Chapter 71

1742 Words

Napakabilis na lumipas ang mga araw sa buhay ni Shayna. Dalawang araw na ang nakalipas mula nang makauwi siya. Sa loob ng dalawang araw ay kasa-kasama siya ng kanyang Inay sa paglilinis ng bahay, paghahanda ng pagkain, at pati na rin ang pagpaplano sa sisimulan nilang munting business ng kanyang Inay. Nakailang palitan na rin sila ng mensahe ni Gelo. Ibinalita nitong pumayag na ang Kuya nito na lumipat ito ng eskwelahan at pati na rin ang pagkuha nito sa kanya bilang kasambahay nito. Iyon nga lang, sa bahay nila sa San Juan din siya titira kasama ang pamilya nito dahil hindi pumayag ang Kuya nito na humiwalay ito ng tirahan. Sa tingin niya ay hindi naman siya kailangan ni Gelo dahil siguradong may mga kasambahay na ang mga ito. Hindi nga niya alam kung bakit napapayag nito ang nakatata

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD