Prologue
Basa na ng ulan ang ilang gamit namin dahil hindi kami agad makasakay ng sasakyan sa terminal kanina. May bagyo ata kaya walang tigil ang buhos ng ulan.
“Wena, bilisan mo riyan nang makapagbihis ka na.” ani ni mama
“Sige po ma, pumasok na din po kayo.” Tugon ko
Ilang buwan na ang nakalipas ng mangyari ang trahedyang nakapag pabago ng buhay namin ni mama. Ayaw na sana niyang balikan ang lugar na nakalakihan niya, ngunit para sa ikakabubuti naming dalawa ay kailangan, napilitan si mama na lumipat kami.
Gabi na ng tumigil ang ulan nag luluto si mama sa kusina habang nililinis ko ang aming tutulugan. Medyo malaki ang bahay sapat lamang para sa isang pamilya.
Dalawang palapag ang bahay ngunit may kalumaan. Halata sa panlabas nito na wala ng nakatira dahil sa matataas na damo. Ngunit maayos naman ang loob at kumpleto ang kagamitan.
“Anak kumain na tayo nang makapag pahinga ng maaga” wika ni mama
Agad akong bumababa ng hagdan nang maamoy ang ulam
“Ma pwede ba akong lumabas bukas, don lang sa nadaanan natin na plaza tabi ng simbahan.”
“Bukas agad, pwede namang magpahinga ka muna at baka mag kasakit ka. Ako na ang mag e-enroll sayo.” Ang tanging sabi nya halatang tutol sa plano ko
“Wag na ma ako na lang, para naman akong elementary niyan.” sabi ko sa iritadong tono
"O siya sige ikaw bahala. Pero pag nawala ka hindi kita hahanapin ha" ani ni mama
Umakyat na ako pagkatapos naming magligpit ng mga plato. Inayos ko na din ang mga damit sa may kalumaang aparador. Sumilip ako sa bintana may iilang bahay kaming katabi at karamihan ay palayan na. Makulimlim pa rin.
Sa may di kalayuan ay nakita ko ang isang malaking bahay maraming nakasinding ilaw at may mga nag kakasiyahan. Parang isang party ang ganap, akala ko ay sa Manila lang ang ganitong tagpo, mayroon din pala sa probinsya siguro ay mga mayayaman.
Napatingin ako sa bandang ibaba ng bahay, may lalaking nakatingin. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o totoo.