Maghapong namasyal ang tatlo sa Disneyland. Nanuod sila ng show at may ilang rides din silang sinubukan. Sa halos lahat ng pasyalan doon ay may mga larawan sila. Gaya ng sinabi ni Carson ay namili sila ng mga ipapadalang damit ni Shayna para sa kanyang mga kapatid at magulang. Nag-unahan pa sina Carson at Kaia sa pagbabayad ngunit sa loob-loob ni Shayna ay mas katanggap-tanggap na si Carson ang magbabayad para sa mga pinamili nila kesa kay Kaia. Ayaw niyang magkaroon ng utang na loob sa among babae. Iniisip niya na dahil sa mga gamit at perang ibinibigay nito sa kanya kaya madalas siya nitong pagalitan at ipahiya kahit sa harap ng asawa nito. Tiyak na rin niya na tuluyan na siyang tatanggi sa extra job niya rito lalo na ngayon at may lihim na silang relasyon ni Carson. Mawalan man siya n

