? (one shot story)
Cervana Higschool,isa sa mga tanyag na paaralan sa Quezon provine noon paman.
Itinayo ito nuong January 3 1994 at natapos nuong December 3 1995. At hanggang ngayong June 2 2019 ay maayos padin ang lagay nito.
Madaming chismis na kumakalat na ito daw ay may misteryong tinatago o meron daw na multo na dito. Pero hanggang ngayon..ay hindi padin ito mapatunayan.
__
June 3 2019 nuong nagbukas ulit ang paaralan na ito mula sa isang taong bakasyon.
Wala naman masyadong ganap noon, nag speech lang naman yung dean para sa opening and then ayun na, start na ulit nang klase.
Grade 9 na ako kaya siguro ay sobrang dami na nang gawain, nawalan nadin ako nang connection sa ilang mga kaibigan ko dahil sa pag ka busy.
Pero hindi talaga mawala sa isipan ko ang pangyayari na ito..
August 5 nang 4:00pm ay pinauwi na kami, sobrang pagod nadin kase ako kaya dumiretso nalang ako sa sakayan nang tricycle.
Madami nading estudyante ang papauwi noon. Sasakay na sana ako nang tricycle nang maalala yung mga libro ko, dadalhin ko sana para maka pag review.
Papunta sa room namin ay may madadaan kang lumang canteen which is matagal nang giniba pero wala padin daw maisip na gagawin duon.
Madumi na ang place na yun at kadalasan ay may maabutan kang mga estudyante na naninigarilyo. Spot na nila yun.
Habang naglalakad ako pabalik sa room namin..naririnig kolang na parang may sumisigaw. Malabo yung tunog kaya hindi ko talaga marinig nang maayos.
Pero parang malapit sya duon sa lumang canteen. Katapat kona yung giniba na canteen at wala naman akong nakita na ni-ano duon.
Kinuha konalang yung mga libro ko sa classroom at diretso uwi nadin.
Kinabukasan ay hindi ko maintindihan kung anong gagawin specially na may nawawala daw na estudyante from grade 7.
Kakarating kolang sa school that time tapos yung parents nung student is umiiyak kase hindi pa nga daw umuuwi yung anak nila simula nuong gabi.
Wala naman daw sa bahay nang close friends nya or hindi naman daw nagsabi kung saan papunta. Wala nadin akong balita after.
Sumunod na araw ay mas lalo lang nagkagulo ang school nang makita ang bangkay nya sa dulo nang lumang canteen, malapit lang yun sa seat ko sa may bintana..pero hindi ko naman nakita..
Ilang linggo ang lumipas at nagiging okay naman na ulit ang lahat. Hindi padin makilala kung sino kaya nag dagdag nang body guards samin.
Nuong Biyernes ay niyaya ako ni Pauline (one of my closest friend) na gumala daw since hindi na kami nakakapag-usap pa past few days.
Kakagitnaan nang pag-uusap namin non nang biglang nag ring yung phone ko. Yung homeroom teacher namin yung tumatawag at laking gulat ko dahil nawawala yung class president namin.
Sya ang pinakahuli na umuwi at that time. Mismo mga bodyguards ay di daw yon napansin.
Lunes nanaman at mas naging malala lang yung mga pangyayari. Lagi nalang kaming may nababalitaan na nawawala at makalipas lang ang isang araw ay matatagpuan na patay.
Nawalan din nang pasok for 1week dahil nga sa trahedya na nangyayari.
Duon ako natulog kila Pauline nang tatlong araw at duon ay napag-usapan namin ang mga nakakakilabot na pangyayari.
Grade 9 din naman si Pauline pero magka iba kami nang section, at sa section nila madami ang mga namamatay.
Sinabihan konadin sya na mag-ingat specially na puro sa section nila ang tinitira.
Nag simula namaman ang pasok, mas dumami ang mga guards. Kada classroom ay may dalawang guards na nakabantay at naglagay nadin nang harang duon sa ginibang canteen since lagi duon nangyayari ang mga krimen.
Isang linggo din na natahimik ang buhay namin hanggang sa nag simula nanaman ito.
Tatlo tatlo na agad ang krimen kada araw at isa na doon ay ang body guard nang school.
Takot nadin ako nung time na yon.
Isa nalang ang natitirang estudyante sa section nila Pauline at sya yon. kaya nilipat sya sa section namin at wala man lang syang reaksyon na ni ano.
Sa amin sya nakitulog baka kase mapuntahan sya sa bahay nila.
Nasa amin sya for 1week at duon ay may naikwento sya sakin.
"lahat nang mga kaklase ko may masasamang ugali..so i guess sila yung tinitira kase ganon nga yung attitude nila. Transfer lang naman ako dito eh, and as ive know..nuong wala pa ako sa section na yun, they killed someone."
Yun lang yung sinabi nya sakin bago sya nakatulog.
Naguguluhan na din ako sa mga pangyayari. Pero pinapadali naman ni Pau yung lahat since nagsasabi sya sakin nang mga nalalaman nya.
1year palang naman kaming magkaibigan, pero feel ko super close na kami dahil sa ginagawa nya.
Isang Buwan ang nakalipas at natigil iyon. Nakalat na sa buong Quezon pero hindi pa iyon na babalita sa ni ano mang tv news dahil kahihiyan daw iyon nang school.
Sa isang buwan na iyon ay naging payapa ang lahat na inakala pa namin na hindi na iyon mauulit.
Pero mali pala yung akala namin..
Halos apat na mga guro agad yung nabawian nang buhay.
Hindi pinapasok nuon yung dean baka kase sya yung isunod kaya kagulong kagulo talaga sa buong school.
Dumating pa ang araw na ako nalang ang naiwan mag-isa sa classroom dahil inaayos kopa yung ilang papers na iniwan sakin.
Pinapawisan na ako pero kailangan ko padin itong tapusin. Natapos ko iyon at dali daling niligpit yung gamit ko at tumakbo na palabas.
Kaso biglang may humila sakin at hindi kona maintindihan kung ano bang gagawin ko.
Buti nalang at umimik sya at nagpakilala naman. Si Pauline lang pala iyon.
Nagtataka ako kung bakit pa sya nandito eh delikado, pero ngumiti lang sya.
Sabay kaming umuwi nuon at nagsimula na hindi na kami nakakapagkita at lagi syang busy kung saan.
May time pa na hindi sya pumapasok at iniisip konalang na baka dahil iyon sa sunod sunod na pagkamatay nang mga estudyante at guro dito sa Cervana.
Nararamdaman konadin kung sino ba ang may kasalanan nuon.. pero hinahayaan ko. Dahil isang maling kilos kolang, baka idamay nya na ako.
Wala nadin ang Dean namin, natagpuan syang patay sa loob nang sasakyan nya.
__
Naiwan nanaman akong mag-isa sa classroom at sumalubong sakin duon si Pauline.
May takot sa kanyang mga mata kaya agad ko siyang nilapitan at niyakap.
Kasunod na araw ay natagpuan nang patay si Pauline..at sa loob pa iyon nang classroom namin.
Hindi ko alam ang gagawin..lalo na nang makita ko na may hawak syang papel at nakasulat duon na
"Dennise bakit?."
at ang gusto kolang na itugon sakanya ay,
"Pauline bakit?."
~~