Pababa na ako sa first floor para umuwi nang maramdaman kong naiihi na ako. Kaya't naghanap ako ng mas malapit na restroom. Narating ko ang restroom na madaraanan lang patungo sa exit. Nagmadali akong pumasok. ‘Hays.. sa ihi na lang talaga ako kinikilig..’ usal ko sa isipan habang para bang nakikiliti sa sarili. Matapos kong isuot ang aking pang-ibabang kasuotan. Naulanigan ko ang nag-e-echo’ng boses ng dalawang babaeng nag-uusap na papasok sa loob. Natigilan ako nang makilala ko ang boses ng isa sa mga babae. Walang iba kung hindi si Shaina. “Ginawa ko na ang lahat maging ang ipinag-uutos mo, pero matigas ang stepson mo. Hindi ko inaasahan na hindi niya ako pagbibigyan sa hiling ko na huwag akong tanggalin sa kompanya ninyo.” ‘Stepson? Hiling na huwag tanggalin sa kompanya? Si Willia

