Hindi ko na namalayan na napapatabi na pala ang ilan para bigyan kami ng espasyo. “Hi, Ms. Gorgeous..” bulong nito sa aking tenga. Ang kiliting dulot niyon ay gumapang sa buo kong pagkatao. Lihim na lamang akong napakagat-labi sa kaniyang ginawa. “What’s your name?” tanong nito habang muli akong iginigiya sa bawat galaw niya. “Trisha.. how about you?” mapanukso ko namang tugon. Mas mabuti nang ito ang gawin ko upang makapaghiganti sa dalawang nagtaksil sa ‘kin. Hindi magtatagal alam kong makikilala rin ako ni Bert kahit pa nakatago ang mukha ko sa likod ng suot kong maskara. “What a sexy name, just like you..” Pakiramdam ko’y nagigising ang kung ano sa loob ko sa tuwing naririnig ang masarap niyang pagbigkas ng bawat kataga. Muli pang sumilay ang ngiti sa aking mga labi. Kahit na ta

