Pagbukas ni Gio ng pinto, bumungad sa kaniyang harapan ang kaniyang ama na nakabitin at pawang wala ng buhay.
Winakasan ni Delton ang sarili niyang buhay dahil sa hindi kinaya ang matinding emosyon na naidulot sa kaniya ng paghihiwalay nila ni Celeste.
Kota na kumbaga...
Halos lahat ng masasakit na nangyari sa kanilang buhay ay si Gio ang nakasaksi, mula sa pagtataksil ng kaniyang ina magpahanggang sa pagpapatiwakal ng kaniyang ama.
Durog na durog ang puso ng magkapatid lalo ni Gio. Sa isang iglap lang,yung dating masayang tahanan na may masaya at ipinagmamalaking pamilya ay tila binalutan na ng lungkot at hinagpis. Sa mga murang edad, naulila na sila ng tuluyan. Ni hindi na nila malaman kung nasaan na ang kanilang ina. Kung wala na ba talagang natitirang kaunting pakeelam at pagmamahal sa kanila. Mula nong araw na nalaman ni Gio ang tungkol sa pagtataksil ng kaniyang ina, naglakas-loob na rin si Celeste na tuluyan ng iwan ang asawa at ang kaniyang pamilya. Umalis siya ng hindi man lang nagpaalam sa mga anak.
Pagkalibing kay Delton, lumapit kina Kaye at Gio ang kanilang tita at nag-iisang kapatid ng kanilang papa.
"Kaye, Gio! Malalagpasan din natin to!"sambit ni Tess, kapatid ni Delton, habang namamaga pa ang mga mata buhat sa pagkakaiyak.
"Tita,paano na kami ngayon ni Gio? Sino na mag-aalaga sa'min?"umiiyak na tanong ni Kaye.
"Huwag kayo mag-alala! Andito pa ang tita ninyo! Ako ang mag-aalaga sa inyo! Tutal wala naman ako kasama sa subdivision na tinitirhan ko, doon na lamang kayo sa akin!"sagot ni Tess sa kaniyang mga pamangkin.
Si Tess ang panganay na kapatid ni Delton. Hindi na siya nakapag-asawa sapagkat naging workaholic ito. Kung kaya't wala rin siyang sariling pamilya na naging rason upang kupkupin na niya ang magkapatid.
"Talaga po tita?"paninigurado ni Kaye sa kaniyang tita.
Ngunit si Gio ay wala pa ring imik. Halata sa kaniya ang mga masamang nangyari sa kanilang pamilya at siya rin ang lubos na naapektuhan.
Matapos ng libing ay nagtungo na sila sa kanilang bahay. Nagligpit na ng mga gamit at nag-ayos ng mga dadalhin sa kanilang bagong tirahan. Malungkot na pinagmasdan ng dalawa ang buong paligid ng bahay.
Naaalala nila nong naglalaro pa sila ng papa nila sa may sala. Nong nagbebake ang kanilang mama sa kusina. Yung hapag-kainan na silang apat lamang at masayang pinagsasaluhan ang mga nilutong putahe ni Celeste.
Mga masasayang ala-ala na hanggang ala-ala na lamang talaga.
"Oh ayos na ba ang gamit nyo?"nakangiting tanong ni Tess sa mga pamangkin.
"Opo tita ayos na po ako! Ahm ikaw Gio,ok na ba mga gamit mo?"tanong ni Kaye sa kapatid.
Ngunit dumeretso na lang patungo sa sasakyan si Gio.
Batid pa rin at tila matatagalan pa bago mahilom ang sugat sa puso ni Gio. Mabuti na lang at malawak ang pang-unawa ni Kaye kung kaya't nauunawaan niya ang kaniyang kapatid, sapagkat maging siya ay nahihirapan at nasasaktan pa rin sa nangyayari.
Ilang oras din ang byahe at pawang pagod na pagod ang lahat.
Nakarating na sila sa tahanan ng kanilang tita Tess.
Two-storey ang bahay. Maganda at mas maluwag at maaliwalas kaysa sa dati nilang tirahan. Mas malapit rin sa eskwelahan na bago nilang papasukan.
Bagong bahay at bagong buhay para sa magkapatid.
Samantala. . .
Si Lara na bata pa lang ay breadwinner na sa kanilang pamilya. Breadwinner kasi bukod sa siya ang panganay sa kanilang dalwang magkapatid, ay sa murang edad ay siya na ang tumutulong sa kaniyang mommy na maghanap-buhay. Ang kaniyang ama ay nalulong sa droga at labas-masok na sa kulungan. Ngunit sa tuwing makakalabas ang kaniyang ama ay dumederetso ito sa bahay upang pasakitan lamang ang kaniyang ina. Battered housewife ang kaniyang ina. Dati silang may kaya sa buhay ngunit nabaon sa pagkakautang dahil na rin sa pagkakalulong sa droga at sugal. Gusto na ni Lara papaghiwalayin ang kaniyang mga magulang sapagkat nasasaktan na siya sa tuwing masasaksihan nilang magkapatid ang pambubugbog ng kanilang ama sa kanilang ina.
Walang pagbabago! Pariwara at walang kwentang ama pa rin para kay Lara. Nawalan na siya ng respeto rito simula noon pa lamang. Ngunit sadyang matigas ang ulo ng kaniyang ina. Paulit-ulit niya pinapatawad ang kaniyang asawa kahit pa ikamatay na niya ang pananakit nito sa kaniya.
Bakit? Dahil bilang magulang, pagiging broken-family ang ayaw nila iparanas sa kanilang mga anak kahit pa ito ay ikapapahamak na nila.
Kung kaya, walang magawa si Lara sa desisyon ng ina kaya sumusunod na lamang ito,pero yung respeto at pagmamahal sa kaniyang ama ay walang-wala na.
Bilang isang anak, uhaw na uhaw si Lara sa pagmamahal ng isang ama. Minsan,kapag may mga events sa school, iniimagine niya na sana, kasama rin niya ang kaniyang mama at papa. Sana, tunay na masaya rin sila gaya ng ibang bata. Pero ngayon ang naiisip na niya ay... Sana, wala na lamang akong ama!
Sa kabilang banda...
Si Noah, galing sa maayos at masayang pamilya. Hindi matutumbasan ng kahit ano'ng bagay yung relasyong ng pamilya na mayroon sila ngayon. Business owners ang kaniyang mga magulang. Solong anak si Noah kung kaya maraming oras para sa kaniya ang kaniyang mga magulang. Witnessed ni Noah ang tunay na pagmamahalan ng kaniyang mga magulang. Maayos rin siyang inaalagaan at pinapalaki ng mga ito. Maraming naiinggit sa kanila sapagkat larawan sila ng isang masaya at buong pamilya.
Ngunit bata pa lang, ay takot na makihalubilo si Noah sa ibang tao. Umikot ang mundo niya sa paligid lamang ng kaniyang ama at ina.
May mga kaibigan siya ngunit pili lamang. Respetadong tao si Noah kaya't lagi siyang ipinagmamalaki ng kaniyang mga magulang.
Isa sa kahinaan niya ay ang...pagkaduwag at kahinaan ng loob.
Matapos ang ilang taon ,nagdalaga at nagbinata na ang tatlo nating bida. Matapos ng ilang taon,mga bagong pagsubok at pagdadaanan na ang gagalawan at haharapin nila lalo na sa pagtuntong sa kolehiyo.
Sa isang iskwelahan magpapanagpo ang kani-kanilang mga mundo.
Maguumpisa na sa mga susunod na kabanata ang mga kapana-panabik na pangyayari sa buhay nila Gio, Lara at Noah!