Hindi pumasok si Sophia sa lahat ng klase ngayong araw. Samantalang si Kath naman ay abala raw sa pagsubok na ayusin ang lahat sa kanyang ex dahil ayaw niya itong tuluyang mawala sa kanya. Naiinis si Sophia sa pagiging martyr ng kaibigan.
"One chance? Two chance? Third chance? ‘Wag mong bibigyan ng bala ang isang taong paulit-ulit ka nang binabaril," bulong niya sa isip.
Pagkatapos ng klase, dumiretso si Sophia sa music room. Wala siyang oras para makasama ang barkada. Doon niya naabutan si David na tamad na nakahiga sa isang sofa.
"Mag-practice tayo," bungad niya pagkatapos ng tatlumpung minutong debate kung anong kanta ang gagawin nila. Dahil magkaibang-magkaiba ang opinyon nila, napagkasunduan nilang ang pinaka-matalinong solusyon ay...
Bato-bato pick.
Napaka-genius talaga ng ideya, hindi ba?
"Bakit ba kailangan nating mag-practice?" tanong ni David, halatang wala sa mood.
"Para hindi tayo masyado magkamali sa recording," sagot ni Sophia.
David smirked. "Okay, pero hindi ko talaga trip ‘to."
Habang nakasetting na ang camera, Sophia ang nagsimula.
"Hello, guys! I'm Sophia Laurel, the cool girl, and this is..." Hinintay niyang magsalita si David.
"I'm Sophia’s jowa," sagot nito na may mapang-asar na ngiti.
"Sasampalin na kita, seryoso," napipikon na sagot ni Sophia.
"I'm serious," sabay kindat ni David.
Huminga ng malalim si Sophia at sinubukang pigilan ang galit. "Okay, one more time."
Pagkatapos ng ilang ulit na take, nagsimula na silang mag-record ng maayos.
"Hello, guys! I'm Sophia Laurel, and beside me is a popular man na pangarap ng maraming babae. This is..."
"David Horan," maikling sagot ni David na parang wala sa mood.
Napapikit si Sophia, halatang nawawalan na ng pasensya pero pinilit ngumiti. "What will we do today, David?" tanong niya sabay siko sa lalaki.
"Magkakantahan," sagot nito nang walang gana.
"Tama! We will sing today. And what else?" Sophia hoped na magiging maayos na ang flow ng video.
"Tutugtog ng gitara," sagot ni David.
"Tama nga! We're gonna cover a song for you guys. The song is..." Sophia paused, hintay na sabihin ni David ang kanta.
"Hindi ko alam ‘yong chords," sabay ngiti ng mayabang.
Sophia blinked. "Yes! The song is entitled 'Hindi ko alam 'yong chords.' Hahaha! What the f**k, David!" inis niyang sabi habang pilit tinatawa ang sarili.
Nang nagsimula na silang kumanta, nagkamali si David sa pag-strum ng gitara.
"Wait! This part is still the intro!" protesta ni Sophia.
"Ah, not yet?" tanong ni David, clueless.
"Yes, not yet! Start again!"
Muli silang nag-record, at sa wakas ay natapos din nila ang video nang walang aberya. Ngunit sa loob ng buong proseso, napakaraming pasaring, inis, at tawa ang namayani sa music room.
Sa huli, Sophia ang nanguna sa pag-aayos ng video, habang si David naman ay tila walang pakialam, nakangisi lang habang pinagmamasdan si Sophia.
"This guy is driving me crazy," bulong niya sa sarili, habang sinusubukang manatiling kalmado.
Ang mga mata ni Sophia Laurel ay bahagyang napako kay David Horan habang seryoso itong tumutugtog ng gitara. Sa bawat pagpihit ng kanyang daliri sa mga kwerdas, makikita ang galing at konsentrasyon sa kanyang mukha. Hindi niya maiwasang mapansin ang perpektong hubog ng ilong nito at ang kaakit-akit na hitsura na bumihag ng maraming kababaihan sa unibersidad.
Sa sandaling iyon, pinilit niyang ngumiti nang masigla sa kamera, nagbabakasakaling maaliw ang mga manonood.
"Do you remember, we were sittin' there by the water?
You put your arm around me for the first time.
You made a rebel of a careless man's careful daughter,
You are the best thing that's ever been mine."
Biglang tumigil sa pagtugtog si David, dahilan para mapalingon si Sophia sa kanya nang may kunot sa noo.
"Ano na naman ang problema nito? Ayaw mo ba talagang magseryoso?"
Bago pa siya makapagkomento, nagpatuloy si David sa pagkanta, pero ngayon ay nakatitig sa kanya—isang tingin na tila may kahulugan ngunit nakakasira ng focus.
"Hold on and make it last
Hold on, never turn back.
You made a rebel of a careless man's careful daughter,
You are the best thing that's ever been mine."
Nanatili siyang tulala matapos ang kanta, hindi makapaniwalang kinain nito ang eksena sa huling bahagi. Kung maaari lang, gusto niya itong sigawan, pero pinili na lang niyang itago ang inis.
"Hello, guys! How was it? Sana nagustuhan ninyo. Talagang ginawa namin ang lahat, di ba, David?"
Hindi ito sumagot. Sa halip, tinitigan siya nang mariin.
"Nagpraktis kami nang matagal para sa video na 'to, tama?"
"Hindi. Wala tayong praktis."
Nanlaki ang mga mata ni Sophia, pero nagpilit pa rin ng ngiti. "Patay tayo rito."
"Nagbibiro lang siya, of course nagpraktis kami!"
"Nagsisinungaling siya."
"Oh, David is joking again!"
"Don’t believe her."
Bumuntong-hininga na lang si Sophia at tinapos ang video, umaasang makakabawi sila kahit papaano.
"If we did anything wrong, please forgive us. Don’t forget Sophia and David in your hearts! That’s all for today. Goodbye, guys!"
Habang kumakaway siya sa kamera, nilingon niya si David—at nakita niyang abala ito sa pagsungkit ng ilong.
"Ano ba 'to! Paano ko ba siya mati-take seriously?"
Nang i-post na ang video sa i********: ng music club, nakita agad ni Sophia ang engagement nito. Sa loob ng ilang minuto, umabot sa 5,000 likes.
"Dahil sa mga fans ni David, syempre." Ngunit hindi nagtagal, isang nakakainis na komento ang nakapagpatigil sa kanyang pagdiriwang.
@Khaycee:
Maganda ang introduction at tama ang chords. Pero pagdating sa gitna, medyo nagiging weird. Hindi ko alam kung dahil si David ay hindi gano’n kagaling o dahil si Sophia ay nakakagulo. Ang unang bahagi ay okay, pero nag-iba ang tono sa huli. Ang haba ng simula. Binibigyan ko kayo ng 8/10 sa gitara, 0% sa unity, at 9/100 sa video.
Napangiwi si Sophia. Gusto niyang mag-reply ng "asshole," pero ang natipa niya ay:
@SophiaLaurel: I'll work on this. Thank you po!
“Nakakainis talaga!” Napansin niya ang ibang mga encouraging comments, karamihan mula sa mga fans ni David.
@Hailey: Ang asawa ko! My heart is melting. #DavidOnly
@TheDistortedGoat: David, come to my room and play guitar for me!
@Adrian_Nocturnal: Can I invite Sophia to sing in my room? I promise not to touch you anywhere without consent.
At ang pinaka-pabida sa lahat:
@David.Horan: Thunk you.
"Thunk? Ano 'yon?!"
Habang pinagtatawanan ito ng mga fans, gusto naman ni Sophia na putulin ang malalaking daliri nito para wala na siyang mai-type. "Nakakabwisit!" Tumayo siya, iniwan ang phone, at dumiretso sa cheerleading rehearsal.
"Mas mabuti pang mag-focus sa ibang bagay kaysa ubusin ang oras kasama ang gagong 'yon."