Lara's POV...
Before work, I have to work first on Gio's lap. Naging hobby na kumbaga. Favorite place namin sa loob ng sasakyan niya. We did it twice in just an hour. Suddenly,his phone rings.
"Yes babe?Okay I'm on my way! Just give me 20 minutes!" Sabi ni Gio sa kausap. I think isa yun sa mga babae niya. Edi sana all may katawagang babe!
"So, mukang may lakad ka pa. . .alis na rin ako!" Paalam ko sa kaniya. Hindi ko na tinanong kung sino yung tumawag kasi wala naman kaming label baka masampal lang ako ng katotohanan.
Before ako bumaba ng sasakyan, he grabbed my hand and kissed my forehead. Favorite niya yun gawin sakin after lagi namin mag-s*x and I am wondering kung ganon din ba ang ginagawa niya sa iba. Anyway nothing is new naman. Ni hindi nga ako kinikilig.
"Sige bye!" Paalam ko sa kaniya.
"Ok bye! Thank you!" He replied.
Ang awkward, para na ba akong bayarang babae na walang bayad?
Anyway, back to real work ako and I am surprised that Noah was there... again... Actually, halos every duty ko, andon siya sa shop nakatambay, pero kapag naman iba ang nakaduty, wala siya. Smells something's fishy!
So patay malisya ako na pumasok ng shop.
"Oh! Noah! Kanina ka pa diyan?" Bati ko sa kaniya habang pumasok naman ako sa loob ng counter upang ibaba ang aking gamit.
"Ahm actually kararating ko lang din!" Sagot niya sa akin.
Napatingin naman ako sa mesa niya na tila nakatatlo ng milk tea na iniinom.
Agad niya ito napansin.
"A-ahm, hindi sa'ken tong mga lalagyan hindi lang agad naligpit! Sa ibang customer talaga 'to!" Utal na palusot ni Noah.
Sinakyan ko na lang ang sinabi niya kahit na alam ko maaga pa siyang naghihintay talaga sa shop.
Pero after ko lagi dumating, agad rin naman siyang umaalis. Hindi ko na talaga siya minsan maintindihan.
"Ahm sige Lara, I have to go!"tumayo na siya at inayos ang gamit. "By the way, pwede ba kitang ihatid mamaya?"deretsang tanong niya sa akin.
Hindi ako maka-oo hindi rin ako maka-hindi. Paano kapag tumawag si Gio at kailanganin ako? Baka mahuli kami ni Noah. Pero....
Pero sige, pagbibigyan ko this time si Noah. Tutal tapos na naman na yata ang duty ko kay Gio.
"Okay sige! Okay lang!"nakangiti kong sagot sa kaniya.
Hanggang sa matapos na ang duty ko. I think 20 minutes before andito na agad siya.
"Let's go!" Sambit ko sa kaniya.
"Okay! Ahm let me hold your bag! For sure masakit na yang likod mo maghapon kakatayo at kakahintay ng customers tapos ang bigat pa ng bagpack mo! Kaya akin na yan, ako na ang magdadala!"
Hindi na ako nakahindi dahil sa hindi ka na talaga makakatanggi sa pagkagentleman niya, para niya lang ako inuntog na deserve ko pa ba talaga itrato ng ganito? Mas sanay kasi ako na binabalewala at ginagamit lang. Like I don't deserve extra special treatment and attention.
Ilang minuto ang biyahe, nakarating na rin kami sa bahay.
Gusto ko sana siya patuluyin muna at pakainin sa loob ngunit nakita ko ang motor ni Daddy na nakapark sa harap. Andito na naman siya, paniguradong gulo na naman 'to.
"Ahm sige Noah, salamat sa paghatid ha! Pasok na ko!" Pagkatalikod ko andon si Daddy nakatayo.
"Oh anak! Bakit paalisin mo agad ang bisita mo? Tamang-tama nagluto ako ng paborito mong ulam! Sinigang na baboy! Ah t-toy? Otoy!" Sigaw ni Daddy kay Noah. "Halika na muna dito sa loob at saluhan mo muna kami ngayong hapunan!"
Ano kayang nakain nito at iba ang awra ngayon? Tunay na kaya 'to? Nagbago na ba talaga si Daddy?
Wala na rin ako nagawa,kaya sumunod na lang ako sa loob kasama si Noah.
Sa hapag-kainan nakaupo na si Mama at buknoy, palayaw ng bunso kong kapatid.
"Oh anak may bisita ka pala! Halika paupuin mo na rito! Oh hijo dito ka, wag ka mahihiya ha!" Masayang bungad ni mommy.
"Salamat po! Kakatuwa naman po ang pamilya niyo!" Nakangiting sambit ni Noah.
Hay. Kung alam mo lang Noah! Ni hindi ko alam kung ano na namang pakulo itong nangyayari. Masama pa rin ang kutob ko.
Maya-maya pa'y umupo na rin ako sa tabi ni Noah.
"Hijo, nobyo ka ba ng anak ko?" Derektang tanong ni mommy.
"Ma? Nakakahiya kay Noah! Hindi ko siya nobyo!" Inis na sabi ko. Minsan talaga walang pakundangan ang mommy ko."Sorry Noah ha! Maingay lang talaga si Mommy!" Dugtong ko but deep inside naiinis na ako sa nangyayari.
Gusto kong itanong kung ano'ng meron? Kung tuluy-tuloy na ba'to? Kung wala nang dramang susunod? Kaso ayoko na sabihin lahat 'to sa mismong harap ni Noah. Ayoko mawitness at malaman niya kung gaano kagulo ang pamilya ko.
Ilang saglit pa'y, si Buknoy na ang nagsalita.
"Ate siya ba yung kasama mo noong isang araw?" Hala.. bigla ako kinabahan sa sinasabi ng batang 'to. Akala ko kina mommy at daddy lang ako dapat kabahan pero mas malma pala ang isang 'to.
"H-ha? Pinagsasabi mo? Alam mo ikaw ang dami mong alam! Kumain ka na lang diyan!" Agad ako napatingin ng pahapyaw kay Noah na nauna ng tumingin sa akin. Tanging ngiti lang ang naibigay ko at tilang nangungusap na mga mata.
Buong akala ko doon na matatapos ang tanungan portion. Pero ayaw talagang paawat ni Buknoy.
"Gusto ko lang malaman ate! Siya ba yung de kotse na sinakyan mo noong nakaraan? Yung nag-away sina mommy at daddy? Sinundan kasi kita non palabas kaso bigla ka ng sumakay sa kotse!" Parang gusto ko ng magpalamon sa lupa. Tanging malaking mata lang na puno ng galit at inis ang binato ko kay Buknoy.
Nakita pala ni Buknoy yun? Talagang wala ring preno ang bibig ng batang ito.
Samantala, kita ko sa mukha ni Noah ang pagtataka at pag-iisip. Biglang nagkaroon ng katanungan sa kaniyang mga mata.
At hindi pa roon natatapos yun.
Tumingin si Buknoy sa braso ni Noah at sabay sabing. . .