Pasimple niyang tinitigan si Bert at pagkatapos ay palokong sumagot, “I guess, because she’s an employee, my personal secretary. And I respect people around me even if they’re just my employees. If you don't value your own employees, huwag mo akong igaya sa isang tulad mo.” Hindi nakaimik si Bert, ngunit bakas sa mukha nito ang pag-angal. Hindi ko mawari ang pinaghuhugutan nila, pero mas malinaw sa ‘kin na mas lamang si William ng ugali kaysa sa mayabang kong ex. “Put it back, Ms. Brenzuela. Forget about the tea and follow me to my office.” “Y-Yes, sir..” anas ko. Sinulyapan ko si Bert na nag-iigting ang panga habang nakasunod ng tingin kay William. Kaagad kong nilapag ang tray at agad na sumunod sa boss ko. Hindi ko na nilingon pa si Bert. Wala na akong pakialam kung ano ang isipin n

