Nagising ako sa mahinang hagikgikan na nanggagaling sa tabi ko, marahan akong dumilat bago nagtakip ng bibig, kasi naman yung mukha nilang mag ama nasa tapat ng mukha ko!
"Mommy! Good morning!" Masiglang bati ni Natasha bago ako halikan sa pisnge,
"Good morning rin, Mommy" nakangiting bati naman ni boss na nakapagpatibok ng puso ko. Naknang punyeta! BAt kA gAnyan bOss
Bumati ako pabalik bago nagpaalam na magc-CR muna, badbreath pa ko mamsh, nang matapos ay naabutan ko silang mag-ama na naglalaro sa ibabaw ng kama ng bato bato pick, sumandal ako sa pader at hindi muna lumapit, pinapanuod ko sila, malakas na halakhakan ang nangibabaw sa loob ng silid.
Hindi ko maiwasang hindi titigan si Yexel, ibang iba ang pinapakita niya sa harap namin kumpara sa harap ng maraming tao.
Nawawala yung pagiging matigas at nakakatakot na aura niya kapag nakaharap sa anak, hindi nawawala ang kislap sa mga mata niya magmula ng dumating kami rito.
"Mommy, what are you doing? Come here, and join us!" Nginitian ko si Natasha bago lumapit at tumabi sakanya, marahan kong hinawakan ang buhok niya at pinaglandas ang mga kamay, tumingin siya sa 'kin at ngumiti bago isinandal ang ulo sa dibdib ko,
"I love you, mommy" napangiti ako at lumingon kay Yexel, nakangiti rin siya at bakas ang saya sa mukha,
"Daddy, let's group hug! This is our first hug together with mommy.." nagulat ako maging si Yexel, tinitigan niya ako na parang nanghihingi ng permiso, tumango lang ako bago siya lumapit at yumakap sa 'min.
Ang sarap sa pakiramdam, akala ko noon magisa na lang ako at walang pamilya, ngayon ay may mauuwian na 'ko, sa loob ng 3 taon, makakasama ko na sila ulit, kahit pa ang mga alaala ko ay hindi pa tuluyang bumabalik.
Unang kumalas sa yakap si Yexel at ngumiti sa anak bago hinalikan sa noo, tumayo na rin ako at sabay sabay kaming bumaba papuntang hapagkainan.
Hawak ko si Natasha sa kaliwang kamay, sa kanan naman si Yexel,
Habang naglalakad ay masayang kumakanta si Natasha,
"You're my honeybunch
Sugarplum pumpy-umpy-umpkin"
lumingon siya sa 'kin bago kumindat,
"You're my sweetie pie" sabay kaming natawa ni Yexel, pinisil ko ang pisngi niya bago siya nagpatuloy sa pagkanta,
May nakasalubong kaming maid, mukhang may edad na. Gulat at pagtataka ang rumehistro sa mukha niya bago kami tinapunan ng tingin isa isa. Tumagal lang ang tingin niya kay Yexel bago kami tinalikuran ulit,
Hindi ko nalang pinansin at umupo sa upuan na nakalaan para sa 'kin,
"OMG! Daddy this is our first meal together with mommy! I'm so happy!" Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng lungkot, napabuntong hininga ako bago ngumiti,
"And this is not the last baby, i'm so sorry for what i've done before, give me another chance to prove my love for you, please?" Napahawak siya sa bibig bago sunod sunod na tumango, tiningnan ko si Yexel na nakacrossed arms lang na pinapanuod kami, bakas ang saya sa mga mata niya kahit hindi nagsasalita.
"I can give you thousands chances mommy, because you're my mom and i love you!" Nagflying kiss siya sa 'kin, umakto naman akong sinalo ito at nilagay sa puso, she giggled. Kaya natawa ako,
"How about me? Where's my flying kiss?" Nagkatinginan kami ni Natasha bago sabay na tumawa, nakataas kasi kilay ni Yexel, nagflying kiss din sakanya si Natasha para raw hindi na siya magtampo, naiiling na nagumpisa na kaming kumain,
Natagalan kami sa pagkain dahil sa daldal ni Natasha, hindi siya nauubusan ng kwento
"And mommy, i have boyfriend, he's my classmate" nasamid ako habang naningkit ang mga mata na tinitigan siya,
Jusko! 5 yrs old palang siya at prep-student!
Nabitawan naman ni Yexel ang mga kubyertos na hawak,
"You have, what?" Napakagat labi ako bago nilingon si Yexel, nandidilim ang aura nito sa narinig, pero mukhang walang pakialam si Natasha bago kibit balikat na sumagot,
"Boyfriend daddy, why?" Nakataas pa ang kilay niya ng binalik ang tanong sa ama
Attitude Natasha! Bakit yan pa nakuha mo sa 'kin!
"Natasha you're just 5 years old. You're not allowed. You're still a baby." Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Yexel at mukhang frustrated sa anak. Napanguso naman si Natasha bago tumingin sa 'kin,
"Mommy, shall i break up with him?" Gusto kong tumawa ng malakas sa nangyayari pero pinigilan ko, yung reaksyon ni Yexel hindi na maipinta, mukhang sasabog na sa galit at pagpipigil sa anak,
"Yes baby, daddy will be mad. Look, he looked pissed." Tiningnan niya daddy niya, tumango lang si Natasha bago nagumpisang kumain,
"Okay, i'll text him later." wait. WTF??? SHE EVEN KNOWS HOW TO TEXT SOMEONE??? At parang wala lang sakanya!
"Pack your things later, we'll go back to philipphines. You will celebrate your birthday there Natasha." Sabay kami na napatigil ni Natasha sa pagnguya bago gulat na tumingin sakanya,
The hell?? Akala ko ba may family date kami mamaya? Walanjo Natasha, bat kasi nagjowa ka!
"For real, daddy?" Hindi makapaniwalang tanong ni Natasha, hindi siya sinagot ng ama, mukhang galit pa. Mukhang nainis si Natasha sa pagsnob sakanya ng ama kaya bigla siyang tumayo na hindi kami nililingon, nagkatinginan kami ni Yexel bago siya tumayo at sinundan ang anak,
"Natasha! Don't give me an attitude!" Narinig kong sigaw ni Yexel, napasampal ako sa noo bago sumunod sakanila,
"I hate you, daddy! You ignored me!" Naabutan ko silang dalawa sa kwarto ko,
"Because i'm mad, i am your daddy, your brother, your boyfriend. I don't want you to have a boyfriend at a young age." Paliwanag nito sa anak, nagcrossed arms lang si Natasha bago siya tinaasan ng kilay,
"What age you'll let me to have, then?" Bagsak balikat na mukhang stress na si Yexel sa anak, sino ba naman ang hindi? 5 yrs old palang boyfriend na ang iniisip!
Tiningnan ako ni Yexel na parang nanghihingi ng tulong, lumapit ako at sumampa sa kama bago tinabihan ang anak,
"I will let you have a boyfriend when you already know how to wash dishes, clean our house and laundry your own clothes." Nakangiting sagot ko sakanya, kunot noo siya na tumitig sa 'kin,
"But mommy, those are our maid's work. And those are not easy." Nagtataka niyang sagot, tiningnan ko si Yexel na tahimik lang na nakikinig bago ko binaling ulit ang tingin sa anak,
"Exactly baby, because being in a relationship is not about love, wants and needs but responsibility. If you're responsible to yourself, you can be responsible to others. Those i mentioned are just simple works actually, but because you aren't ready yet you think those are hard, Life is never easy, same as in relationship."
Tumango naman siya na parang naintindihan ang gusto kong iparating,
Ngumiti siya sa 'kin at nagpuppy eyes,
"Mommy can you teach me to do those house chores so daddy will let me have a boyfriend?" Napatampal ako sa noo bago nawawalan ng pag asa na tumingin kay Yexel na nandidilim nanaman ang aura.
"I'm losing my patience" mahinang bulong ni Yexel, humagikgik naman si Natasha na nauwi sa malakas na tawa.
"Hey! Mom, Dad i'm just kidding! I'm just teasing you dad. Sorry." Sagot nito bago nagpatuloy sa tawa, nakahinga naman ako ng maluwag bago nangingiti na bumaling kay Yexel,
Mukhang nakahinga na rin to ng maluwag pero hindi parin nawawala ang madilim na aura.
"Not funny, Natasha." Inirapan siya ng anak bago bumulong ng KJ.
"Going back to your words earlier, we're going to philipphines, Dad?" Tumango si Yexel bago sumagot,
"I'll transfer you there, since mommy and i are working in philipphines, you'll come with us." Ngiting ngiti siya bago nagtatalon sa kama sa tuwa,
"Yehey! Daddy won't leave me in this boring house again!" Nagsasasayaw siya bago niyakap ang ama, hinila niya rin ako. Para family hug raw. Natawa ako
Kumalas lang kami sa yakap ng may kumatok, pumasok yung maid na nakasalubong namin kanina. May hawak siyang syringe. Napakunot noo ako ng lumapit siya kay Yexel bago itinurok sa braso ng huli,
Nagsalita lang ako ng tuluyan ng
lumabas ang maid,
"Para saan ba talaga yan? Pangalawang beses na kitang nakita na tinurukan." Kibit balikat lang ulit sinagot niya kaya sinimangutan ko siya,
"Daddy can't take capsule and tablet medicines, he can't swallow those because it taste bad." Tumango tango ako, e para saan nga yon? Pero wait-
"You can understand tagalog?" Tiningnan naman ako ni Natasha na parang may sinabi akong joke na nakakatawa.
"of course mommy. you're filipino and dad is half blood." Tumango tango ako kasi ang tanga ko talaga, nanakit pa ulo ko kakaenglish sa 'yong bata ka. Nakakaintindi ka naman pala.
Matapos magusap napagdesisyunan namin na magayos na ng gamit para sa flight mamayang hapon, bukas ay birthday ni Natasha, tinanong namin siya kung anong gusto niyang gawin, ang sabi niya'y ipasyal lang daw namin siya sa magagandang pasyalan doon. Because that was her wish daw noon pa. Pumayag kami.
Bakas ang saya sa mata ni Natasha ng makasakay kami sa sasakyan para bumyahe papuntang airport, excited talaga siya
"Boss, alam ba ng mga nagtatrabaho sa Y.S Corp. na may anak ka?" Curious kong tanong, bumaling siya sa 'kin,
"Yexel, call me Yexel. Or Daddy if you want." Natahimik ako at napaiwas ng tingin, naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko at pagbilis ng t***k ng puso,
Gago ka, Yexel! Aatakihin ako sa 'yo!
"They don't know about Natasha's existence yet." Oh hindi na sana ako magsasalita ng may maalala ako,
"How about your cousin? Yung kasama mo nung nakaraan, si Axel ba yun?" Tumingin sa 'kin si Natasha,
"You met papsie Axel?" Nasagot na ang tanong ko ng magsalita si Natasha,
"I met him accidentally, but why papsie Axel?" She rolled her eyes bago nginuso ang ama.
"Because he's old. And daddy said i should call him papsie because he's manwhore and a sugar daddy." Binatukan ko si Yexel ng marinig ang, 'manwhore' at 'sugar daddy' sa bata.
"Stop saying those words again, those are bad!" Tiningnan niya lang ako ng nagtataka,
"Which words mommy? The manwhore, sugar daddy or papsie?" Narinig ko ang tawa ni Yexel kaya binatukan ko ulit.
Ang sakit sa ulo ng batang 'to!
"Those 3 you've mentioned" tumango naman siya at ngumiti.
Nagpatuloy ang byahe hanggang sa makarating kami sa airport, tinanong ko si Yexel kanina kung saan kami tutuloy, ang sabi niya doon daw sa bahay namin. Yung pinagdalhan niya sa 'kin, minsan lang daw siya umuwi doon dahil madalas ay nasa condo siya, masyadong malaki ang bahay kung siya lang magisa at mga maids ang kasama. Pero dahil kasama naman na daw kami, dun na kami lilipat.
Desisyon din 'to si Yexel eh, hindi man lang ako pinagdedesisyon kung gusto ko ba tumira sa bahay daw namin. Hays.
Madaling araw na ng makauwi kami, tulog na tulog si Natasha habang buhat ng ama. Sinalubong kami ng mga maids sa gate para tulungan sa mga dala,
Sa master's bedroom dinala ni Yexel si Natasha, sumunod ako para magpaalam na matutulog na sa kabilang kwarto kung saan ako nagpahinga nung unang dinala niya ako rito.
"Good night, Tahlia.. and thank you" ngiti 't tango lang ang sinagot ko, hinalikan ko muna sa noo si Natasha bago lumabas ng kwarto, tabi silang mag-ama, ayoko naman makisiksik kaya hindi na 'ko tumabi sa kanila.
Tanghali na ng magising ako ulit, i did my morning rituals bago bumaba, unang nakita ko ay yung doctor na nagturok ng syringe kay Yexel, dito rin siya nakatira?
Tinitigan ko siya ng mabuti, bago napagtanto na punyeta! fafa rin pala 'to!
Hindi siya nakawhite coat, pero naka ripped jeans, black shirt paired with white shoes siya. May hawak din na sunglass sa kaliwang kamay,
Shit ang sarap!
Tumingin siya sa 'kin bago yumuko at naglakad papalayo, may lakad siguro.
Dire-diretso ako sa dining hall, hindi pa man nakakalapit rinig na rinig ko na ang halakhak ng mag-ama,
"Good morning!" Bati ako sakanila, tumingin sila sa 'kin bago lumapit si Natasha, hinalikan niya ako sa pisngi bago hinila sa dining table,
"Happy birthday, Natasha!" Tinitigan niya ako na parang may sinabi akong masama, nangilid kasi yung luha niya sa mata bago tumingin sa ama, napakunot noo ako,
"Is there something wrong?" Nagaalalang tanong ko, lalo siyang naiyak at tinakip ang kanyang mga kamay sa mata,
Tumayo si Yexel at tumabi sa anak para pakalmahin.
"B-because mommy, this is the first time you g-greeted me in my special d-day, i-i'm just h-happy, and y-you're not m-mad at me anymore, i'm h-happy, thank you m-mommy!" Napatikom ako ng bibig, nakaramdam din ng pagkahabag, napalunok ako bago lumapit sakanilang dalawa, niyakap ko si Natasha,
"I'm sorry baby, it won't happen again" tumingin siya sa 'kin bago suminghot, itinaas niya ang kanyang hinliliit at inilapit sa 'kin,
"Promise?" Kumukurap ang mga mata niyang tanong sa 'kin, nginitian ko siya bago inabot ang kamay gamit ang hinliliit ko,
"Promise!" Sagot ko bago nagpinky swear. Niyakap niya ako ulit,
Hinila ko si Yexel para sumama na din, mukhang tanga nakatingin lang eh,
Naramdaman ko ang pagpulupot ng isang kamay niya sa bewang ko bago mahigpit na yumakap,
Ang sarap sa pakiramdam,
At ang hirap din pakawalan, marami pang tanong ang nasa isip ko, at alam ko na sila lang ang makakasagot ng lahat ng 'yon, katulad na lang ng
Nasaan ang mga magulang ko?
Anong nangyari 5 years ago?
Bakit ako umalis at iniwan sila?
Sinong sumagasa sa 'kin?
Bakit 3 taon muna ang lumipas bago niya 'ko hinanap?
Bakit kilala ni Axel si Natasha, pero ako na asawa ay hindi?
Marami pa. Marami pa 'kong tanong, at lahat ng 'yon magkakaroon din ng sagot,
Hindi man ngayon,
Pero magiging handa na 'ko sa sagot na makukuha ko sa bawat tanong na nasa utak ko.
Isa lang dapat ko pang isigurado,
Mananatili pa kaya 'ko sakanila sa oras na malaman ko ang katotohanan sa tunay kong pagkatao?
Hindi ko alam..
Bahala na.
-----