Ikinandado ni Carson ang pintuan ng banyo pagkapasok na pagkapasok niya. Hindi naman siya natatakot na papasukin siya ni Kaia. Ayaw lang niyang may gawin ito na hindi niya mapaghahandaan. Tumitig siya sa pinto na tila nakikita niya si Kaia mula roon. Alam niyang iniwan niya itong naguguluhan sa mga binitawan niyang mga salita rito. Siguro ay iniisip nito na may nakilala siyang babae at ayaw niyang maging sagabal ang kasal nila upang hindi niya maging karelasyon ang babaeng nagugustuhan. Well, sa isang banda ay tama naman ito. May nakilala siyang babae at nagugustuhan niya ito. Ito ang nagbigay buhay sa kanya sa mga panahon na nakapa-boring at frustrating ng buhay niya pagkatapos niyang magpakasal kay Kaia. Natipuhan niya ito hindi lang taglay nitong ganda kundi pati na rin sa pag-aasik

