"Kaia, kinakausap ka ng Daddy mo." Naputol ang malalim na pag-iisip ni Kaia nang marinig ang sinabi ni Mommy niya. Napatingin siya rito at pagkatapos ay bumaling siya sa kanyang ama. "What is it, Dad?" pagtatanong niya rito. Seryoso ang tingin na ibinabato nito sa kanya at nang saglit niyang sulyapan si Carson ay nakatiim-bagang ito. What happened? May naikuwento ba si Carson sa Daddy niya kaya sisitahin na naman siya nito? "I said, that lady over there looks kinda familiar. She looks like your maid." Sumulyap ang dad niya sa isang direksiyon and Kaia felt her stomach sink. Mabilis siyang tumingin sa direksiyon tinitignan ng ama niya at halos malunok niya ang sarili niyang dila nang makitang si Shayna ang tinitignan nito. How could she forget that her dad has some sort of photogr

