"Seryoso ba this?" Nashushungang tanong ni Terence habang nakatitig kay Sica na nasa tabi ko lang naman. Actually, marami ang nakatitig kay Sica na mga schoolmates namin. First time yata nilang makitang sumabay ang diyosa na kumain sa mga tulad namin na, well, cute lang. "Kasama talaga natin sa iisang table si Sica? Like, O to the M to the G!" "Bes, tusukin ko kaya 'yang mata mo?" Ang mala-yandereng babala ni Chase habang iniuumang yung tinidor niyang may sauce pa ng spaghetti. "Nakikita mo na nga, nagtatanong ka pa. Bobo!" "Maka-bobo ka, akala mo hindi ka nakakasakit! Bakla!" Maarte niyang sinapo ang dibdib na akala mo'y na-hurt talaga. "Hindi lang naman ako makapaniwala." "Puwes, maniwala ka na. Bakla!" "Hampas-lupa!" "Pagpasensyahan mo na sila," Bulong ko kay Sica na aliw na aliw

