Sa ikalawang salin ng alak ni Kaia sa baso niya ay nararamdaman na ni Carson na natatamaan na siya ng alak na labis niyang ipinagtataka. Hindi siya palaging umiinom ng alak ngunit alam niya ang limit niya. Red wine lang Ang pinagsasaluhan nila ngayon ngunit pakiramdam niya ay nalalasing na siya. May kakaiba ring init na dumadaloy sa buong katawan niya. "Is there something wrong, Carson?" Napatingin siya kay Kaia. Nanlalabo ang paligid ngunit naaaninag pa naman niya ang babae. "Hindi... Hindi yata maganda ang epekto ng... ng wine sa akin... Kaia," he slurred. Ang sunod niyang naramdaman ay ang pagpatong ng kamay nito sa balikat niya. Nakaramdam siya ng pagkaalinsangan ngunit tila nagustuhan niya ang ginagawa nitong pagpisil-pisil sa kanya. "Siguro nga dahil masyado mong pinapagod

