Her Enemy Her Obsession
by: Lucky 8
Chapter 2 – Triggers
“She came to ruin him — not crave him.”
Paglabas ko ng elevator, mas tahimik ang executive floor. Walang kaingay-ingay, parang bawat galaw mo ay may censors. Paglapit ko sa opisina niya, halos ayaw gumalaw ng kamay ko sa door handle.
Pero tinulak ko pa rin. Hindi ako pwedeng umatras.
Pagpasok ko, agad akong sinalubong ng malinis, modernong office. Floor-to-ceiling windows. Minimalist desk. At sa tabi ng bookshelf… si Damien.
Nakatalikod siya, may hawak na dokumento.
“You’re late,” malamig niyang sabi.
Napatingin ako sa relo. Five minutes early ako.
“I was told ‘now.’ Not five minutes ago.”
He turned to face me. His eyes flicked down, then back to my face. Parang sinusukat niya ako mula ulo hanggang paa.
“I don’t like tardiness,” he said, leaning against the desk.
“And I don’t like condescending tone. I guess we’re even.”
For a second, tahimik siya.
Then—he smirked. That slow, infuriating smirk.
“You’ve got a sharp tongue, Miss Cruz.”
“And you’ve got a sharp memory loss, Mr. Velasquez.”
He froze for a beat. Blinked.
Then, sa halip na magtanong, naglakad siya palapit sa ‘kin. Mabagal. Calculated. Parang predator assessing prey.
Lumamig ang katawan ko. Hindi dahil sa takot — kundi sa tension na biglang bumigat sa ere.
Paglapit niya, barely one foot na lang ang layo namin.
“Tinititigan mo ‘ko para saan?” tanong ko, diretso ang boses pero medyo tuyot ang lalamunan.
“To figure you out,” he murmured. “You’re different from the usual hires.”
“I’m not here to impress you.”
“Good,” he said. “Because you won’t.”
Napasinghap ako. Ang kapal.
Pero bago pa ako makasagot, bumagsak mula sa shelf ang isang crystal trophy — tumalbog sa gilid ng table, at—
“s**t!”
Bumagsak ito malapit sa paanan ko. Reflex ko ang umatras, pero nadulas ang takong ko sa marmol na sahig.
Bago pa ako tuluyang bumagsak, mabilis siyang kumilos. Hinawakan niya ang braso ko, hinila ako — at bago ko namalayan, nasa dibdib ko na ang mukha niya.
Mainit. Matigas. Amoy expensive cologne.
Pareho kaming natigilan.
His hand was on my waist. My palm was on his chest.
T*ngina.
Ang lapit namin.
“Careful,” bulong niya. Mababa ang boses. Almost a whisper.
“Let go,” sabi ko, kahit hindi pa rin ako makagalaw.
He didn’t move. Hindi rin ako.
Yung heartbeat ko parang drumline na tumutugtog sa tenga ko.
Then slowly, he loosened his grip. Hinayaan niya akong tumayo nang diretso.
Nag-ayos ako ng dress. Pilit tinanggal ang panginginig sa kamay ko.
“Thank you,” sabi ko, pilit kalmado. “Pero next time, make sure your trophy doesn’t try to kill me.”
He chuckled. “You’d be a loss.”
Napatingin ako sa kanya.
“Excuse me?”
“Smart. Tough. Stubborn. It’s a rare mix.” He looked straight into my eyes. “I like rare.”
HINDI. PUWEDE. ‘TO.
I stepped back. “You’re crossing the line.”
He raised a brow. “I haven’t even started.”
Put*ngina talaga.
“Kung wala ka nang ibang sasabihin, I’ll go.”
He didn’t stop me. Pero habang palabas ako ng pinto, ramdam ko pa rin ‘yung tingin niya sa batok ko.
At habang bumalik ako sa desk ko, hindi ko mapigilan ang sarili ko.
Hindi ako nanginginig dahil sa galit lang.
May halo na ‘tong ibang bagay.
At ayokong pangalanan ‘yon.
Not yet.
—---
Isang linggo na ang lumipas mula nang una kong makaharap si Damien Velasquez sa boardroom, pero hanggang ngayon, dinadala ko pa rin ang bigat ng mga titig niya. Parang bawat sulyap niya, tinutulak akong maalala ang mga bagay na pilit kong kinalimutan. Kaya’t sa tuwing may meeting, hangga’t maaari, iniiwasan ko siya.
Pero hindi pala gano’n kadaling tumakas sa isang tulad niya.
"Selena, Mr. Velasquez wants you in the 9 a.m. review," ani Clara habang hawak ang clipboard niya.
Napatingin ako sa kanya. “Hindi ba puwedeng si Marcus na lang? He's the lead on that.”
Umiling siya. “He asked for you. Ikaw raw ang gusto niyang kausap tungkol sa Q2 rollout.”
Napapikit ako saglit. Hindi ako handa. Hindi pa rin. Pero wala akong choice. This was still my job.
Pagpasok ko sa meeting room, andoon na siya. Nakaupo sa dulo ng mesa, suot ang navy suit na halos kasing lamig ng mga mata niya. Tahimik ang buong room. Lahat, nakatingin sa slides. Lahat, maliban sa kanya.
Nakatuon ang tingin niya sa akin.
“Miss Cruz,” malamig niyang bati. “Care to walk us through the inconsistencies in your forecast?”
Bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil sa kaba o galit. Gusto ko siyang murahin. Pero hindi puwede. Hindi ngayon. Not yet.
I raised my chin. “Of course. I have a revised model based on updated metrics. Shall I proceed?”
Nag-angat siya ng kilay. “Please do. Let’s hope this one’s not as flawed as your first.”
Huminga ako nang malalim. You want war, Damien? Fine. Let’s dance.
Habang nagpe-present ako, ramdam ko ang init ng tingin niya. Hindi lang siya nakikinig — he was studying me. Testing my boundaries. And I hated how my body still responded.
Parang kuryenteng dumaloy ang mga mata niya sa balat ko, at kahit pilit kong iwasan, naroon pa rin 'yung init. Damn it.
Pagkatapos ng meeting, habang naglalakad ako papalayo, narinig ko ang boses niya.
“Selena, a moment.”
Lumingon ako. “Yes, Mr. Velasquez?”
Tumayo siya. Lumapit. Hindi gaanong malapit, pero sapat para maramdaman ko ang presensya niya. “Your presentation was... better. But I wonder,” he said softly, “do you always improve under pressure?”
Napakuyom ako ng kamao. “I improve when I’m challenged. Not bullied.”
Ngumiti siya. “Good. Because I have a feeling I’ll be challenging you a lot.”
—---
Pagbalik ko sa desk ko, mas lalong gumulo ang isip ko. Bakit ba ganito ang epekto niya sa akin? Hindi lang ito inis. May halo. May kiliti. At ‘yun ang mas nakakainis.
That night, hindi ako mapakali. Habang nakahiga ako sa kama, nakatitig sa kisame, bumalik sa alaala ko ang huling gabi na buo pa ang pamilya namin.
Flashback.
“Selena, anak, papasok na tayo sa Velasquez board,” ani Daddy habang inaayos ang tie niya.
“Are you sure about this, Dad?” tanong ko. “They’re sharks.”
Napangiti siya. “Sometimes, you have to swim with sharks to stay in the game.”
Hindi ko alam na 'yun na ang magiging simula ng pagbagsak namin.
Ilang buwan lang matapos ‘yon, nalugi ang kumpanya ni Daddy. Na-takeover. And the name on the final acquisition papers? Damien’s father.
Hindi ko alam kung parte si Damien sa nangyari noon, pero ang apelidong Velasquez ang naging dahilan kung bakit kami nawala sa lahat. Kaya ngayon, sa bawat tingin ko sa kanya, hindi lang inis ang nararamdaman ko. Galit. Pait. Sakit.
At isang uri ng pagnanasa na ayaw kong aminin.
Kinabukasan, tinawag na naman ako ni Damien. Isa na namang meeting.
“Seriously?” tanong ko kay Clara. “He’s doing this on purpose.”
Ngumiti siya. “Maybe he just likes your brain.”
“Or he likes watching me squirm,” irap ko.
Sa meeting room, mas intense ang titig niya ngayon. Mas tahimik. Parang may gustong sabihin pero hindi sinasabi.
Pagkatapos ng discussion, habang kami na lang dalawa, bigla siyang nagsalita.
“Why did you apply here, Selena?”
Nagulat ako. “Excuse me?”
“You hate being here. It’s obvious.”
Nagtaas ako ng kilay. “Why does it matter to you?”
“It doesn’t. But I find it interesting.” Lumapit siya ng bahagya. “You look at me like you want to hit me... or kiss me. And I haven’t decided which one I’d prefer.”
Nalaglag ang panga ko. “You’re disgusting.”
Ngumiti siya. “Maybe. But I’m honest.”
And just like that, lumakad siya palayo — iniwan akong nanginginig, hindi sa galit, kundi sa kung anuman 'yung gumapang sa likod ko sa sinabi niya.
“I came here for justice — not to fall for the enemy.”