Nagmulat ng mga mata si Kaia at ang unang ginawa niya ay ang sapuhin ang kanyang ulo. Nanhahapdi iyon dahil halos hindi siya nakatulog noong nakaraang gabi dahil sa sitwasyon nila ni Shayna ngayon. Umayaw na ito sa kanya. Ayaw na nito sa sikretong relasyon na meron sila. Kahit gaano kalaking salapi pa ang ibayad niya rito ay tumanggi na ito. Kahit magmakaawa pa siya ay ayaw na talaga ni Shayna at tinapos na nito ang lahat ng namamagitan sa kanilang dalawa. Bumangon siya, sumandal sa headboard ng kama, at bumuntong-hininga. Alam niyang hindi niya pwedeng pilitin si Shayna kung ayaw na nito. Alam niyang maaari siya nitong ireklamo kay Carson o 'di kaya ay i-report sa mga pulis at ayaw niyang mangyari iyon. Ayaw niya ng gulo lalo na ang eskandalo. Tiyak na madadamay ang mga magulang niya

