Minsan, hindi ko na alam kung tama pa ba? Gusto ko ng itigil, pero ayoko siya mawala! Gusto ko pa ituloy, pero ang puso ko, gusto ng huminto na.
MAHAL KO SIYA.
Pero mahal lang niya ako sa kama!
PERO MAHAL KO PA RIN SIYA.
Kahit sobra na ako nagpapakatanga.
Paano kung may biglang dumating?
Ang nagiisang taong nagparamdam sa'yo na espesyal ka, na mahalaga ka at karapat-dapat kang irespesto.
Paano kung biglang dumating ang isang lalaking magpaparamdam sa'yo ng mga bagay na matagal ka ng uhaw na maramdaman at maranasan?
Yung puso ko,andon pa rin ang pag-asa na, mamahalin din ako ng taong pinakamamahal ko.
Andon pa din yung pag-asa na marinig ko sa kaniyang mga labi,na minsan ay minahal din niya ako.
Mahal ko si GIO, pero s*x-buddy lang ang turing niya sa akin. Mahal ko si GIO, yun ang sabi ng puso ko, pero patuloy na nakikidigma ang isip ko at paulit-ulit na isinisigaw na tumigil na ako.
Gusto kong bigyan ng pag-asa at pagkakataon si NOAH, pero , magiging selfish ako sa kaniya. Gusto kong mahalin si NOAH, yun ang sabi ng isip ko, pero nakikipag-away ang puso ko na "HUWAG", kung sa huli, ay dadayain ko lang ang nararamdaman ko at saktan ang damdamin ni NOAH.