Kabanata 14 : Game of Love

1256 Words
Napatingin si Buknoy sa kamay ni Noah. Isang matalas na tingin na para bang may pilit na inaalala o iniisip. "Ah, oo nga ate, hindi nga siya yung nakita ko!" Paninigurado ni Buknoy. "Marami kasing tattoo sa kamay yung nakita ko!" Dugtong nito at talagang siguradong sigurado sa sinabi at nakita niya. Bahagya ako napalunok at gusto ko na maglaho sa kinauupuan ko. Nagkatinginan kami ni Noah. Yung tingin niya na nagtataka. Parang gusto isigurado sa akin kung tunay ba yung sinasabi ni Buknoy. Kung sino nga ba yung lalaking tinutukoy ng kapatid ko. Alam kong may namumuo ng palaisipan kay Noah, but , he knows that he is not in the place to react something serious kasi wala namang kami. Meanwhile, finally, natapos din ang dinner. Nagpaalam na si Noah kina Mommy at Daddy. "Thank you po Tito and Tita,that was a great dinner! Ang sarap po ng pagkain! Thank you so much po!" Magalang na sambit ni Noah sabay iniskortan ko na palabas. But before he leave, nagrequest siya na kung pwede maglakad-lakad na muna kami. Tahimik lang siya. Ang awkward tuloy. Hindi ko alam kung may gusto ba siyang sabihin o ano. Para mabasag na rin ang katahimikan, ako na ang nagpaunang nagsalita. "Ahm, Noah, nabusog ka ba?" Tanong ko at bahagyang tumingin sa kaniya. "Yes! Ofcourse! Sobrang sarap ng pagkain!" Nakangiti niyang sagot habang hinihimas-himas pa ang kaniyang tiyan sa kabusugan. "Thank you! Napapaisip na nga ulit ako kung kailan ulit mauulit yun eh?" Sagot ko sa kaniya. "Bakit naman? H-hindi ba kayo nagsasabay-sabay araw-araw?" Paguusisa niya. "Actually,ngayon lang talaga nangyari yan!" Sagot ko at nagtuluy-tuloy na akong nagkwento kay Noah. "Simula pagkabata ko, hindi ko talaga ramdam yung love ni Daddy.. sa amin.. lalo na sa'ken! Yung nakita mo kanina? Hindi siya yon! Never niya ako o kami tinrato ng ganon! Hindi ko nga alam kung ano nakain non ngayon e pero isa lang ang alam ko, bukas makalawa, balik na ulit yan sa dati niyang ugali!" Kwento ko sa kaniya. "Sorry hindi ko alam! Akala ko kasi--" paumanhin ni Noah. "No you don't have to say sorry! Now, atleast, may kaunti ka ng alam about sa'ken! Na,hindi talaga ganong kasaya ang pamilya ko!" Dugtong ko. Tunay naman eh, hindi naman talaga masaya at maayos ang pamilya ko. Hangga't nariyan ang bisyo ni daddy hangga't hindi tumitigil sa pambababae, kailan man, hindi kami magiging okay! Then after a long walk, nagpaalam na rin si Noah. This is the first time na magsama ako ng bisita at lalaki pa sa bahay. Kaya hindi ko rin masisisi sila Mommy kung nagulat sila kanina. Kapag si Noah ang kasama ko, alam mo yun, parang wala ka ng hahanapin pa. Yung feeling na, hindi ka iiwan talaga anuman ang mangyari, yung feeling na,napapangiti niya 'ko. Ang gaan lang! Kaya hindi ko masisi yung mga babae na nangangarap at nagkakandarapa sa kaniya. While, when I'm with Gio naman. I feel very secured. Ewan ko ba! Kahit na wala pa akong alam sa kaniya at ganon din siya sa akin, para bang, ang tagal ko na siyang kilala. Ramdam ko sa kaniya yung something within me na nararamdaman ko rin. Gets? Kumabaga may something mutual? Like same feeling na hindi ko maexplain. Yung bigat, yung pinagdadaanan, parang andon yung connection! Gusto ko siya makilala pa ng lubos, but he won't allow me to do that because for him, I am just his past-time. Na kapag nalilibugan lang, saka darating. . .saka magpaparamdam. Mageend na ang second semester, kung kaya nagkayayaan ulit kami maginuman kina King. This time, kami na lang ang inivite ni King--ako, si Fatima, Noah and Gio. "Guys,next semester Third Year na tayo! Tapos isang kembot na lang, ga-graduate na tayo! Ang bilis ng panahon noh!" Sentimental na sabi ni King. "Oo nga eh! Parang kailan lang nagpapakilala lang tayo sa harapan!" Natatawang dugtong ni Fatima. Kay bilis naman talaga ng panahon, nasa kalahati na kami ng taon patungo sa mga pangarap namin. Alam ko after graduation, may kaniya-kaniya na silang mga plano sa buhay. Si King--pangarap niya talagang maging doktor, si Fatima--gusto niyang maging psychiatrist, si Noah--ang alam ko, gusto niya talagang maging chef at si Gio--ano nga ba ang gusto ni Gio? Siguro gagraduate na kami't lahat, wala pa rin talagang nakakaalam sa background ni Gio. Anyway, ako? Ano nga ba rin ang gusto ko? Hindi ko rin alam kung bakit ako naging Psychology student! Second choice ko talaga 'to and my first choice was to be a Policewoman. Sounds ridiculous? Pero eto talaga ang gusto ko nong una. Siguro dala na rin ng mga kalokohang ginagawa ni daddy. Anyway, dahil lumalalim na rin ang usapan. Naisip ulit ni King na laruin ang Double Truth or Double Dare. Noong una na ginawa namin 'to,lahat kami, go na go. Walang uurungan kumbaga. Pero ngayon, ngayon na nagkaroon na kami ng iba't-ibang deep connections sa isa't-isa, parang mas mahirap gawin ang truth or dare. Pero siyempre, wala naman kami magagawa kay King. Siya pa rin ang masusunod. He grabbed an empty bottle and started to spin it. First spin, napatapat kay Fatima. Then the second one, napatapat kay Noah. "Naku ano ba'yan! Feeling ko meant to be talaga tayo Noah!" Biro ni Fatima kay Noah." Truth ulit tayo?" Tanong ni Fatima. "Okay! Truth!" Sagot ni Noah. "Okay! Noah! May babae na ba na nagpapabihag ng puso mo ngayon?" Derektang tanong ni Fatima. Isang tingin na matalim na tila lalamunin ng buo si Noah. Pero hindi nagpatinag si Noah bagkus he answered back confidently. "Yes!" Derektang sagot niya. Halata kong napatingin ng bahagya sa akin si Gio. Patay-malisya lamang ako. Kasi hindi naman talaga ako yun. Hindi naman talaga ako yung nagugustuhan ni Noah. Pero yung tingin ni Gio na yun, nagbigay sa akin ng palaisipan. Maya-maya pa'y nagstart na ulit magspin ng bote si King. First bottle spin, napatapat kay Noah ulit. Then the second one, napatapat kay Gio. Bakit parang kinabahan ako? Hindi yata ako sa alak tatamaan ngayon kundi sa mga mangyayari ngayong gabi. "Ay inang! Exciting to! Finally, man-to-man naman ngayon!" Excited na sambit ni King. Noah stared at Gio and smiled. But suddenly, sabay silang nagsalita--- "Truth!" Sabi ni Noah "Dare!" Sabi ni Gio. Tila mahirap pagkasunduin ngayon ang gusto ng dalawa. But Noah insisted. Tila may gusto talagang malaman si Noah about kay Gio. Isang tanong na ikapapanatag ng loob niya na kung mangagaling mismo ang kasagutan sa bibig mismo ni Gio. "I insist! Let's be true! I just wanna know something!" Tila nagulat naman sila King sa sinabi ni Noah. Isang seryosong Noah. "Okay! If that's what you want!" Tanging naisagot ni Gio. Naunang magtanong si Gio. "Can you tell the name, kung sino yung babaeng nagugustuhan mo ngayon?" Deretsong tanong ni Gio sabay shot ng beer. "Lara! I like Lara!"sagot nito sabay tingin sa akin. Napashot akong bigla sa narinig ko. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Ako ba talaga? So, bakit ako? Bigla akong na-OP! Ayoko ng ganitong feeling! Hindi ako sanay! Hindi ako sanay na may isang lalaki na seryoso at confident sa sarili na sabihing...gusto niya ako! Bakas rin kina Fatima at King ang gulat sa pagrereveal ni Noah. On the other hand, turn na ni Noah para magtanong kay Gio. And he asked... "Gio, do you like Lara?" Tanong nito habang direktang nakatingin sa mga mata ni Gio. Bakit ganon ang tanong niya? Nakakahalata na ba siya sa nangyayari sa amin ni Gio? Bakit parang ako ang naiipit rito.... Then suddenly, Gio answered....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD