bc

The Vengeful Heart

book_age18+
5
FOLLOW
1K
READ
HE
powerful
heir/heiress
drama
bxg
mystery
loser
city
apocalypse
like
intro-logo
Blurb

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Good evening passengers. This is the pre-boarding announcement for flight PR2132 to Philippines. We are now inviting those passengers with small children, and any passengers requiring special assistance, to begin boarding at this time. Please have your boarding pass and identification ready, Regular boarding will begin in approximately ten minutes time. Thankyou!” Ito ang malakas na anunsyo na nag mumula sa airport information center ng naturang Paliparan. Napatingen sa kanyang pambisigang relo si Alexa, 11:30 p.m na ayon dito. Malapit na pala ang flight nya, infact isa sya sa pasahero na inaanunsyo na kani-kanina lang. inunat nya ang mga binti para mag stretching ng kunti. Kanina pa sya nangangawit sa kinauupoan. Buti nalang at malakas ang signal ng internet ng airport na kinasadlakan nya ngayon. At long last ito na ang last stop over nya from New Zealand. Mga ilang oras nalamang ang bubunuin nya para marating ang pinas. Tila ba pinag halong kaba at pananabik ang nararamdaman nya sa pagkakataong iyon. Ilang taon na ba mula ng nilisan nya ang lugar na kung saan nag dudulot sa kanya ng samo’t saring ala-ala. Napangiwi ng bahagya si Alexa ng mas naalala nya ang maraming masasakit na nakaraan kisa masayang ala-ala. It’s been 10 long years nang lisanin nya ang pilipinas. 20 years old sya going 21 nang napagpasyahan nyang mangibang bansa, katatapos nya lang ng kolihiyo non nang mag desisyon sya ura-urada. Isang masamang nakaraan ang nag tulak sa kanya para umabot sya ng ganon ka tagal sa ibang bansa. Ilang beses man syang inaanyayahang umuwi ng kanyang lola Antonia para sa mga mahahalagang okasyon ng pamilya ay isinantabi nya lahat ng iyon, kahit na ang pasko at bagong taon, isa man sa mahahalagang okasyon na iyon ay di nya binibigyang pansin. Lahat nang iyon ay inuunawa ng kanyang lola Antonia. kahit mensahe o vediocall ay bihira nyang gawin para sa kinalimutan nyang pamilya, maliban sa lola Antonia nya. Nito lang huli ang tanging dahilan kung bakit sya napauwi ng wala sa oras. Naalala pa nya noon nang tinawag ang pansin nya ng kanilang boss, pinapasok sya nito sa silid nito upang ibalitang pumanaw na ang kanyang ama. Di nya malaman ang dapat na maramdaman sa pagkakataong iyon. Di nya makuhang umiiyak o humagol-hol na tipikal sa isang anak na nawalan ng ama ang automatikong gagawin. Blangko lang ang ekpresyon na makikita sa kanyang mukha. Agad naman itong nauunawaan ng kanyang among babae. “Alexa, I know how you feel! And I know there’s something inside you that is keeping you from feeling sad about the sudden death of your dad! But he's still your dad! And this time I won’t take no for an answer for you to pay respect. I may not be in the position to force you, but as a daughter that has lost a loved one? I will, either you like it or not. I will be sending you home and that’s an order!” aning amo nyang babae na walang gatol sa pagsasalita. Alam nyang di mababali ang sinasabe ng boss nya sa pagkakataong ito. Kaya tango lamang ang sinagot nya dito. Humayo na sya upang tungohin ang sariling cubicle na kung saan sya nag tatrabaho. “Alexa! My condolences to you and to your family!” pahabol nitong sabi sa kanya. Tumango uli sya at pilit na ngumiti dito. “You may go now, so you can prepare your baggage and self, and I will send your salary automatically on to your account.” dugto pa nito. Uli tanging tango lang ang naisagot nya dito. Tila wala sya sa sarili nang tinungo ang cubicle nya. Naulinagan pa nyang tinawag ng boss nya ang secretarya nito at naulinagan nya pa nga ang pangalan nyang sinasambit ng boss nya. Fix na nga talagang mapapa uwi sya nito ng wala sa oras. Nag aagaw ang gusto at hinde, ang nararamdaman nya sa pagkakataong iyon. Tila lutang at wala sa sarili nyang hinamig ang sarile. Ang alam nya kahit na uuwi sya ay wala na naman talaga syang halaga sa pamilya nya. It’s been 10 long years pero di parin mawawaglit sa puso at isipan ni Alexa ang lahat ng iyon. Gusto man nyang kalimutan at magpatawad ay tila baga kay hirap ibigay ng kusa. “Papa, wala po akong ginawang masama, maniwala naman po kayo sa akin! Si Ate, alam ni ate ang lahat. Di ba ate Marga? Andoon ka ng gabing yon di ba ate? Alam mong di ako nainom ng alak di ba ate? Ateeeee…. Sabihen mo naman kay Daddy ang totoo.” Pagmamakaawang hiyaw ni Alexa sa ate Marga nyang nakahalukipkip lang sa isang dulo na tila walang balak na umimik. “Papa, maniwala po kayo sa akin, hinde ko po alam kung paano ako nakarating don, a…aa…aat yong mga Nakita sa bag ko papa, hii…hiindee po sa akin yon paniwalaan mo ako papa! Tsaka di ba sabi naman nila na di ako under sa drugs? Papa, pleaaaasssseeee…!” walang tigil sa pagsumamo si Alexa napaluhod na ito sa harapan nang ama. hilam sa luha ang mga mata. Mamatay man sya wala syang alam sa mga binibintang sa kanya. Kahit subra na syang nahihirapan ay di kailanman sumagi sa isipan nya ang mga ganong bagay. Lalo na ang sumiping sa kung sino lang. “Stop it, Alexa! Can’t you see? Lahat na ng tao dito ay di na tanggap yang pagsisinungaling mo! Hanggang kailan ka ba matototo? Hanggang kilan mo kami bibigyan ng kahihiyan? Dammnnnn you Alexa! You’ve been a disgrace to this family!” galit na galit na sigaw ng ama ni Alexa. Namumula na ito sag alit. “If you can’t do good to this family, better pang mawala ka na sa pamilyang ito! I’m sending you sa Cebu, don ka magkalat at magwala, wala akong pakialam kung don ka na din mamamatay!” tiim na bagang na dugtong nito.“Hinde ko na kakayanin pa ang isa pang kahihiyang magagawa mo sa pamamahay na ito Alexa. At di kita mapapatawad sa mga kagagohang pinag gagawa mo. If I could turn back time, sana langggg….sana lannngggg talaga Alexaaaa…..nooon pa lannnggg…” galit na dugtong ika ng ama nito na halos madurog na ang mga ngipin sa paglalapat nito. Nakakuyom na ang mga kamao nito sa kaniyang tagiliran. “You better stay away from us, bahala ka nang mamuhay sa sarile mo. Gumawa ka man ng kung anong kagulohan sa buhay mo ay bahala ka na, wala na akong pakialam, just STAY AWAY from this family! Bago pa ako mawalan ng pagtitimpi sayo!” pinal na saad nito. Natameme si Alexa sa narinig, napailing at sabay-sabay nang umaagos ng mabilis ang mga luha sa kanyang mga mata, bumaling sya sa mama nya na tila nakayuko at umiiyak lang din, sa ate Marga nya na tikom at tila balisa na din, tanging lola nya na lamang ang nakatuon ang tingen sa kanya at hilam sa luha ang mga mata. “Arnulfo! Sumusubra ka na! anak mo din si Alexa! Bat di mo kayang paniwalaan for once ang anak mo!” angil ni lola Antonia. “You can’t do that to her!” galit na ding saad ng matanda. “Mama! stop protecting her, you’re just spoiling her more. Kaya tumitigas yang ulo ng batang yan dahil kinukunsenti mo! And I’m so done on her…..masyado nang masakit sa ulo mo yang apo mong yan. Ayukong pati si Marga ay mahawa pa ng punyetang batang yan.” pabagsak na wika ng ama ni Alexa. “Hinde ko kinukonsinte yang anak mo, ang akin lang mula noon hanggang ngayon ay di mo pa din kayang pakinggan ang mga paliwanag ng anak mo! Maging patas ka man lang sana sa pakikinig sa mga anak mo. She is your daughter too, pure blood mo at laman ng iyong laman. Until now di mo pa din ba matanggap ang katotohanan? She is yours at hinde sa lintik na rapist nang asawa mo!” gigil na gigil na sumbat ng lola Antonia. Di na napigilan ng matanda na maisambulat ang lihim na kay tagal nang itinatago ng pamilya. napatutop naman ito ng maisip na di na nya dapat inilabas pa iyon. “Mama!” gulat na saad ng ina ni Alexa, napatayo pa ito at tila namumutla sa sinambulat ng ina. Gulat na gulat naman ang lahat sa narinig maliban kay Ate Marga nya na tila alam ang sinasabe ng lola Antonia nya. Napatingen naman si Alexa sa papa nya na lalong namumula sa galit. Pabaling baling ang tingen nya sa magulang at abuela. Nagtatanong ang mga matang hilam sa luha. Mas lalo pa atang sumisikip ang mundo nya mula sa isiniwalat ng abuela. “Paaaa…papa? T….too..totoo ba? Totoo ba ang sinasabe ni Lola? Ma….Mama? Ate? Alam nyo din ba to?” may bikig sa lalamunang tanong ni Alexa, palipat-lipat ang tingen nagbabakasaling makadinig ng sagot mula sa mga ito. “Loo…lo…lola? Sabihen nyong nagkamali lang kayo…na di totoo yong sinasabe nyo….” Tila batang walang muwang na tanong ni Alexa. Naramdaman nya ang pag-ikot ng ulo sa pagkakataong iyon. Ngunit sa kasamaang palad ay walang naglalakas nang luob na magsasalita sa mga naroon, tikom ang mga labing nakayuko ang mga ito, tila umiiwas sa mapagtanong na mga mat ani Alexa, maging ang lola Antonia nya ay napatakip ng bibig, hilam sa luha ang mga mata at awang-awa na nakatitig sa kanya. “Papa? Kaya ba? Kayyaaa ba ganon mo ako tratuhin? Ka…..kaya di mo ko matanggap-tanggap ka….ka..kasi sa isip mo d….d..diii mo ko anak?” luhaang tanong ni Alexa sa amang nakatalikod na sa kanya. Nag hahabol na ang hininga nya sa subrang hirap na nararamdaman ng dalaga. Tanging katahimikan at mga tanong na paulit-ulit lamang ang pumapaimbabaw sa pagkakataong iyon. Kaya naman napasigaw na si Alexa. Hirap ang kaluobang tinatanong ng paulit-ulit ang ama. “Sagutin nyooo akooooo! Anooo baaaaa!” sigaw na ika ni Alexa. “Bakit ayaw nyo kong sagutin? Sumasakit na ang ulo ko, parang awa nyo na! papaaaaa!” dugtong nyang ika. ” Alexa! Anak!” ani mama nya akmang aakapin si Alexa. Umatras palayo si Alexa sa nais gawin ng ina. Ang gusto nya ay ang katotohanan sa lahat ng sinabe ng kanyang abuela. “Kaya ba mama na di mo ko kayang ipangtanggo kay papa dahil sinisisi mo din ako? kaya ganon na lang ang pagtahimik mo sa tuwing sinasaktan na ako ng Papa dahil iniisip mong tama lang ang ginawa nya, Ha? Tama ba mama?” hilam na sa luha si Alexa habang sinusumbatan ang ina. Mapait na tinitigan nya ang aning di makapagsalita. “Aaaaaaahhhhhh!.......” Sigaw ni Alexa sabay sipa ng sofa na malapit sa kanya. Hinagip nya ang vase na nasa tagiliran ng upoan nila at ibinato sa dingding. Ikinagulat nang lahat ang pag-wawala ni Alexa. “siguro nga, siguro nga totoong lahat ng iyan, bakit ayaw nyong sabihen sa akin? Baaaaakkkiiiitttt! Aaaahhhhh…” hiyaw muli ni Alexa at buong lakas na binuhat ang isang malaking vase at ibinatong muli sa may hagdan. “Alexa! Stop it!” tila dagundong ang boses nang ama ni Alexa na pumapaimbabaw sa kabahayan nila. Bumaling na uli ito sa kanya na mas lalong nag uumapaw sa galit. “You Spoiled disgrace braaatt!” galit na galit na saad uli ng mang Fernando. “Spoiled brat? Disgrace? Gago? Tanga? Boba? Ano pa papa? Sige sabihen mo nang lahat! Ibuhos mo nang lahat, di ba kasalanan ko namang lahat ng yan di ba? Baka sakaling matanggap mo na nga ako.” napapagod ng sambit ni Alexa sa ama na kakitaan ng subrang galit at pagtitimpi. “Bakit papa? Kasalanan ko ba talaga lahat? Kasalanan ko ba kung pati pag gahasa kay mama ay sa akin mo ibunton ha? Kagustohan ko ba yon? Kagustohan ko din bang maisilang sa bweset na buhay na to? Kagustohan ko bang sa twing araw-araw nalang na ginawa ng dyos ay wala na akong matinong nagawa sa mga mata mo. Na sa twing makikita mo ako ay kamalasan ang makikita mo? Kasalanan ko yon di ba? Di ba Papa? Di baaaa? Sana nga, sana nga pinatay mo nalang ako non baka sakaling mabawasan pa ng bweset ang papamamahay na ito!” Sigaw na sumbat na wika ni Alexa. Tila nang halipospos na sya sa subrang emosyon. Isang malutong na mag-asawang sampal ang natanggap ni Alexa mula sa ama. yanig ang buo nyang mukha ng maramdaman ang matigas na palad na dumapo sa pagmumukha nya, napaatras sya sa lakas nito, at Nagulat naman ang lahat sa ginawa ng ama ng tahanan. Tila noon lang nila Nakita ang subrang galit nito. Hinde na ito naka pagtimpi pa. “Yo…uuu….” Ang di matuloy-tuloy na ika ni mang Fernando. “Ano papa? Walang kwenta? Bobo, tanga, bweset….ano pa? ano pa ang ibabansag mo sa akin? Tama naman ako di ba? Di mo matanggap na hanggang ngayon maaring ako ang naging bunga sa kahayupang ginawa kay mama? Bakit papa? Bakit di mo nalang ako pinatay nong bata pa ako ng wala ka nang makikitang anak mula sa kahayupan non! Sana nga lang papa, sana nga pinatay mo nalang ako kisa araw araw kong sisihin ang sarile ko sa mga bagay na di ko naman ginusto.” Nangagalaiting paulit-ulit na saad ni Alexa. Tila napupuno na din ang dalaga. Of all this year’s ito pala ang tunay na dahilan kaya lagi syang pinagmalupitan ng ama. Isang malutong na mag-asawang sampal muli ang dumapo sa pagmumukha ni Alexa. Natutulig sya sa lakas nito, putok na nga ang labi nya ng muling humarap sa ama. hilam sa luha parin ang mga matang itinuon ito sa ama, maaninagan ang subrang sakit at pait, subrang lumbay at kawalan ng pag-asa na maayos pa ang relasyon nilang mag-ama. “Ooooo…Ooooo naaaa!.....Sana nga, Sana nga pinatay na lang kita nong bata ka pa nang di ka magka sungay ng ganyan! Sanay nilunod nalang kita ng di ko maalala ang mapait na dinanas ng mama mo sa…saa…. Rapist na yon.” pasigaw na ding saad ng ama ni Alexa ngayon ay tila may bikig na sa lalamunan nito ng bigkasin nito ang mga katagang yaon. May namumuo ng luha sa mga mata nito na pinipigilang pumatak. “Noon pa man ay di ko kayang tanggapin ang lahat, lalo na nong isilang ka, dahil lahat ng iyon ang bumabalik sa ala-ala ko ang lahat, lahat-lahat, kahit anong gawin ko sa twing mapagmasdan kita ay bumabalik lang sa akin ang mga masamang pangyayare…. bago pang nangyare sa mama mo ang panghahalay ay nag undergo ako ng vasectomy dahil Ayuko maulit ang nangyari nang ipinanganak ng mama mo ang ate Marga mo. I was scared of losing your mom and sa maging anak ko if mabuntis ko uli ang ina mo. Ina advice na ito ng doctor sa mama mo dahil nakitaan ng heart failure na mag occur pag nabuntis muli ito. Kaya ako na ang nag pa under ng vasectomy. then a two weeks after nangyare sa mama mo ang kahayupang iyon, and in a sudden after ng kahayupang yon ay napag-alamang buntis ang mama mo. So, tell me how could I be so sure na anak nga kita? Pano mo ako mapapaniwalang anak kita?” mahabang paliwanag ng ama ni Alexa maaninag ang pait at sakit sa pagmumukha nito, ang mahabang pagdurusa ay nakaguhit sa bawat pait na bumaladra sa pagmumukha ng ama nya. “Fernando!” napatutop sa bibig na sambit na wika ng ina ni Alexa. Napanganga naman ang lahat sa narinig. Isa muling lihim ang nabunyag na mas lalong nagpapadilim sap ag-asa na maayos pa ang lahat. “You can’t blame me for not believing na di ka anak ng hayop na yon! I was vasectomize and can’t bare any child anymore, then in a snap andyan ka na sa tyan ng mama mo.” tiimbagang na sambit ng ama nya. nakuyom nito ang kamao bilang tanda ng galit ng maalala ang nakaraan. “So tell me Alexa? How could I suppose to believe that you're my daughter? and how am I suppose to raise a child na syang dahilan ng sakit dito? ditoooooo...!” may pait sa tinig at nginig sa boses nitong tanong sa dalaga, habang binabayo ng naka kuyom na kamao ang dibdib nito. Napailing iling si Alexa sa narinig. Halos wala na syang maaninag dahil sa nag uunahan nang dumadaloy ang mga luha nya. “Kaya ako ang sinisisi mo sa lahat?......Ako ang pinaparusahan mo? Ako ang pinagbayad mo ganon ba? Of all those years, iniisip ko lang na kaya mo ginawa akong pagmalupitan dahil gusto mo kong tumino at Magaya kay ate Marga. Umaasa ako na balang araw pag napantayan ko si ate ay mamahalin mo na din ako! Lahat ng yon ay mali pala! Maling mali!” may pait sa bawat katagang binitiwan na saad ng dalaga. “Ngayon alam ko na, wala nga pala talaga akong puwang sa pamilyang ito, na kahit noon pa man ay wala na akong karapatang tumuntong pa sa pamamahay na to.” Mapait na saad ni Alexa. Tumingin sya sa inang umiiling iling habang binabanggit nya ang mga salitang yaon. Yong hinagpis ng abuela nyang napahagolhol nang nakaupo sa sofa. ”Wag kang mag alala hinding hinde ka na mangungunsume sa akin, hinding hinde mo na makikita ang kinabwesetan mong pagmumukhang ito, at higit sa lahat mawawala na ang malas sa buhay nyo. Dahil mula ngayon ako na mismo ang puputol sa ugnayang wala namang talagang nag uugnay. Pasensya na, kung huli ko nang nalaman ang lahat. Pasensya na din sa kamalasan at sa lahat ng hinde Magandang nangyare sa buhay nyo. Pangako ito na ang huli!” Mabigat na salitang binitawan dugtong ni Alexa. Mapait na ngumiti ito sa abuela na tumitig sa kanya na puno ng awa at pagmamahal sa apong kay tagal nang nag durusa sa emotional at espiritual. “Alexa, anak!” hilam sa luhang napalapit ang mama ni Alexa inakap sya nito, ngunit dagli nyang tinabig ito. “Tama na man na! Huwag mo nang ipaasa sa akin na kahit ikaw ay pinapahalagahan mo ako, dahil tanggap ko na ang lahat, magsaya na lamang kayo dahil sa oras at araw na ito mawawala na ang tinik na dalahin nyo! Pasensya uli at mali ang ibinigay sa inyo. Naway sa pag-alis kong ito ay mapunan na ang pagkukulang nyo at mawala lahat ng masamang nakaraan na nakaukit dyan sa matigas nyong puso. Naway maging masaya na kayo kahit ikasakit at pagdudusahan ko ang mga kasalanang di ko naman ninais na mangyare.” impit na ang pagiyak ni Alexa, sabay talikod at patakbong tinungo ang pintuan palabas. Hilam sa luha ang mga mata kaya nadapa pa sya habang tumatakbo palayo. Hinde nya alintana ang pagkauntog ng nuo nya sa gilid ng gutter, umagos ang sariwang dugo sa nuo nya pero di nya ito alintana kahit ang hapdi sa tuhod nya na tumama sa semento ay baliwala sa kanya, dahil mas masakit pa dito ang dala-dalahing nagpapabigat sa dibdib nya. lalo na ngayong nabunyag na ang katotohan. Katotohanang sumisira sa pag-asang itinanim nya ng napakahabang panahon. Natameme ang lahat sa nangyare, napasigaw pa ang katulong nila ng makita ang pagkasubsob ni Alexa sa gutter. Awang awa man ang mga ito sa dalaga ay wala silang magagawa. Problema ng pamilya ito kaya labas na sila dito. Gustohin mang lumapit at tulongan nito ang apo ay di nagawa ng abuela ng hawakan sya sa braso ng apong si Marga. Umiiling iling ito hudyat na hayaan na daw si Alexa. Ngunit tinabig ng matanda ang kamay ng apo at hinarap ang anak. “Fernando! Huwag mong gawin kay Alexa ito! Huwag mong tikisin ang anak mo!” nagsumamong sambit ni lola Antonia. “Alam kong alam mo na ang katotohanan, ilang beses pa ba ipaliwanag sayo ng doctor? Anak mo pa din si Alexa, dugo ng iyong dugo at laman ng iyong laman, bakit kay hirap para sayo ang paniwalaan yon anak?” dugtong ani ng abuela, na nanghalipospos na sa awa sa apo. “Fenando, parang awa mo na Pigilan mo si Alexa. Wag mong hayaang mawala ang anak mo Fernando!” napaiyak na ang matanda sa pagsumamo sa kanyang anak. Tila nabigla naman si Mang Fernando sa bilis ng pangyayare. Nakita nya ang pagtatakbo ni Alexa palabas, may kung anong awa syang nakapa sa dibdib nang makita ang pagkasubsob ng anak sa gutter, naglaban ang kaluoban nito at ang pride sa sarile. Gusto nyang daluhongin ang anak at aluin pero taliwas naman ang sinasabi ng utak at puso nya para dito. Gusto nyang tawagin at pabalikin ito ngunit walang lumabas na tinig sa kanyang bibig upang mapigil ito sa pag-alis. Napahagulhol naman ang ina ni Alexa. Hawak hawak nito ang dibdib sa subrang sakit at awa na din sa bunsong anak, ngayon nya Nakita kung gaano ito nahihirapan, kaytagal na palang panahon ang paghihirap na dinadala ng bunsong anak nya, pero ni katiting ay di nya ito nakaringgan ng reklamo, bagkos napaka masiyahin nito kahit puno ng pait at kalungkutan ang kinagigisnan nito. masyado din syang naging bulag sa tunay na nararamdaman ng bunsong anak. Huli na para maiparamdam nya dito na mahal nya ito at kailan man ay di pabigat ang turing nya sa bunso nya, na di isang pagkakamali ang batang isinilang nya. ramdam din nya noon pa man na di iba si Alexa sa mga ito, dangan lamang at nagpatalo sya sa kahayopang nangyare at napabayaan nyang gabayan ang bunsong anak. Tulala namang naka maang si Marga, magkahalong galit at saya ang naramdaman nya sa pag-alis na iyon ni Alexa. Pero sa kaibuturan ay andon pa din ang pangamba at pagmamahal para sa bunso nyang kapatid. May kung anong damdamin lang ang lumukob sa kanya kaya tinitikis nya ito. Marahan lamang ang pagluha nyang nilalabanan nyang pumapaimbabaw sa oras na iyon. Lahat ng andoon ay piping saksi sa pagkawala ng tuloyan ni Alexa. At piping saksi sa maanghang na palitan ng mga salita. At piping sasaksi sa katotohanang nabubunyag na nag dudulot lalo ng lamat sa pamilya. Gustohin man nilang daluhongin ng tulong ang kawawang dalaga ay di nila magawa sa takot na masigawan at mawalan na din ng trabaho pag nagkataon. Impit na iyak at piping dasal ang tanging nauusal ng mga kasambahay na di na din mapigilan ang pagpatak ng mga luha. Dahil alam nila na iyon na ang huling aninag nila sa dalagang minsang naging masiyahin at mapagmahal sa mga taong hinde nito sinusukoang mahalin kahit subrang pang-aapi at paghihirap ang isinikuli nito lalong lalo na sa ama nito. Piping dalangin sa itaas ang sambit ng abuela Antonia, walang tigil ang buhos ng mga luha mula sa mata ng matanda. Alam nyang ito na ang oras na ikinatakot nyang mangyare. Ang magkawatak-watak ang pamilya ng kanyang mahal na anak at ang mawalay sa piling nila ang paboritong apo na si Alexa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The abandoned wife and her secret son

read
2.7K
bc

Road to Forever: Dogs of Fire MC Next Generation Stories

read
39.5K
bc

Tis The Season For My Revenge, Dear Ex

read
54.8K
bc

Mistletoe Miracle

read
4.5K
bc

Ex-husband Wants Me Back

read
3.5K
bc

Rocking With The Bratva Brat

read
31.1K
bc

Rebel’s Chopper Demons MC: A Baby For His Sin

read
42.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook