Chapter 4

1520 Words
Malamig na hangin ang humahalik sa pisnge ni Alexa. Ramdam nito ang maligamgam na tubig alat na marahang humampas sa kanyang paanan. Mula sa mansion nila ay dito sya ipinadpad ng mga paa nya. kanina pa gustong sumabog ang dibdib ni Alexa. Lalo na ang sagupaan nila ng Ate Marga nya. hinde nya mawari kung saan nang gagaling ang galit nito sa kanya. Noon pa man ay mataas ang tingen nya dito, ang inaakala nyang Magandang Samahan nila ay panghabangbuhay na, yon pala ay pawang balat kayo lang ang lahat. Itinuon nya ang tingen sa malawak na karagatan, ipinikit nya ang mga mata at dinamang kaigihan ang malamig na hangin. Niyapos nya ang sarile ng maramdaman ang lamig na nanunuot na ngayon sa kanyang kabuoan. Sa pagkakataong ito ay nais nya munang tumakas sa katotohanan. Dahan-dahan ang paghampas ng alon sa kanyang mga paa, napangiti sya sa kaiyahang dulot nito kaya naman napalusob sya ng marahan dito. Naka pikit pa din ang matang ninanamnam nya ang paglalaro ng mga alon sa kanyang katawan. Di nya namalayang hanggang bewang na pala nya ang tubig nakapikit pa din nyang pinagpatuloy ang paglusong sa tubig. Ng may sa dibdib na nya ay bigla naman ang pagbuhos ng ulan, ramdam nya ang pagpatak ng mga ito sa kanyang mukha, lalo pa nyang inaangat ang mukha upang salubongin ang bawat patak ng ulan na bumabagsak mula sa langit. Tila sumasang-ayon sa kanyang mabigat na pakiramdam ang panahon. Sa di kalayuan ay may isang pares ng mga mata na kanina pa pala naka masid sa isang babaing tila wala sa sariling lumusong sa tubig. Binabalewa ito ni Drake Dylan sa umpisa, buong akala nya ay naglalaro lang ito ng alon sa may dalampasigan. ng biglang lumusong ito ng paunti-unti hanggang makita nyang tila walang balak itong umahon kahit lumakas na ang buhos ng ulan. Kinabahan ng bahagya ang binata sa Nakita. “Oh s**t! Nagpapakamatay ba ito?” usal ng binata na napatayo sa kinauupuan. Bahagya syang nabaghan ng wala itong ginagawang kilos na pabalik sa dalampasigan kahit ang lakas na ng buhos ng ulan at medyo lumalakas na ang alon ng dagat. Ng mapagtanto ng binata na tila wala nga itong balak na umahon. In an impulse hinubad ni Drake Dylan ang tshirt na suot At walang sabi-sabing nilusong ang medyo sumasama ng panahon. Patakbo na ito patungo sa kinaruroonan ng inaakalang nitong magpapatiwakal. Bigla namang napamulat si Alexa ng maramdamang halos lampas na sa mukha niya ang tubig bigla syang nag panic ng humampas ang malakas na alon sa mukha nya. napasinghap si Alexa at agad na ikinampay ang mga kamay at automatikong sumikad-sikad ang mga paa nya ng biglang may humablot sa kanya sa may baba. Malakas ang pwersa nito kaya napatianod si Alexa napatihaya sya sa tubig at napasinghap sa twing humahampas ang alon sa kanyang mukha. Mabilis ang paglangoy ng naghamblot sa kanya di nya ito makita gawa ng malakas nitong hinawakan ang baba nya, gustohin man nyang sinohin ito ay nahihirapan din sya sa malakas na hampas ng tubig sa kanyang pagmumukha. Walang tigil sa pag-ubo si Alexa ng maabot nila ang dalampasigan. nakahiga naman sa gilid nya ang isang bulto ng katawan na kanina lang ay syang humahaltak sa kanya. Tila hinahabol din nito ang hininga kaya naman ay naka pikit din ito habang lumalanghap ng malamig na hangin. Ng makabawi si Alexa ay binalingan nya ito, at pinag hahampas ng abot ng kanyang lakas. “Hayoop ka! Papatayin mo baa ko ha? Sakal na sakal na ako kanina lintian ka! Halos di ako makahinga sa hampas ng alon at nakuha mo pa akong sakalin ng ganon ha? Bweset ka!” nag pupuyos sa galit na turan ni Alexa dito. Gulat na gulat naman ang binata sa masasakit na hampas na nag mumula sa babae. Napanganga pa ang binata. “Ano baaaa! Stop ittt!” gigil na saad ni Drake Dylan habang iniiwasan ang paghahambalos sa kanya. “Ahhh…ganon? Anong stop pinagsasabi mo ha? Damuho ka gusto mo kong patayin sa sakal bweset kang talaga!” dakdak ni Alexa na patuloy sa paghahampas sa lalaking katabi. Naririnde at nananakit na ang mga braso ng binata sa kakahambalos ng babae at sa kakailag nya kaya naman hinuhuli nya ang mga kamay nito, He pin her down on the sand para kumalma ito. Tuloy pa din ang pagbuhos ng ulan kaya di masyado maaninag ni Alexa ang pagmumukha ng lalaki. Pero kahit pa man sa ganon ay nakikinita nyang matangos ang ilong nito, may ka tsinitohan ang mga mata, ang squared face nito na binabagayan ng dalawang biloy sa magkabilang pisnge at kusang lumalabas sa twing napapasinghap ito gawa ng ulan na dumadaloy sa mukha nito. Mga malagong kilay na bumabagay sa pagmumukha nito. In short gwapo nga ang nasa ibabaw ni Alexa. Common na syang makakita ng mga gwapo sa NZ pero bat parang iba ang hatak ng ka gwapohan nitong nasa harapan nya, medyo lumalabo man ang paningen nya dahil sa ulan at alam nyang may malakas itong karisma. “Well you stop bagging me! Masakit na yang pag hahampas mo!” aning binata sa sa iritadong tinig. “Calm down! Wala akong gagawing masama sayo okey?at di kita binalakang patayin o lunurin, dahil kung meron man? Eh di sana pinabayaan na kitang malunod.!” Dugtong sabi nitong yamot na yamot. Tila natameme naman si Alexa sa sinabe ng lalake. Oo nga naman kung di din sa tulong nito ay baka nga naman na dadala na sya sa lakas ng alon ng karagatan. Oo marunong nga syang lumangoy pero medyo nag panic nga naman sya kanina. Mabuti nga naman at nasagip sya agad nito. Kaya naman hinde na sya pumalag pagkatapos nitong mag salita. Ng maramdaman ng lalaki na nagets nito ang sinasabe nya ay pinakawalan naman nito ang mga kamay na idiniin nya sa buhanginan. “Imbes na Thank you ang matanggap ko mula sayo ay sapak at sampal pa nga!” dismayadong wika ng lalaki. “At isa pa kung may balak kang mag pakamatay ay siguradohin mong walang makakita sayo para tuloy yang pagpakamatay mo!” iritadong dugtong usal nito. Tila nag panting naman ang tenga ni Alexa sa narinig. Bigla syang bumangon at nanlilisik ang mga matang itinuon ang mukha palapit sa mukha ng lalaki. “Hooooyyyy! Hinde ako nag papakamatay! Masyado lang akong nadala sa nararamdaman ko kaya di ko namalayang napalalim na pala ako! Antipatikong ito!” gigil na saad ni Alexa. Napangiti naman ang binata ng maaninag ng maigi ang mukha ng babae ng inilapit nito ang pagmumukha nito sa mukha nya. bilogin ang mga mata nitong mapupungay, katamtaman lamang ang tangos ng ilong nito, makipot at mapupula ang mga labi ng babae dagdagan mo pa ng mabangong amoy na nang gagaling sa bunganga nito. Ang tuwid na lagpas balikat nitong buhok ay bumabagay sa mala hugis pusong pagmumukha nito. In short Maganda pala ang babaing naisalba nya. may pilyong idea ang lalaking nag laro sa kanyang isipan. Naririndi na rin sya sa kakadakdak nito matinis at tila nakaka turite ang bunganga nito, bigla nya itong kinintalan ng halik. napamulagat naman si Alexa sa ginawa ng lalaki, di sya nakahuma dahil sa labis na pagka bigla nito. Agad namang humayo ang lalaki at: “o ayan, bayad ka na! next time sabihan mo ko if magpakamatay ka uli at ako nalang uli angsasagip sayo!” anitong tatawa-tawang tumatakbo ito palayo. Tila na estatwa si Alexa sa kabiglaan, huli na ng makita nyang palayo na nang palayo ang lalaking nangahas syang halikan. “Hoooooyyyyy!!!!.....Maniaaaaacccc kaaaaa!” labas ang litid na sigaw ni Alexa sa papalayong lalaki. “Bumalik ka ditoooooo….huddddaaaassss kaaaa!” dugtong sigaw ni Alexa dito. Tanging tawa nito ang narinig ni Alexa. Nag pupuyos ang damdamin at nag papadyak na animo bata ito sa buhanginan. Habang patuloy ang pagbagsak ng ulan. Gigil na gigil na tinanaw ni Alexa ang papalayong lalaki. “Bweset ka naisahan mo kong demonyo ka! Humanda ka sa gagawin kong ganti sayo!” gigil na turan ni Alexa sa sarile. Napatda naman sya sa sinabe nya, gagantihan nya? bakit kilala ba nya ito? Alam ba nya kung saan nakatira ito? Saka lang nya na realize na total stranger pala sa kanya ang lalaki. Kaya mas lalong nag pupuyos ang kaluoban nya dito. Gigil na pinag hahampas ang buhangin ng dalampasigan na tila dito nya ibinunton ang inis at asar para sa lalaking mapagsamantala. Maya-maya lang ng mahulasan na ay tumayo na sya at ipinagpag ang nag dikitang buhangin sa kanyang katawan. Tila ayaw ding paawat nang ulan. Mas lalo pa itong bumuhos ng malakas. Napatingen si Alexa sa karagatan, tila mas nang gagalit na ito kisa kanina. Kaya napag pasyahan na nyang umuwi na at baka kanina pa naka uwi ang abuela at baka mag alala ito na di sya maabotan sa bahay nila. Patakbong tinalunton ng dalaga ang lugar na kung saan naka tirik ang kanyang rest house. Kumulog na din at kumidlat na kaya naman mas binilisan pa ng dalaga ang pagtakbo at baka matamaan pa sya ng kidlat mula sa nag susungit ng kalangitan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD