Gulung-gulo ang isipan ni Carson. Gusto niyang umalis. Gusto niyang habulin si Shayna ngunit alam niyang kahit lumipad siya patungo sa terminal ng bus ay hindi na niya ito maaabutan. Gusto niya itong puntahan sa inuwian nitong probinsiya ngunit hindi niya alam kung saan iyon. Gusto niyang magwala ngunit pinigilan niya ang sarili niya. Halos hindi niya namamalayan kung kailan niya iniwan si Kaia sa kuwarto ni Shayna at kung paano siya nakarating sa dati niyang silid. Nahahapong napaupo siya sa kama. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya at halos naubusan na ng lakas. "Shayna, bakit ka umalis?" bulong ni Carson sa hangin na tila maririnig ni Shayna ang katanungan niyang iyon. Hindi maitatanggi na sobrang nag-aalala siya para rito. Napakaraming tanong ang nais niyang sagutin nito. Ba

