisip ang boses ni Damien sa tenga ko, ang init ng hininga niya sa balat ko. Ginulo niya ako — at mas nakakainis dahil alam niyang gano'n ang epekto niya sa akin. Kinabukasan, alas siyete pa lang ng umaga nasa opisina na ako. Wala pang tao. Tahimik. Pero ‘yun ang gusto ko — ang unahan sila, ang mauna sa laban. Nilabas ko ang project timeline ko para sa Aurum. Pinasadahan ko ang listahan ng deliverables, creatives, PR tie-ups, social media stunts — every detail accounted for. Kung gusto ni Damien ng performance, ibibigay ko sa kanya. Pero hindi niya makukuha ang puso ko. Habang abala ako, dumating si Justin, isa sa junior creatives. “Selena, ang aga mo ah,” bati niya. “May kape ka na ba?” Ngumiti ako nang bahagya. “Wala pa, pero kailangan ko ng triple shot ngayon.” “On it,” sagot niya, sabay takbo papuntang pantry. Bigla akong natawa sa sarili ko. Kasi kahit binabakbakan ako sa loob, may mga simpleng bagay pa rin na nakakagaan ng loob. Pero ang peace na ‘yon, hindi rin nagtagal. Pagbalik ni Justin dala ang kape, sabay dating din ni Damien sa floor. Suot niya ang dark navy suit na lutang ang broad shoulders niya. Casual lang ang lakad niya pero parang sinasakop niya ang buong opisina. Lahat ng tao, natigilan. Lahat napatingin. At dire-diretso siya sa table ko. “Status report,” maikli niyang sabi, kahit hindi pa siya nakaupo. Tinapik ko ang timeline sa harap ko. “I’ve already drafted the campaign stages. Nakalista na rin ang potential brand ambassadors. I’ll send you the files before lunch.” He looked at me — really looked at me — as if he was weighing every word I just said. “Good,” bulong niya. “But don’t pace like you’re scared. Own it.” “Hindi ako takot.” “Then act like it.” May lumakas na tawa sa likod. Si Clara. Kasama niya ang ilang senior staff. Nakatingin sila sa amin ni Damien na para bang nanonood ng corporate drama. Pero hindi ko siya uurungan, kahit na mas marami ang audience. “Actually, I do own this project,” sagot ko, diretso. “And when it succeeds, it’ll be my name in the headlines. Not yours.” Umiling siya, bahagyang natawa. “We’ll see about that.” --- Lunch Break. Nasa cafeteria ako, nagbabasa ng mock-up layouts sa iPad ko habang kumakain ng sandwich na wala naman talagang lasa. Wala pa ring tulog. Puno ng deadlines. Puno ng Damien. Bigla siyang dumating. Uupo sana ako sa corner table pero naupo siya sa tapat ko, as if may karapatan siya. “Reserved ‘to,” sabi ko, half-joking. “By me,” sagot niya, sabay kagat sa burger niya na parang walang nangyayaring kabaliwan sa paligid. “Don’t you have a private dining room or something?” “I do. Pero mas interesting kausap ‘yung ayaw akong kausapin.” Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa. Pero higit sa lahat, naiinis ako sa sarili ko — kasi kahit in denial ako, gusto ko rin ang attention niya. “How’s the pitch?” tanong niya. “On track. Hindi mo kailangang mag-check-in every hour.” “Hindi ito tungkol sa pitch.” Napakunot ang noo ko. “Then what?” Humigop siya ng kape bago sumagot. “You.” Napasinghap ako. Napatingin ako sa paligid. May ilan nang nakatingin. “Damien, stop.” “Bakit ka natatakot na may makaalam?” “Because this is not something.” “Hindi pa,” bulong niya, “but it could be.” Tumayo ako bigla. Hindi ko kaya. Umalis ako ng cafeteria dala ang iPad ko, iwan siyang nakatingin lang sa akin habang nginunguya pa rin ‘yung burger niya, parang walang nangyari. --- Late Night. Hindi ako mapakali. Tumatawag na si nanay sa bahay, nagtatanong kung bakit hindi pa ako umuuwi. Wala akong masagot kundi "overtime." Pero ang totoo, hindi ko alam kung paano tatakasan ang apoy na pinapalibutan ako. Dumaan ako sa rooftop. Tahimik. Malamig. Kailangan ko ng space para huminga. Pero ilang minuto lang ang lumipas, sumunod siya. Damien. Wala siyang dala, wala siyang sinabi. Tumayo lang siya sa tabi ko habang nakatingin sa mga ilaw ng Maynila. “You always run.” “Excuse me?” “Whenever it gets real, you run,” sabi niya, malamig ang boses. “You’re strong in meetings. Sharp in strategy. But when it comes to this… you flinch.” “I don’t flinch.” “You’re flinching now.” Humarap ako sa kanya, galit. “Because you confuse the hell out of me! One minute you're my boss, the next minute you're breathing down my neck. Hindi ako robot, Damien.” “So don’t be.” May lumapit na hangin. Napahawak ako sa braso ko. Nanginginig ako, pero hindi dahil sa lamig. Lumapit siya. Mabagal. Hanggang ang pagitan namin, halos wala na. He lifted a hand, as if to touch my face — pero tumigil siya sa hangin. “I can stop,” bulong niya. “Just say it.” Ang tagal kong tumingin sa kanya. Pero ang nasabi ko lang ay... “I need to win this project.” Tumango siya. Matalim ang mata, pero may lungkot sa likod nito. “Then win it,” sagot niya. “Pero tandaan mo, Selena… the closer you get to victory, the closer you are to me.” --- Nang gabing ‘yon, habang nakahiga ako sa kama at gising pa rin ang utak ko, paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang huling sinabi niya. The closer you get to victory, the closer you are to me. And somehow, that felt like the most dangerous promise I’ve ever heard.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD