"Sir Carson, anong binabalak mong gawin?" nahihintakutang tanong ni Shayna pagkatapos siyang ibaba ni Carson sa kama. Itinulak niya ito palayo sa kanya at saka niyakap ang sarili. "Ano sa tingin mo, Shayna?" seryosong tanong ni Carson habang nakatitig sa mga mata ng magandang kasambahay. Hinayaan niya itong lumayo nang kaunti sa kanya. Ayaw naman niyang samantalahin ito lalo na ang pilitin ito sa gusto niyang mangyari sa kanilang dalawa. Kung ayaw nito, pwede naman niyang pagbigyan ito. "Sir..." "Carson." "Po?" biglang nalitong tanong si Shayna. "Hindi ba at sabi ko noon sa'yo, kung tayong dalawa lang ay Carson na ang itatawag mo sa akin at huwag ng Sir? Besides, hindi na tayo mag-amo ngayon. Boyfriend mo na ako, Shayna." "Amo pa rin kita... Carson." Nahihiyang nag-iwas ng tingin

