~FLASHBACK~
Hii! ako si Blaire Parker, 17 years old. Maganda, Mabait, Matalino, friendly, talented, at Christian den halos na sa akin na lahat maliban sa jowa HAHA. Madalas nila akong Tinatawag na Ms.Weirdo...
"NASAAN AKO MAMA ? KUYA ? - natatakot at umiiyak na sabi ko at payakap nalang ako sa sarili kong may narinig akong umiiyak na batang lalaki
Dalawa pala kami sa iisang kwarto, napaka dilim sa silid na ito mukhang abandonadong building
" Mamaaa! - sabi niya na umiiyak, naka tali ang mga kamay at paa namin kaya halos hindi kami maka galaw.
Ng biglang bumukas ang pinto at linuwa nito ang Magandang babae na parang baliw kong maka ngisi.
Hindi ko parin mahinto ang pag iyak ko at ng batang kasama ko, na ikinagalit ng babae
"Tumigil kayo sapag iyak! Kung ayaw niyong pugotan ko kayo ng ulo! - sabi nito na ikina wili ng buong katawan ko.
Tumawa ito ng tumawa na ikanapigil ng pag iyak namin at biglang Itinoon ang pansin niya sa katabi kong bata at nilapitan ito sabay ng paghawak sa labi niya.
"Ayoko pong mamatay - sabi ng batang lalaki na hindi mapigil ang pagiyak niya.
" Ma-aa-awa po kayo!! - huhu nauutal na pasigaw na Sabi ko ng biglang hinulbot niya ang kutsilyong nasa bulsa nya at itinoon sa akin.
"Gusto mo bang mamatay ha! Tumigil ka - naiinis na sabi niya at umiyak ng umiyak BALIW na tong babaeng ito!
Umalis siya sa kinatatayuan niya at lumakad papalapit sa pinto na may upuan, doon siya tumayo at ikinalabit ang ulo sa lubid..... HINDII!!!