Kabanata V

1137 Words
"Bakla," nahihintakutang tawag ko kay Terence, "Anong nangyari sa kilay mo? Bakit nawala?" Seryoso, nakalbo talaga yung manipis niyang kilay! Grabe. Kakapasok ko pa lang ng room pero ito na ang masasaksihan ko? I kennat! Bigla namang naghagalpakan ng tawa ang mga butihin kong friendships at walang kahiya-hiyang dinuduro si Terensiyo na salubong na ang outline ng kilay. Napapatingin na sa'min yung ibang classmate namin. Paano ba naman, mas maingay pa yata kami sa kanila. Feeling ko nga anytime ay baka mabugbog na kami rito. Oh, my! "Terence-sshi," Matawa-tawang tawag ni Sally sa baklita, pulang-pula na rin ang mukha nito. "Akala ko ba, kilay is life? Bakit mo binura?" "Mga hampas-lupa!" mala-reynang pahayag ni Terence, "Kung tuyain ninyo ako'y parang hindi pa kayo nagkaganito." Suminghot siya, akala mo naman may luha't sipon. Drama. "Hindi pa talaga!" Sabay-sabay na sagot namin. Inirapan lang kami ng malditang bakla at tinalikuran. Pero gano'n na lang ang gulat namin nang walang habas na kinalkal niya ang bag ko. "Hoy!" "Ano ba 'to, puro lollipop!" Naitirik ko ang mata sa narinig. Siya na nga itong nangangalkal ng bag nang may bag, siya pa ang may ganang magreklamo. Nakakuha siya ng marker pen. Anong... Gano'n na lang ang gulat ko nang kunin niya iyong compact mirror na hawak ni Sally at mabilis pa kay Batman na—n-na ginuhitan yung kilay niya gamit no'ng marker mismo! Naku naman! "Oh, ayan na," Tinaas-baba niya aag kilay na gawa sa marker. Napatakip ako ng bibig. Nagpipigil tumawa. "May kilay na ako. Taray, hindi ba?" Mabilis na nagsitawanan yung mga loko-loko, at kasama na ako ro'n! Sinong hindi tatawa? Nakakaloka itong si Terence! "Para kang tanga!" Medyo hard na sambit ni Maki habang panay rin ang tawa. Halos lahat nga kami, namumula na ang mga mukha sa kakatawa. "Comedy ka talaga! Hype!" Natigil lang kami sa pambubuska sa nakasimangot nang si Terence nang biglang bumukas ang pinto. Bumungad sa amin si Ivan, yung classmate namin na madalas nagbabantay sa labas ng silid-aralan para mag-abang ng good news. "Walang teacher hanggang third period!" Nagdiwang ang lahat. May pompoms na gawa sa bottled water, may crumpled paper na pinauulan sa buong room, mga wala sa ayos na upuan at siyempre—ang sigawan ng lahat. "Mga bakla, it's gala time!" Ani Terence na animo'y nakalimot na sa kanina lang na pang-aalipusta namin. Nagsihiyawan naman sina Sally at nag-uunahang lumabas ng classroom. Except kay Maki. "Chloe." "Yup-yup?" Nakangiting tugon ko. Kumuha ako ng lollipop mula sa bag. Tinanggal ko yung wrapper nito and isinubo. Yesh, sharap! "Sundan na natin sila?" Nagtaas-baba ako ng balikat at cute na nag-smile. "Alam mo na, baka maligaw." "Hayaan mo sila," balewalang sagot ni Maki my friend, "Gusto mong maglakad-lakad?" "Eh," Dinilaan ko yung lollipop at ini-trace sa lower lip ko. Hindi nakaligtas sa matalinaw kong paningin ang pagsunod ng mata niya sa ginawa ko. "Masakit ang bangs ko." "Tinatamad ka lang, eh." Komento niya kaya humagikhik lang ako. Huminto siya. Nilibot ang tingin sa mga kaklase naming isa-isang lumalabas. Tumingin siya sa'kin. "Dito na lang tayo?" "Eh, ikaw? Ayaw mong lumabas?" "Sasamahan na lang kita." "Ayaw mong lumabas?" "Sasamahan na nga lang kasi—" "Ayaw mong luma—" "Tatapon ko 'yang lollipop mo." Nag-peace sign ako kasi mukhang napikon na siya. "I wuv you, Maki-bells!" Nag-tilt ako ng ulo. Pansin ko kasi yung biglang pamumula ng mukha niya. Eh. Kung sabagay, mainit ngayon. At saka ang puti kasi ni Maki kaya normal lang na mamula agad ito. "I...love you, too." Napatingin ako sa balat ko. Hmm, hindi ako ganoon kaputi. Pero tingin ko ay bagay naman sa akin ang color ng skin ko. Hmm... "Chloe." Oh. Hindi na bale. Cute naman ako. Walang saysay ang pagiging maputi kung hindi ka maganda, o cute, o diyosa. Katulad ni Sica, ano po? "Chloe, 'oy." Eeh! Naman! Hanggang dito ba naman! "Kung magkaka-crush ka, sa akin muna." Eeh! "Chloe!" "H-ha?" Natauhan ako nang may yumugyog sa balikat ko. "Maki?" "Lutang ka na naman," puna niya. "Anong iniisip mo?" Hindi ano, kung hindi sino. "W-wala. Sinapian lang." "Oh." "Hm-mm." Yung sound lang ng lollipop ang naririnig ko dahil sa sobrang tahimik niya. Okay lang naman sa'kin kasi ganoon naman talaga si Maki. Minsan maingay, minsan tahimik. Medyo moody, ganern. "Chloe," tawag niya sa akin. "Bakit?" Na-realize ko na nakatayo pa rin pala kaming dalawa. Wala na ring tao maliban sa amin. "Hmm, okay lang magtanong?" "Eh," Tumaas ang kilay ko at tinuro siya gamit ng lollipop. "Nagtatanong ka na." Umangat ang kabilang dulo ng lips niya at hinablot ang nananahimik kong lollipop. Babawiin ko na sana iyon pero napanguso na lang ako nang ilagay niya iyon sa pagitan ng labi niya at dinilaan. Ouch! I feel like my heart's broken! Lollipop ko! "Akin 'yan!" "Hmm, masarap." "Siyempre!" Pagmamayabang ko. "Akin iyan, eh!" Giit ko pa. "Gusto mo?" Tanong niya. "Gusto mong tikman?" Mabilis na tumango ako. "Malamang." Nagpaawa ako sa kanya na ikinatawa niya nang mahina. "Maki!" "Okay, okay." Inabot niya na sa akin yung lollipop na mabilis kong hinablot. Mahirap na, baka magbago ang isip niya, eh. "So, anong itatanong mo?" Tumingin ako sa mata niya. Ang hirap niya rin talagang basahin minsan. Hindi ko kasi siya ma-gets, eh. Ang seryoso palagi. "Oh," Mas lalong sumeryoso ang feslak ni Maki. "Itatanong ko lang sana kung may pag-asa ako sa iyo." "Ha?" Ano raw? Pag-asa? "Bakit?" Hinawakan niya ang wrist ko at hinila ako palapit sa kanya. Kumunot ang noo ko. Naguguluhan ako, eh. Anong meron? Tinanggal niya ang lollipop sa bibig ko. Hindi ko na iyon mabawi kasi ang intense ng tingin niya sa akin. Hala ka. Hala. Teka. Sinasapian ba siya? Oh, my gosh! Na-possessed ba siya ng alien? Binitawan niya ang wrist ko at mabilis akong hinapit sa baywang. "Maki? Hello? Earth to Maki—!" One. Two. Three. Nanlaki ang mata ko. Saglit lang iyon pero feel ko, as in, feel na feel ko ang pagdampi ng labi niya sa sariling labi ko—sa loob ng ilang segundo. Owemdyi! Tili ni Brainy na mas malandi pa ang pag-irit sa akin. Tumigil yata sa pag-process ng information ang utak ko. Yung kiss lang ang na-absorb ko. N-nananaginip yata ako. Imposible kasi. Eh, first kiss ko iyon! "Chloe." Napatingin ako sa kanya. "Gusto kong sabihin na—" "Public display of affection." Napalingon kami sa pinanggalingan ng boses. Nanlaki ang mata ko nang makita ang diyosang sumabay sa akin sa pagpasok kaninang umaga. Prenteng nakasandal ang katawan nito sa may hamba ng pinto at matalim ang mala-manyikang mata na nakapukol sa amin. Napalunok ako. Ang dilim ng aura niya. As in! Parang may nakapalibot na black energy sa kanya. "Bawal ang ginawa ninyo. Lalo na't nasa loob kayo ng paaralan." Si Sica. Patay... _____
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD