Bumakas sa mga labi ni Neil ang isang ngiti nang marinig ang katanungan ni Shayna. Hindi siya na-offend ngunit hindi niya napigilan ang pagtaas ng isang kilay niya. Bilang siya ang magpapasahod dito ay maituturing nang trabahador niya ito. At sa pagkakatanda niya, sa buong buhay niya ay wala pa siyang naging trabahador na nanguwestiyon sa mga bilin niya. "Sir, huwag po sana kayong magalit. Nagtatanong lang po ako. Pasensya na po," dagdag pa ng dalaga nang hindi siya agad nakasagot sa katanungan nito. "Shayna, sabihin na lang nating alam ko ang totoong dahilan kung bakit umuwi sa probinsiya ang kapatid ko." Nang tumingin siya rito ay nakita niya ang paglunok nito. Ibig sabihin, alam din nito ang dahilan ni Gelo. "He may be fun to be with but I know he's broken inside." Nakita niya a

