Chapter 4

1315 Words
Isang linggo na ang nakalipas, isang linggo ko na rin siyang pilit iniiwasan, hindi parin matanggap ng utak ko yung sinabi niya, Lulong kaya siya sa droga? Runaway wife niya raw ako? Eh sa yaman niya na yun, malabong takbuhan ko siya! Aba'y buhay prinsesa na sana ako! Napabuntong hininga ako bago inalala muli ang nakaraan, That was 3 years ago, nagising na lang ako isang araw sa isang hospital na wala ng maalala. Ang sabi ng nagdala sa 'kin doon, sinadya raw akong sagasaan pagkatapos ay tinakbuhan. Sino naman ang gagawa sa 'kin non? Masama ba ugali ko noon kaya may taong galit sakin? Wala naman raw nawalang gamit sa 'kin kaya dun nila nalaman ang pangalan ko, Isang linggo bago ako magising sa pagkacomatose ay umalis din ako sa hospital. Wala akong pera nung mga panahon na yun maliban sa limang libo na laman ng wallet ko, Ang lalaking nagdala sa 'kin sa hospital, siya rin mismo ang nagbayad ng bills ko. Hindi siya nagpakilala at hindi ko na rin muling nakausap pa. Si Isha ang unang naging kaibigan ko, nilapitan niya ako isang gabi habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada at hindi alam kung saan patutungo, "Miss, ayos ka lang ba?" Napaatras ako ng biglang may sumulpot na babae sa harap ko, "S-sino k-ka?" Napansin ko na natigilan siya, tila namukhaan ako, tumitig siya sa 'kin, mababakasan ng pagkalito at galit ang mga mata niya bago ulit nagsalita, "Hindi mo 'ko nakikilala?" Mahina lang pero sapat sa pandinig ko, umiling lang ako at nakipagsukatan ng titig sa kanya, "M-magkakilala b-ba tayo?" Napakurap kurap ang mga mata nito bago kumunot ang noo, "Saan kaba papunta? Disoras na ng gabi, baka mapahamak ka." Yumuko ako at pinigilan ang luha, "H-hindi ko a-alam, wala a-akong maalala.." napansin ko ang paghakbang ng mga paa niya paatras, "A-anong pangalan mo?" Tumingin ako sakanya bago binuksan ang bag at ipinakita sakanya ang isang I.D, kinuha naman nito agad at napatakip sa bibig, "Tahlia Mercedes.." bulalas nito bago ibaling ang paningin sa 'kin, puno ng poot ang mga mata niya ngunit sandali lang ay ngumiti ulit bago naglahad ng kamay, "Patricia, Patricia Lopez." Pagpapakilala nito bago ako inanyayahan sumama sakanya. Si Isha ang tumulong sa 'kin bumangon ulit, Kinwento ko ang lahat ng naalala ko sakanya magmula ng magising ako sa hospital, Hindi niya ako pinabayaan ng mga panahon na yun, kaya malaki ang utang na loob ko magpahanggang ngayon. Masyadong okupado ang utak ko kaya hindi ko na napansin ang paglapit ng asawa ko. Wife niya raw ako eh, bakit ba "To my office, now." Napanguso ako ng talikuran rin niya ako agad, ano nanaman kaya kailangan nito? Sumunod din agad ako, pagkapasok ko ay nilock ko agad ang pinto. Dapat ready, malay niyo gumawa kami ng baby, diba? "Cancel all my meetings for the whole week and book a flight for us in Cali," Literal na napanganga ako sa utos ng magaling kong asawa, "S-sir?" Hindi ako makapaniwala malamang! Pupunta raw kami ng California, Bakit? OMG baka dun kami maghoneymoon! "Don't make me repeat myself, move" hindi siya tumitingin sa 'kin at ang mga mata ay nasa mga papel sa harap, Hindi na 'ko nakatiis at lumapit na sakanya, "E bakit kasama ako?" Nagtataka kong tanong, tinanggal niya ang suot nyang salamin bago walang ganang tumingin sa 'kin, "You're my wife." Laglag panga akong hindi makapaniwala sa sagot niya, "T-teka nga Sir, kung mag-asawa nga talaga tayo, bakit magkaiba tayo ng apelyido?" Tumitig lang siya sa 'kin bago marahang sumandal sa swivel chair na hindi inaalis ang mga mata sa 'kin, "Because you hate my existence, you hate everything about me." Dumaan ang sakit sa mga mata nito bago tumayo, "I made mistake from the past to the point that you always wish me.." tumigil siya bago tumitig sa 'kin ang puno na lungkot niyang mga mata bago nagpatuloy, "to die." Tinalikuran niya ako at tuluyan ng lumabas na hindi lumilingon sa 'kin, Saka lamang ako nakahinga ng maluwag ng tuluyan na siyang makalabas, What was that? Nanghihina ang mga tuhod na napaupo ako sa single coach na nasa gilid, Puta cyst, masyado siyang perpekto para hilingin kong mamatay! Dati ba 'kong sabog? O ginagago lang ako non? Wala sa sarili akong lumabas ng silid para gawin ang inutos niya, Kailangan ko makauwi ng maaga, kailangan ko ng pahinga. Sumasakit ang ulo ko! Nang matapos ang trabaho ay nagiwan na rin ako ng note para sa asawa ko na uuwi ako dahil sumama ang pakiramdam ko, Hinarang naman ako ni Isha na nakataas ang kilay, "Uuwi na ko, masama pakiramdam ko." Yun lang ang sinabi ko bago siya talikuran, hinatak niya naman ang braso ko tsaka ako binatukan "Anong eksena mo te?" Pinaningkitan ko lang siya ng mata at binawi ang braso ko, "Parang wala kang kasalanan sa 'kin ah?" Matapang kong tanong, tinaasan niya lang ako ng kilay bago nagcrossed arms sa harap ko, Aba matapang rin! "Parang hindi ka nagenjoy ah?" Inis ko siyang tinalikuran, enjoy? Paano ako mageenjoy e sumakit nga yung ulo ko lalo sa nangyayari?! Nang makauwi sa bahay ay agad ko rin binagsak ang katawan ko sa kama tsaka mariing pumikit, agad din naman akong bumangon at humawak sa sentido, "Masamang tao ba 'ko noon?" Napabuntong hininga ako bago bumalik sa pagkakahiga, Una, sinadya raw ako sagasaan noon. ngayon na man hiniling ko raw na sana mamatay na lang si boss Bakit? Sino ba talaga ako? ------ Nagkita kami ng magaling kong asawa sa Airport, hindi kami naguusap magmula ng magkita kami. Magtatanong lang siya pagkatapos non ay wala na, Hindi na ulit siya kikibo Mas mabuti na siguro yun, kasi hindi ko rin alam ang sasabihin ko, pero nagtataka na talaga ako, anong gagawin namin dun ng isang linggo? "Boss, sino ba pupuntahan natin don?" Napanguso ako ng balingan niya lang ako ng tingin bago siya pumikit, "Nice talking~" mahinang bulong ko bago siya irapan, nakaramdam ako ng antok sa byahe pero bago tuluyang pumikit ang mata'y narinig ko ang huling sinabi niya, "Someone you hate but i treasured the most..." Hapon na ng makarating kami sa bahay raw nila boss, pero mukhang mansiyon. Nanggagago ata 'to eh May lumapit na maids samin at kinuha ang mga maleta na hawak namin, yung ibang maids na lumapit ay bakas ang gulat ng makita ako pero hindi naman nagsalita, nakakunot noo tuloy akong sumunod kay boss papasok, Ang weird nila, "Boss, ang laki ng mansiyon niyo pero bat puro katulong lang nandito?" Nagtatakang tanong ko, tiningnan niya lang ako bago iginaya papasok sa isa pang pinto, Sumunod ako, Isang mini playground ang bumungad sa 'min, Maglalaro ba kami? "Boss.. maglalaro tayo?" Takang tanong ko, pero hindi siya sumagot, dire-diretso siyang pumasok sa loob kasabay ng pagsigaw ng isang bata na nakapagpatigil sa 'kin sa paghakbang, "Daddy!!!!! You're back!!!!" Isang batang babae ang tumakbo papalapit kay boss at agad na yumapos, napakurap kurap ako sa nakikita.. May anak na siya? Akala ko ba ako asawa niya? Anyare? Naguusap ang dalawa bago lumingon sa 'kin ang batang babae, bakas ang takot sa mukha nito ng makita ako at sumiksik sa dibdib ng daddy niya, Okay? Ang ganda ko masyado para matakot siya. "She won't hurt you, baby.." narinig kong pagpapakalma ni boss, lumingon ako sa likod baka hindi ako ang tinutukoy niya, hindi ako nananakit ng bata! Pero walang ibang tao.. ako lang Humakbang si boss papalapit sa 'kin habang karga ang anak niya, hindi ko maialis ang kunot sa noo ko dahil hindi ko alam kung anong nangyayari Tumigil sila sa harap ko, doon ko lang natitigan ng mabuti ang bata, Kulay berde rin ang mga mata niya, hindi sila nagkakalayo ng itsura ng daddy niya, pero yung hugis ng mukha at labi.. Bakit katulad ng sa 'kin? "A-anak mo boss?" Tangina bat ako nauutal, napahawak ako sa dibdib kasi nagwawala na puso ko sa kaba, Ngumiti si boss at nagkatinginan sila nung bata, kumunot yung noo ng cute niyang anak na mababakasan ng pagtataka bago tumingin ulit sa 'kin, "M-mommy.." mahina lang pero sapat sa pandinig ko, napatutop ako sa bibig bago humakbang paatras, M-mommy? May anak ako? Putangina. Paano?! Tinitigan ko silang dalawa bago umikot ang paningin ko at mawalan ng malay ----------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD