"Ganon ba talaga kayo tuwing nag-almusal kayo?" Kahit anong timpi ni Kaia ay hindi na niya magawang pigilin pa ang bibig niya. Kanina pa siya nagpipigil na kumprontahin ang asawa dahil sa nadatnan niya kanina. Wala namang problema dahil ang driver naman nila ang nasa manibela. Nasa tabi lang naman niya si Carson. "What do you mean na ganon kami tuwing almusal? Ang ibig mo bang sabihin ay ang pagsabay niya sa akin?" "Don't act stupid, Carson dahil hindi bagay sa'yo. You know na hindi iyon ang tinutukoy ko." Napatingin na sa kanya ang lalaki. Of course, he knew what his wife was talking about ngunit kailangan niyang tanggalin ang malisya sa isipan nito. Kaia may not love him but he knows that once she gets to know what's happening between him and Shayna, maaaring malaking gulo ang gawin

