Kabanata III

1271 Words
"Pautang naman, mga bes." Ang unang linyang lumabas sa bibig ni Terensiyo nang magpunta sila rito sa bahay namin ni Kuya. Para namang naaning ang mga kaibigan ko at pinandilatan ang baklitang kasalukuyang humihingi ng limos sa amin. At talagang nakaumang pa ang mga kamay ng bakla! "Terence-sshi, wala ka na bang makain?" Ang wala sa wisyong tanong ni Sally, ang nag-iisang Kpopper na may saltik. Minsan kasi ay hindi ko na ma-gets ang kinikilos niya. Parang napapraning. Humugot ito sa sariling bulsa para lang ngusuan si Terence. "Wala pala akong dalang candy..." "Pera ang hinihingi ko, hindi kendi." Matapobreng sagot ng isa kasabay ng pagtirik ng mata nito. "Gold digger," malamig na entrada naman ni Maki. Medyo, uhm, matabil lang talaga ang dila niya. Nameywang ito sa harap namin at pinakatitigan si Terence na lalong nagpaawa. "Kung wala kang pera ay mangutang ka sa iba. Huwag sa amin." "Pero kayo lang ang mga friendships ko!" "Friendship over na tayo." Humagikhik naman si Chase. "Friendship over na rin tayo, Bakla." Mula sa nagmamakaawang tingin ay biglang umangil ang binabae at nagmukhang mabangis na nilalang. "Mga hampaslupa! Magkaketong sana kayo. Mga kuripot!" Mabilis siyang tumingin sa akin kaya napaiwas ako ng tingin at nagpanggap na naglilinis ng pink kong eyeglass. "Chloe—" "Lollipop lang ang meron ako," putol ko sa kanya, "at ang pagiging cute ko." Dagdag ko pa pero sinabunutan niya lang ang bangs ko. "Aray!" "Maharot ka!" "Ano na naman?" angil ko. "Magsama kayo ng lollipop mo! Bakla ka!" "Ikaw iyon! Hindi ka tunay na babae!" ganting sambit ko. Sina Sally, Maki, at Chase naman ay parang mga tambay lang sa kanto na nanonood ng TV mula sa bintana ng kapitbahay kung makatitig sa amin. "Abat—!" Tumaas ang manipis na kilay ng abnormal na baklita at dinuru-duro ang balikat ko. "Hoy, babae! Baka naman gusto mo lang makita ang hiyas ko?" Nanlaki ang mata ko at napatitig sa suot niyang checkered na knee-length na short, iyong mga nauusong suot ng kalalakihan. Pero wala roon sa short ang focus ko kung hindi doon sa, ehem, kanyang, ehem. "Eew!" tili ko. Hinampas ko siya ng unan dahil sa kilabot. "Bastos ka!" "Salbahe!" Hinampas niya rin ako ng unan at dahil sa lalaki siya, tumalsik lang naman ako at halos mahulog sa kama sa lakas ng impact. "Parehas lang tayong may ganito, ano!" "Wala ako niyan!" nanghihilakbot na turan ko, "Papalapa kita kay Doraemon—!" "In love na ako kay Sica." Nabulabog kami sa nakagigimbal na pahayag ni Sally. Laglag ang panga na napatitig kami sa kanya. Ano raw? In love? Siya? Kay Sica? Si Sica, as in, iyong gumagawa ng music video kanina sa school na sinapian ng masamang espiritu at lakas loob na kinawayan at nginitian ang kagandahan ko? Iyong babaeng bespren ni Kuya Pao na hobby ang pagtambay dito sa bahay namin? "Ay, bongga!" Biglang nag-change ng mood si Bakla. "In love ako sa Kuya Pao ni Chloe!" "Ano!" Gulat na reaksyon ko pero humagikhik lang ang huli. "In love ako sa shoes ko," ungot naman ni Chase. Pumalatak siya at animo'y nangangarap na ng gising. Parang gusto ko silang sunugin ng buhay at ipakain kay Doraemon. Mula sa ilalim ng unan ay kinuha ko ang lollipop na kanina ko pa itinago. Halos lahat yata ng mga lagyanan sa kwarto ko ay may lamang lollipop. Kahit nga iyong alkansiya mo, may lamang lollipop. Pera dapat iyon, eh. Eh, ba't ba. "In love ako kay Chloe." Muntik ko nang malunok yung candy ko sa sinabi ni Maki. Tiningnan ko siyang maigi pero hindi ko mabasa ang expression niya. Seryoso ba 'tong babaeng ito? Jaw dropped times two. "End of the world na!" Ang histerikal na tugon ni Terence sa narinig. Yumakap ito kay Chase at ngumawa. "Goodbye, Filipinas!" "Gago," Binatukan siya nito. "Awts." Ayan, edi nakatikim siya ng malakas. Nginatngat ko ang matamis na nasa bibig ko at matamang tiningnan ang babaeng naghayag ng kanyang pag-ibig sa akin. "Naka-drugs ka ba, Maki?" "Homaygad—aray!" "Terence. Tahimik!" Hindi ko pinansin si Sally at Terensiyo na nagsisimula nang magsabunutan. Si Chase naman ay biglang napadpad sa study table ko at nangalkal ng kung ano. "Maki?" "Hm?" "Wala akong gusto sa'yo, ah." Nag-peace sign ako pero nagkibit lang siya ng balikat. "Okay." Ngumiti siya dahilan para mapangiwi ako dahil para talaga siyang nang-iinis mag-smile. "Hindi ka naman maganda, eh." Napakamot ako sa ulo. Joke time lang yata iyong confession niya, eh. Nagsinungaling pa siyang hindi ako maganda. "Mga bes, pauutangin niyo na ba ako?" "Hindi!" "Mga kuripot!" -- Matapos ang ilang oras na panggugulo ng mga kaibigan ko sa nananahimik kong kwarto ay nag-decide na rin silang umuwi. Gabi na rin kasi. Ako na lang ulit mag-isa kasama si Doraemon. Napailing na lang ako habang pinagmamasdan ang aso kong kasalukuyang gumugulung-gulong sa kama. Pasaway talaga. Nag-bun ako ng buhok at inayos ang salamin ko. Kinuha ko yung notebook ko sa Math. May assignment nga pala. Hay... Number one pa lang pero ang hirap na. "Ang sipag, ah." "Tinatamad nga ako, eh," wala sa loob na sagot ko. "Oh..." Biglang nagsitayuan ang balahibo ko sa batok nang makaramdam ng mainit na hanging pumapaypay sa balat ko. Automatic na napalingon ako at halos mahulog ako sa upuan dahil sa lapit ng mukha niya. "W-woah—!" "Hey!" Maagap na nahawakan niya ako sa baywang kaya naagapan din ang muntikan ko nang pagkahulog. Napatitig ako sa mata niya. Wow...black. "Okay ka lang?" Umayos ako ng upo at tumikhim. "A-ayos lang ako, 'no." Inangat ko ang sariling braso. "Nakikita mo 'to? Puro muscles 'yan kaya malabong masaktan ako." Ngumiti siya at nagtaas ng isang kilay. "Sure, Miss Clumsy," nanunuyang tawag sa akin ni Sica. "Hindi ako clumsy. Saka ano bang ginagawa mo rito? Wala si Kuya." pagbabago ko sa usapan. Tumayo na rin ako dahil nakakangawit ang tumingala. Kung bakit ba naman kasi sobrang tangkad niya, eh! Pandak. Tse! Unano. Shattap! "Alam ko." Kibit-balikat niyang sagot na nakapagbalik sa akin sa reyalidad. "Ang cute mo talaga," Komento niya habang natatawa bago komportableng naupo sa kama ko. Naningkit ang mata ko nang lumapit si Doraemon sa dalaga at nagpanggap na maamong alaga. Aba't—! Plastik! "Since birth na akong cute." May pagmamalaking sagot ko pero natahimik ako nang ngumiti ang dalaga ng matamis. "U-umalis ka na nga." Bakit ba pakiramdam ko ay nang-aakit ang ngiting iyon? Naiihi yata ako. "May kailangan pa akong gawin." "Ano naman iyon?" lakas-loob kong tanong. "Hindi mo ako nginitian kanina pabalik." pagbabago niya sa usapan. "Ha?" Ano raw? Praning ka raw. Ikaw ang praning! Mahinang tumawa siya. "Alam mo bang ikaw lang ang nginitian ko ng ganoon?" Ano raw? Baliw ba siya? Eh, parang pare-parehas lang naman ang ngiti niya—ngiting nang-aakit at magpapatulala sa kung sino mang mortal na makakakita nito. Pero sino ba ito para ngitian ko? Hindi naman kami close, eh. Maarte ka! Sigaw sa akin ni Braincell no. 2. Cute kasi ako. Kuwento mo sa pagong! "Lumapit ka." "Ano? Bakit?" gulong tanong ko. Humilig ang ulo niya pakanan. Tumitig siya sa akin na para bang binabasa ang nasa isip ko. Buong tapang ko namang sinalubong ang tingin nito kahit feel kong nanlalambot ang binti ko sa klase ng pagtingin niya. Nakaka-intimidate. "Dahil gusto ko." "Hindi kita boss kaya tigilan mo 'ko." Inirapan ko siya at tinalikuran. Mas importante itong assignment ko kaysa doon sa babaeng prenteng nakaupo sa kama ko. Kinuha ko yung lollipop na nakapatong sa ibabaw ng desk ko, nas-stress ako, eh. "Chloe." Napabuntong-hininga ako. "Hm?" "Sabay tayong papasok bukas." Napahinto ako sa pagnamnam sa nasa bibig ko. Natuluyan na. _____
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD