16 years ago, isang batang lalaki ang magtatanim ng matinding poot at galit sa kaniyang sariling ina. Isang batang lalaki na mamumulat sa pagkawasak ng isang buong pamilya.
Si Gio Mendez, isang batang masayahin, mabait, mapagmahal at sweet sa kaniyang pamilya. Mama's boy nga kung tawagin ng iba. Tunay na malambing sa lahat kaya kinagigiliwan ng marami.
Si Katrina a.k.a "Kaye", ang ate at nag-iisang kapatid ni Gio. Mabait pero ang laging kaasaran ni Gio. Lalo na kapag ang napapag-usapan nila ay ang mga crushes ng ate niya. Sa sobrang kakulitan ni Gio, napapaiyak niya minsan ang kaniyang kapatid ngunit kalauna'y nagkakaayos din naman. Away kapatid lamang kumbaga.
Si Mrs. Celeste and Mr. Delton, ang mga magulang nila Gio at Kaye. Medyo nakakaangat sila sa buhay na halos kinaiinggitan na ng iba. Parehas silang office workers sa isang sikat na Publishing Company.
Isang masaya at kuntento ang paglalarawan sa pamilya nila Gio. At ito ang naging dahilan ni Gio, upang hangaan ang kaniyang Mama at Papa at gawing inspirasyon ang love story nila.
Isang umaga. . .
"Delton! Maiintindihan 'to ng mga bata! Malalaki na sila at matatalino, lalo na si Gio!" Tila galit at nagmamakaawang tono ni Celeste.
"Ganyan ka na ba kadesperada,ha? Celeste? Sagot ni Delton sa asawa na tila nagtatalo.
Nagmumula ang pagtatalo sa kwarto nila Celeste at Delton. Aksidenteng narinig ni Gio ang lahat, habang pababa sana siya papuntang sala.
10 taon pa lang si Gio ng mga panahong iyon, mura pa ang isip, pero tila naiintindihan niya ang mga nangyayari. Pero dahil ayaw niya masira ang pamilya nila, pinagpawalang-bahala na lang niya ito at hindi na nag-usisa pa sa kaniyang mga narinig.
Sa hapag-kainan. . .
"Ma! Di'ba pupunta tayo bukas sa mall?"masayang tanong ni Gio sa ina.
"H-ha?"ani Celeste na tila wala sa wisyo at lipad ang isip.
Bahagyang inagaw ni Delton ang atensyon, bagkus,siya ang sumagot para kay Celeste.
"Ah! O-oo. Oo anak! Pupunta kayo bukas ng mama mo sa mall! Day-off naman ang mama mo bukas! Di'ba Hon?"sagot ni Delton habang halatang nagkukunwari sa kaniyang reaksiyon.
Ngunit tila bingi at walang narinig si Celeste. Bagkus, nagpatuloy lang ito sa pag-kain.
Pansin ng lahat ang pagbabago. Biglang nanlamig yung dating samahan na meron ang pamilya nila. Ang dating masaya at kuntentong pamilya, ngayon ay tila yelo na nanlalamig at kandilang nag-uupos.
Samantala, dahil likas na makulit si Gio, inulit niya ulit ang tanong sa kaniyang ina. Tila, gusto niyang marinig mismo ang kasagutan mula sa mga labi ng kaniyang ina upang makampante ang kalooban niya.
"Ma, di'ba sabi mo bibilhin natin yung nakita kong IPOD noong nakaraan? Ma, sige na! Please!"pangungulit ni Gio sa ina habang nangungusap ang kaniyang mga mata.
Ngunit, dahil sa mas malawak ang pag-iisip ni Kaye kaysa kay Gio, siya na ang umawat dito.
"Ano ba Gio! Hindi mo ba napapansin,mukhang masama ang pakiramdam ni Mama! Sa ibang araw na lang!ani Kaye.
Kita ang lungkot sa mukha ni Gio at tila nawalan ng ganang kumain.
Pero biglang. . .
"Sige anak! Pupunta tayong mall bukas!"sagot ni Celeste at nakatingin sa anak.
Sa sinabi ng kaniyang ina, hindi maipinta ang saya ng reaksyon sa mukha ni Gio. Kahit pakiramdam niya ay napipilitan lamang ang kaniyang ina, tuloy pa rin siya, dahil gusto niya na ayos lang ang lahat.
Gusto niya na papaniwalain ang sarili niya na ayos pa sila, na walang problema. Na iniidolo pa rin niya ang kaniyang mga magulang.
Kinaumagahan. . .
Excited si Gio hindi dahil mabibili na niya ang pinakagusto niyang gadget, kundi dahil, makakasama niya ulit ang kaniyang mama.
"Oh anak,ready ka na ba?"nakangiting tanong ni Celeste kay Gio.
"Oo naman mama! Thank you po sa pagpayag ha!"abot-tengang saya at pasasalamat ni Gio sa ina.
"Oh siya, sige na,halika na! Ahm ikaw ate, sigurado ka hindi ka sasama?"tanong ni Celeste kay Kaye.
"May tatapusin pa kasi ako na project Ma eh! Kayo na lang po ni Gio! At for sure po, ayaw din niyan ako kasama!"sambit ni Kaye at sabay pabirong inirapan ang kapatid.
"Okay sige! Alis na kami!"paalam ni Celeste.
"Ingat kayo Hon!"sambit ni Delton at akmang hahalikan ang asawa. Ngunit, tanging pag-iwas lang ang naisagot niya kay Delton na agad namang napansin ng mga anak.
Matapos non, tuluyan na sumakay ng sasakyan at umalis na ang mag-ina.
Halata sa mukha ni Delton ang lungkot. Hindi mawari yung tunay na nararamdaman niya at ang pinagdadaanan nilang mag-asawa.
Pansin ito ni Kaye, pero pinagpawalang-bahala na rin lang niya ito gaya ng ginagawa ni Gio.
Samantala, nakarating na rin sila sa mall.
Sa isang Gadget Store.
"Oh alin ba riyan ang gusto mo anak?"tanong ni Celeste kay Gio.
"Ahm! Eto Ma! Eto na lang po!"tugon ni Gio.
"Sure ka na ba diyan anak?"paninigurado ni Celeste.
"Opo Ma!"nakangiting sagot ni Gio.
"Okay sige! Ahm Miss! Paassist po! Eto na lang po!" Ani Celeste habang tinuturo sa saleslady ang napili ng anak.
Matapos nila mamili at maglibot-libot sa mall, dumeretso na sila sa isang fast-food upang magpahinga at kumain.
Habang kumakain si Gio, bahagyang nagpaalam saglit si Celeste na may kukunin sa sasakyan.
"Ahm, anak! Dito ka muna saglit ha! May nakalimutan lang akong papers sa sasakyan eh kailangan ko na isend sa boss ko!"sambit ni Celeste.
"Ah sige po Ma! Intayin na lang po kita dito!"sagot ni Gio habang hindi magkamayaw at puno ang bibig sa kinakaing spaghetti.
"Sige nak ha! Huwag kang aalis dito! Babalik agad ako!"
At tuluyan na umalis si Celeste patungo sa kaniyang sasakyan.
Ilang minuto na ang nakalipas, tapos na rin kumain si Gio,ngunit hindi pa bumabalik ang kaniyang ina.
Nagsimula na mag-alala si Gio kung kaya't akmang tatayo na siya at aalis upang sundan ang ina sa kanilang sasakyan.
Nasaan nga ba si Celeste?
Ano nga ba ang nangyari sa kaniya at ilang minuto na ang nakakalipas ay hindi pa rin siya nkakabalik?