Kaagad na napasinghap si Kaia. Napigilan pa niya ang paglabas ng kanyang hininga habang nanlalaki ang mga matang nakatingin kay Carson. Ito ang unang pagkakataon na nagdikit ang mga labi nila ng kanyang asawa... kung kailan tulog na tulog ito. Kaagad siyang tumalikod rito. Nag-init ang kanyang mukha sa hindi niya maintindihan na dahilan. Kumilos naman ang nahihimbing na si Carson. Mas yumakap pa ito sa katawan niya at napasinghap ulit nang malakas si Kaia nang gumitgit sa likuran niya ang harapan nito. Nagmura nang magmura si Kaia sa isipan niya habang kagat niya ang kanyang labi. Inabot din niya ang remote ng aircon at binabaan ang number roon dahil para siyang sobrang naiinitan sa pagdidikit ng mga katawan nila ng asawa niya. Parang gusto niyang bawiin ang sinabi niya kanina tungkol

