Chapter 74

1370 Words

Kabadong-kabado si Shayna nang sa wakas ay tumigil ang sinasakyan nila sa harapan ng isang matayog na gate. Mula sa kinauupuan niya ay tanaw niya ang malawak na bakuran ng mga Magsaysay pati na rin ilang mga sasakyan na nakaparada sa isang bahagi ng maluwang na bakuran. Tama nga ang kanyang ina. Maykaya sa buhay ang mga ito. Tatlong palapag ang bahay. Masasabi na isa na iyong modernong mansiyon sa kanilang probinsiya. "Welcome, Ate Shayna," masayang lingon ni Gelo sa kanya bago ito bumaba sa sasakyan. Pinagbuksan pa siya nito ng pinto. "Salamat, Gelo," kinakabahan pa ring saad niya. Nang akma niyang kukunin ang maleta niya ay Nakita niyang naunahan na siya ni Neil. Nahihiyang ngumiti siya rito at akmang aabutin iyon ngunit iniiwas ng lalaki ang kamay. "Ako na. Magaan lang naman ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD