"Shayna, nag-enjoy ka ba sa Hong Kong trip natin?" nakikiramdam na tanong ni Kaia sa katabi na si Shayna. Kanina pa ito tahimik at ni halos hindi siya tignan. Nang lumingon ito sa direksiyon niya ay bahagya siyang nakahinga nang maluwag. Siguro ay nabawasan na kahit papano ang galit nito sa kanya. "Opo, Ma'am Kaia. Nag-enjoy po ako." As usual ay magalang si Shayna sa pakikipag-usap sa kanya. Hindi naman ito kakikitaan ng pagmamalaki porke may nagawa siyang kasalanan dito. "Pwede kitang tulungan na ayusin ang mga ipapadala mo sa probinsiya kapag nakapagpahinga na tayo. Pwede rin nating dagdagan iyon. Pwede tayong bumili sa Duty Free o kaya dumaan sa mall mamaya," pag-aalok niya. Tipid na ngumiti si Shayna ngunit umiling ito. "Ma'am, hindi na po. Sapat na po itong nabili natin sa

