Alam ni Shayna na galit na rin si Kaia sa kanya ngayon. Puro kalat ang kuwarto nitong nadatnan niya nang pumasok siya at iniisip niya sinadya nitong magkalat upang mas dumami pa ang gawin niya. Walang salitang nilinis niya ang kuwarto nito habang umiinom ito ng wine at pinapanuod siya. Lalo nanakit ang kanyang kasu-kasuan dahil sa wala sa oras na pagtratrabaho niya. Napulot na niya ang mga kalat, napalitan na rin niya ang bedsheet at mga punda ng mga unan nito. Wala itong narinig na reklamo mula sa kanya ni isa. Tahimik lang itong nanunuod sa kanya. Hindi Naman niya magawang mainis o magalit dito sa halatang pagpapahirap nito sa kanya. Trabaho naman talaga niya ang mga pinapagawa nito sa kanya. Iyon nga lang, sana ay pinapagoahinga naman siya nito kahit sandali lang o kaya ay pinapagpali

