Napagdesisyonan namin na sa Rizal park na lang ipasyal si Natasha, ang plano ko sana sa Enchanted Kingdom ang kaso may fear of heights pala siya kaya panigurado na hindi niya rin kakayanin ang mga rides na nandoon
"Mommy! Look, may horse!" Excited siyang tumakbo papunta sa kalesa hindi kalayuan sa 'min, nagkatinginan kami ni Yexel at sabay na umiling bago sinundan ang anak,
"Daddy, can we buy that horse? I want to take care of him, he doesn't look fine." Napalunok ako bago lapitan si Natasha na nagaalalang nakatingin sa kabayo na payat at halatang hirap na sa pagtatrabaho sa kalsada, alam kong hindi siya tatanggihan ng ama pero wala naman kaming paglalagyan niyan kung bibilhin nila jusko, Ang dami pang proseso na gagawin kaya hindi talaga pwede.
Lumapit na din si Yexel sa anak,
"You sure baby you want that?" Pinanlakihan ko ng mata si Yexel, inosente niya lang akong tiningnan na parang nagtataka pa, iniispoil niya masyado ang bata!
Pinaliwanag ko sakanila kung bakit hindi kami pwede magalaga ng ganon, hindi naman hacienda ang bahay namin. Tumango tango lang silang dalawa bago sabay na nagtinginan,
"How about we buy hacienda for horses?" Nagiisip na tanong ni Yexel, nakagat ko ang ibabang labi sa pagpipigil na sigawan siya. Mas lalo naman nanakit ang ulo ko ng sumunod pa si Natasha,
"Great idea daddy! Atleast we can buy not just one, but more!" Nagapir sila sa harap ko kaya napatampal ako sa noo,
Niyaya ko na sila na pumasok sa museum kasi baka masakal ko na silang dalawa sa pinaplano nila.
Una naming pinuntahan ang National Museum of Natural History
Manghang mangha siya ng makapasok kami sa loob,
"OMG Papsie Axel is up there!" Sinundan ko ang tinuturo niya, sabay kaming tumawa ni Yexel kasi yung tarsier yung tinutukoy niya,
Nagpatuloy kami sa paglilibot sa lahat ng museum, hindi talaga matutumbasan ang saya na nakikita ko sa kanilang magama habang patuloy sa paglalakad, nauuna sila sa 'kin habang magkahawak ang kamay, napangiti ako ng lumuhod si Yexel para ayusin ang natanggal na sintas ni Natasha bago lumipat sa likod at ayusin ang pagkakatali ng nagulong buhok ng anak,
"You know how to tie hairs?" Tumingin siya sa 'kin bago seryosong tumitig,
"Of course, want me to tie yours?" Umiwas ako ng tingin, namumula ako ramdam ko!
Naknang letse na 'to! Ba't ka pa nagtanong kung pwede mo naman na gawin nalang? dUh
6pm na ng matapos kami sa paglilibot, marami na rin kaming pictures na nakuha bago napagdesisyunan na kumain sa isang fast food chain.
"I don't wanna go home yet" napatingin ako kay Natasha sa kalagitnaan ng pagkain bago ngumiti, mukhang hindi siya napapagod. Napakasigla parin.
"Okay, let's watch the fountain show later." Nagningning ang mga mata niya bago nagmadali sa pagkain, excited na raw siya.
Nang matapos sa pagkain at makapagpahinga ng konti bumalik kami sa park, naghanap muna kami ng magandang pu-pwestuhan na hindi kami aabutin ng pagbagsak ng tubig, naghanap na rin kami ng mabibilhan ng sapin para may maupuan habang nanunuod, bumili na rin ng snacks si Yexel para kahit papaano may kinakain kami habang inuubos ang oras sa panunuod,
"Daddy, mommy thank you so much, i will never forget this day! The best among the rest of my special days." Niyakap niya kami bago hinalikan sa pisngi, sumandal siya sa dibdib ng ama habang ang mga kamay ko ay pinagsaklob niya,
"Mommy, i'm tired but i don't want to sleep yet.." namumungay na ang mga mata niya bago humikab, hinawi ko ang buhok na nakaharang sa mukha niya, nakapikit na ang mga mata niya pero halatang pinipigilan pa
"Because i don't wanna end this day with my family, this is unforgettable, if only we can stop time.." nakaramdam ako ng luha sa gilid ng mga mata bago umiwas ng tingin, tumingala ako para hindi tuluyang tumulo ang nagbabadyang luha,
"Mommy, don't leave again please.." yun ang huling salita niya bago tuluyang makatulog sa bisig ng ama, kasabay ng pagbagsak ng luha ko ang hiyawan ng mga tao dahil nagumpisa na ang kanina pa namin inaabangan,
Naramdaman ko ang mainit na palad na dumampi sa kamay ko, nilingon ko si Yexel na kanina pa marahil nakatitig sa 'kin, pinunasan ko gamit ang isang kamay ang luhang tumulo bago siya nginitian,
"Let's go home? Tulog nanaman si Natasha. Para makapaghinga na rin tayo." Tinitigan niya muna ako sandali bago tumango, inalalayan ko siya sa pagbuhat kay Natasha hanggang sa makarating sa sasakyan,
"Tahlia.." tiningnan ko siya pero nasa kalsada lang ang paningin niya,
"Can we talk later?" Hindi ako sumagot, napakagulo ng utak ko, pakiramdam ko habang tumatagal na nakakasama ko sila, napapamahal ako ng sobra.
Hindi ko naman na maitatanggi na isa sa dahilan kung bakit pumayag ako na makisama sa kanila ay para sa sarili ko, sa nakaraan ko. Sila lang ang makakasagot sa lahat.
Pero hindi ko alam kung hanggang saan ganito. Si natasha, ayaw na niya akong umalis ulit, ni hindi ko nga alam kung bakit ako umalis noon at alam kong malaki ang magiging epekto ng nakaraan kapag nalaman ko lahat ng kasagutan na hinahanap ko.
Kahit gusto ko na manatili sa tabi nila, hindi ko alam kung magagawa ko. Hindi ko pa alam ang nangyari sa nakaraan ko, hindi pa 'ko pwedeng mangako.
Nilingon ko si Yexel na tahimik sa pagmamaneho, hindi ko rin itatanggi na may nararamdaman ako sakanya lalo na kapag malapit siya, kapag nagsasalita, lahat ng kilos niya naaapektuhan ang buong sistema ko.
Ano ba 'tong pinasok ko? Napakakumplikado ng lahat. Nahuhulog ako sa patibong ng nakaraan.
"We're here." Tumango lang ako bago bumaba ng sasakyan, siya na ang bumuhat kay Natasha papasok ng bahay, sinabihan ko na rin siya na sa kwarto ko na idiretso ang bata para tabi kaming matutulog, umupo ako sa gilid ng kama ng matapos niyang ilapag si Natasha,
"Anong paguusapan natin?" Nilingon niya 'ko bago lumapit at umupo sa gilid ko,
"I know this is hard for you," tiningnan ko siya, alam niya naman pala e ba't niya ako binigla ng ganito? cyst hanonaaa???
"I'm not sorry for putting you in this kind of situation," tinaasan ko siya ng kilay bago siya nagpatuloy, "This is my only way to make you remember yourself and make Natasha happy again."
Natahimik ako, yun din ang dahilan ko kung bakit ako nandito at kasama sila, para sa sarili ko at hindi para sakanila.
"And once you find out the truth, i know.." tumigil siya bago malungkot na ngumiti, "You'll leave us again."
Heto nanaman siya! Nananakit nanaman. Napakamapanakit ng pamilyang 'to!
"Can you do me a favor?" Tinitigan ko ang kulay berde niyang mga mata. Alam kong napakarami niyang dinadalang problema, pero mas inuuna niya pa 'ko at si Natasha. He really knows his first priority at sino ako para umayaw sa favor na hinihingi niya?
Tumango ako, tumaas ang kamay niya bago marahang hinawakan ang gilid ng mukha ko at hinawi ang buhok na nakaharang bago sumilay ang ngiti sa mapupula niyang labi.
"I don't want you to promise that you'll stay, but if you'll leave us again, please do me a favor.." marahan niyang hinaplos ang buhok ko bago nakipagsukatan ng tingin sa 'kin "Spend a whole day with us. After that, you'll never see us again."
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at ang kirot sa pakiramdam dahil alam niya rin pala ang maaari naming kahantungan.
"I-i'm sorry for making things hard for you, i know na nahihirapan ka rin, hindi mo lang sinasabi. I promise, i will do your favor, kahit kabayaran nalang sa pagtulong mo sa 'kin ngayon. Pero pwede rin ba 'kong humingi ng pabor sa 'yo?" Tango lang ang sagot niya kaya nagpatuloy ako,
"I don't want to end this night with tears," tiningnan ko ang oras at pasado alas onse na. Tumayo ako sa harap niya, inilahad ko ang kamay ko na ikinataka niya,
Kunot noo niya naman yun na inabot bago tumayo,
"I want you to kiss me.." Nagulat siya at napahigpit ang hawak sa kamay ko, nakaramdam naman ako ng hiya bago nagpatuloy ulit, "Kiss me, Yexel. That's my favor. Can you?"
Hindi siya agad nagsalita bago nanginginig ang kamay na hinawi ang buhok na nasa leeg ko, hinimas niya ng marahan bago nakipagtitigan sa 'kin,
"A-are you sure about this?" Nanghihina niyang tanong bago iginala ang kanang kamay sa leeg ko, tumango lang ako bago pumikit,
"Oh God, you're making me hard."
Naramdaman ko ang paglapat ng malambot niyang labi sa labi ko, mabagal at puno ng pagiingat ang bawat galaw, napakapit ako sa leeg niya para mas laliman pa ang halik na hindi naman niya tinanggihan, napasabunot ako ng maramdaman ang paglandas ng kanyang kamay sa nagiinit kong katawan.
Iniatras niya ako hanggang sa mapasandal sa pader, humiwalay ang labi niya sa labi ko at lumipat sa leeg, napaungol ako ng kagatin niya ang sensitibong parte ko roon, nagtayuan rin ang mga balahibo ko dahil sa kakaibang dulot ng mainit niyang halik sa balat ko.
Bumalik ang labi niya sa labi ko at kinagat ang ibabang labi ko bago isinandal ang noo sa noo ko, naghahabol kami ng hininga bago siya nagsalita,
"I-i'm sorry, i lost c-control.." napakagat labi ako at umiwas ng tingin, hinalikan niya ako sa noo bago umatras,
"Sleep now, Tahlia. I know you're tired." Tumango lang ako at tipid siyang nginitian bago tinalikuran, hinila niya ang braso ko kaya natigilan ako,
Niyakap niya ako
"Good night, Tahlia
I love you.."
Huling salita niya bago siya tumalikod at tuluyang lumabas ng silid.
-------
:)