Isa na namang bagong umaga. Kahit walang gana ay walang pagpipilian si Shayna kung hindi gawin ang mga trabaho niya. Hanggang maaari ay ayaw niyang maaapektuhan ng mga personal na problema niya ang trabaho niya. Kailangan niya ito. Kailangan ng pamilya niya ang perang sasahurin niya mula rito. Pagkatapos maligo ay nagtungo na siya sa kusina upang maghanda ng almusal para sa mga amo at para sa kanila ni Kuya Lito. Nakahain na ang mesa nang sabay na bumaba sina Carson at Kaia. Hindi mapigilang makaramdam ng selos ni Shayna. At hindi rin niya mapigilan ang isipan niya sa paggawa ng mga eksena kung ano-ano ang ginawa ng mag-asawa mula pa kagabi bago matulog ang mga ito hanggang kaninang nagising sila. Ginawa kaya ni Carson kay Kaia ang ginawa nito sa kanya kahapon? May nangyari na nga ba

