Kabanata 12 : Tess' Arrival

1010 Words
As time goes by, unti-unti namin nakikilala ang isa't-isa. Paulit-ulit rin nangyayari sa amin ni Gio ang amin ng nakasanayan. Ang s*x. Sa tuwing magkikita kami ng palihim,s*x lang sapat na. No talks...no open-up...no break...Just lust...Sometimes we do it quicky,oral even sa car niya. Lahat ito,kay Gio ko natutunan. 2nd Year College na kami at medyo nagiging mas close na kami sa isa't-isa. Nag-karoon rin ako ng sariling circle with King, Fatima and Noah. We make friends with Gio but may sarili talaga siyang mundo. It was Teacher's Day and wala kaming klase. So we all just bond each other under the big tree inside our campus. Tamang jamming lang, foodtrip at kwentuhan. On the other hand, at Gio's house, her Aunt arrived from States. "Tita we missed you!" Masayang bungad ni Kaye sa kanyang tita Tess na kakarating lang galing States. "Ako din, sobrang namiss ko kayo! Especially you hijo!" Teary-eyed na nakatingin si Tess kay Gio. Sobrang nag-alala kasi before si Tess sa trauma na binigay ng past experiences nito kay Gio. She hired some psych before, para lamang marefresh ang murang isip noon ni Gio. She did our best para maovercome ni Gio ang depression. "Me too Tita! I missed you a lot" sagot ni Gio and he kissed her Aunt's forehead. "Oh siya, tara na sa loob! At marami akong pasalubong sa inyo!" Sambit ni Tess at tuluyan na silang pumasok sa loob. Before she arrived, nakapaghanda na si Gio at Kaye ng kanilang lunch. Mga paborito ng kaniyang tita--adobo, crispy pata, chopseuy at inihaw na bangus. Tila wala ng pahi-pahinga at agad na silang nagtungo sa hapag-kainan. "So Gio,how's your school?"tanong ni Tess habang sumasandok ng kanin. "Okay lang naman po Tita! Nakakasurvive pa!" Sagot ni Gio habang inaabot ang adobo. "Yes you must! Second-year ka na,at maya-maya pa'y graduating ka na! Kaya magseryoso ka na ha hijo!" She explained habang hinihiwa ang kinuhang Crispy Pata. "Yes po Tita! Ginagawa ko naman po ang best ko!" Sagot ni Gio. Ilang saglit pa'y, napabaling naman ang atensyon kay Kaye. "Ikaw naman Kaye, how's your work? Matagal ka na rin sa Publishing Company na yan! Ayaw mo ba talaga ituloy ang pag-nunurse mo? Marami akong connections s States, pwedeng pwede kita irefer don!" Sambit ni Tess. Hagya nagkatinginan si Gio at Kaye. "Ahm, o-okay lang po ako tita sa trabaho ko ngayon! Masaya naman po ako and besides mas gusto ko pong magedit, magcheck ng mga masterpieces and proud works ng mga aspiring Authors kaya minsan hindi ko na rin po nararamdaman yung pagod kasi masaya po ako sa ginagawa ko!" Masayang sagot ni Kaye na pawang hindi kumbinsido si Tess. "Kaye, sooner or later magkakapamilya ka na! Oo noon, malaki ang sweldo diyan, noong time ng mama at papa niyo, pero ngayon, you have to be practical! You need to use your head! Sa States, malaki ang sweldo don,kahit mag-anak ka ng madami, hindi sila magugutom! Well, basta, if ever you change your mind, don't hesitate to tell me okay! But think about it wisely! This is my last promise to your father! To give you a better life!" Sa sinabi ni Tess nanumbalik yung lungkot ng nakaraan. Pero may point rin naman siya na this is only for their future. "Oh siya, kumain na tayo at sobrang sarap ng luto niyo! And besides mag-uusap pa tayo Gio about riyan sa mga tattoos mo!" Pabirong habol ni Tess at nagtuloy na sila sa kanilang pagkain. Likas na mabait si Tess sa mga pamangkin. Lahat ng sinasabi niya ay para lamang sa ikabubuti ng mag-kapatid. Siya na kasi ang tumayong ama at ina kina Gio at Kaye. Kaya kahit masermonan ay okay lamang sa kanila dahil alam naman nila na lahat ng sinasabi at ginagawa ng tita nila ay para rin sa kanilang ikabubuti. Samantala, nagkaroon ng time si Tess at Gio sa kanilang terrace. "Gio! Okay na okay ka na ba?" Seryosong tanong ni Tess sa pamangkin. "Honestly, I'm still on a process tita but gladly, I'm halfway there! Magiging okay rin ako!" Sagot ni Gio kay Tess. Walang ibang napapagsabihan si Gio ng kaniyang saloobin maliban kay Tess at Kaye. "Good! I'm glad to hear that from you! Sooner, kusang magheheal yang puso mo! Or may isang taong dadating para siya yung gumamot at tumapal riyan sa nasugatan mong puso! I'm rooting to that!" Talagang Mother of all wisdom na matatawag si Tess. Kada salitang bibitiwan niya ay talagang may laman at aral." So the question is. . . Meron na ba?" Waring nang-aasar pa si Tess para umamin si Gio. "Actually Tita, I have a lot of girls! And I am sorry for that! I just can't explain. . .na sa tuwing makakakita ako ng babae. . . nagrereflect yung ginawa ni mama kay papa. I can't help it, I don't want to blame other girls, pero ang hirap alisin . . . ang hirap kalimutan!" Seryosong sagot ni Gio na ramdam pa rin yung sakit na naramdaman niya noon. "Don't worry hijo! I know, i know! God prepared something or someone for you na magpapabago ng tingin mo sa mga babae! And of course when that time comes, be prepared also, kasi hindi mo namamalayan na may dumating na pala! Baka nga nakakasama mo na at pag dumating yung kung sino mang babae yun, baka ikaw na mismo ang bumali sa tingin mo sa mga kababaihan! You are a good boy hijo! And I witnessed it! You are awesome and very lovable and sweet especially sa mga babae! And I can't wait na mag-balik ulit yon, yung dating Gio!" Tila nabunutan ng tinik si Gio sa sinabi ni Tess. Makahulugan. Saglit siyang napaisip. Dumating na nga ba? Nakasama na ba niya? Sino nga ba yung babae na gagamot at magtatapal sa nasugatan niyang puso? Pero even siya, hindi pa rin ready. Ayaw pa rin ng commitments ayaw pa rin ng serious relationship. No one can blame him sa kabila ng mga pinagdaanan niya. Iilan lang ang nakakasurvive and he is one of those...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD