Kaia waited until Friday para sa plano niya. Timing dahil iyon ang kanilang ika-6 na buwang pagsasama bilang mag-asawa. Alam niyang hindi makatatanggi si Carson sa pagyayaya niya. "Carson, do you have any plan for our monthsary tonight?" nakikiramdam na tanong ni Kaia sa asawa. Nakita niyang nagulat si Carson at dahil doon ay napagtanto niyang nakalimutan nito ang monthsary nila. Nakadama siya ng sama ng loob dahil halatang hindi mahalaga kay Carson ang kasal nila. "God, Kaia. I'm sorry. I totally forgot about it. Naging masyado akong abala sa trabaho these past few days. Gusto mo bang mag-dinner tayo sa isang hotel? Or sa bahay na lang. I can call Shayna to prepare something for us," nagmamadali nitong paliwanag pagkatapos nitong itigil sa gilid ng kalsada ang kotse. Nainis bigla

