Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. May kaunting similarities kami ni Annie, ang kaibahan lang ay mas malapit siya kay William kaysa sa ‘kin. Ako na isa lamang asawa sa papel, tagapag-satisfy lang sa tuwing mangangailangan ng init ng katawan. Habang ang totoo ay empleyado niya lang, isang sekretarya na tagasilbi sa loob ng kompanya. Napag-alaman ko mula sa kaibigan kong si Thea na dati ring magkaibigan sina Annie at William. Noong hindi pa siya bilyonaryo, malapit na sila sa isa't isa. Kaya't nang yumaman siya ay agad niyang kinuhang personal assistant si Annie bilang kabayaran sa pagmamagandang loob nito sa kaniya noon. Hindi na sinabi pa sa ‘kin ni Thea kung nagkaroon rin ba ng relasyon ang dalawa dahil hindi niya raw alam ang tungkol doon. Ang tanging alam lang niya ay s

