Iba-iba ang pinagdaanan ng ating mga bida sa makalipas na ilang taon. Kaniya-kaniyang istorya na paghuhugatan natin ng mga katagang, "Ah, kaya pala!" Masalimuot na pangyayari noong kabataan at naipamalas ang kani-kanilang kahinaan. Mga sabik sa pagmamahal at pag-aalaga sa kani-kanilang pamilya at ang kalayaan at kapayapaan ay kailan kaya makukuha? Natapos ang mga kabanata kung saan binago sila ng mga pangyayari at karanasan. Ngayon, panibagong buhay at bagong pagkatao ang kanilang ipapamalas.
************************************
Kring...kring..kring...
Tunog ng alarm clock ni Lara at nagpapahiwatig na kailangan na niyang gumising at bumangon dahil first day niya bilang isang college student. Working student si Lara, kaya kailangan niyang i-manage at i-balance ang oras niya para magawa niya ng maayos ang goal niya sa bawat araw.
21-year old si Lara at panganay sa dalawang magkapatid. Mahaba ang buhok na bagsak,matangkad,balingkinitan at sadyang may mala-anghel na hitsura. Dalawang beses na siya nagkaroon ng karelasyon ngunit pawang puppy love lamang. Never been kissed and never been touched din siya. Malakas ang personality kung kaya wala rin basta basta makapanligaw sa kaniya.

Tunay na kaakit-akit at tila walang lalaki ang hindi mahuhumaling sa kaniya. Ang kaniyang pagkasimple at pagkakaroon ng maamong mukha ang lalong nagpapabighani sa kaniya bilang isang babae. Ngunit ngayon,mas malawak na ang kaniyang isip at mas malakas at matapang na babae kumpara noong siya ay bata pa lamang.
Sa kabilang banda, sa tahanan nila Gio.
Umaga pa lang ay boses na ng ate Kaye niya ang naririnig niya.
"Gio!! Buksan mo 'tong pintuan! Malelate ka na sa first day mo!"hiyaw ng kaniyang ate habang patuloy na kinakatok ang pintuan ng kwarto ni Gio. Ngunit dahil tila walang naririnig si Gio, kumuha na ng duplicate key ang kaniyang ate at pwersahan ng binuksan ang pinto.
"Susko naman Gio! Ang kalat ng kwarto mo! Nagpapasok ka na naman ba ng barkada mo dito sa loob ng kwarto? Nawala lang ako ng ilang araw, para ng gubat 'tong bahay ni tita! Bumangon ka na nga diyan at late na late ka na!"panenermon ni Kaye kay Gio habang pinupulot ang mga lata ng alak sa sahig ng kwarto ni Gio.
23-year old na si Gio at masasabing hindi lang edad ang nagbago rito, ang pag-uugali, pananamit at buong personalidad nito ay tunay na nagbago. Kung dati-rati ay paglalarawan siya ng isang malambing na bata,ngayon ay hindi na makilala ng kaniyang ate. Naging pasaway at basag-ulo. Puro barkada at alak. Tila wala ng patutunguhan ang buhay. Ito ang naging resulta ng mga pangyayaring naganap sa kanilang buhay noong nakaraan. Mula rin noon hindi na sila pinuntahan o kinamusta man lang ng kanilang ina.

Batbat ng tattoo sa katawan at piercing sa tenga maging sa ilong. Habang wala rin ang kaniyang ate sa kanilang bahay, ay kung sino-sino na ring babae ang inuuwi niya at itinatabi sa kaniyang kama.
"Ano ba Gio! Tatawag din si tita ngayon! Gusto ka niya makausap at makita bago ka pumasok!" Pangungulit ni Kaye sa kapatid habang niyuyugyog ang lantutay na katawan nito.
Nagbalik sa America ang tita nila para sa trabaho nito kaya't si Gio at Kaye na lang ang naiwan sa bahay. Si Kaye naman ay nagtatrabaho din bilang isang empleyado sa isang Publishing Company, na tila siya ang nakamana ng naiwang trabaho ng kaniyang mga magulang.
"Ang ingay mo ate! Akala ko ba nextweek ka pa?"tinatamad na tanong ni Gio sa kapatid habang hinihimas himas ang sintido na pawang dulot ng hangover.
"Hay nako, kung ano-ano siguro inaatupag mo kaya maging chats at messages ko hindi mo iniintindi! Di'ba sabi ko sa'yo, uuwi ako sa first day of school mo! Hindi ko to pwede ma-missed, mahalaga 'to saken lalo na sayo!"seryosong paliwanag ni Kaye sa kapatid.
Kalauna'y bumangon na rin si Gio at naligo. Bago linisin ni Kaye ang mga kalat sa kwarto ni Gio, inuna muna niyang ipagluto ito ng agahan.
Napakabuting ate at kapatid ni Kaye. Siya na ang nagsilbing mama at papa para kay Gio bukod sa kaniyang tita. Para kay Kaye, gusto niyang punuan ang lahat ng puwang at pagkukulang ng kanilang mga magulang sa puso at buhay nilang magkapatid lalo kay Gio, dahil wala na sila iba aasahan kundi silang dalawa na lamang. Kung kaya tanging kay Kaye lang at sa tita niya takot at umaamo si Gio.
Samantala, kina Noah.
Maaga pa lang ay handa na ang almusal ni Noah. Tila mula pagkabata hanggang sa paglaki nito, ay dala-dala pa rin niya ang pagiging responsable at respetadong tao. Kumpleto silang nagsasalu-salo sa hapag-kainan. Maaga pa lang ay ayos na si Noah.

Half-pinoy at half-japanese si Noah. 23-year old na rin at halos kasintaas lang ni Gio. Maamo ang mukha at sadyang kagalang-galang tignan. Halatang pinalaki ng maayos ng magulang at busog sa alaga at aruga ng pamilya. Tila wala ng hahanapin pa kay Noah dahil sa likas niyang perpekto para sa ibang kababaihan.
Psychology ang kinuha nilang kurso. Magkakaparehas at tila pinapaliit na ng tadhana ang kani-kanilang mga mundo.
Pasado ng alas-nwebe ng umaga at ito rin ang oras ng first class nila. Unang nakarating si Noah sumunod naman si Gio. At dahil dumaan pa si Lara sa kaniyang pinagtatrabahuhan, ay siya ang nahuli sa klase.
Pagpasok ni Lara sa classroom, ay sakto si Noah ang nagpapakilala sa harap ng klase.
Napatigil si Noah at binigyang daan muna ang pagpasok ni Lara.
"Are you Miss Lara? Lara Gomez?"seryosong tanong ng kanilang first class professor.
"Ahm, y-yes Ma'am! I'm sorry po kung late ako!" Kinakabahang sambit ni Lara sa kanilang professor.
"It's okay. . .for now! Number 1 rule in my class, DO NOT BE LATE!Understand class!?" Striktang sagot ng guro. "Now Mr.De Guzman , you may continue now!"dagdag ni Mrs. Morales.
"Okay! Ahm dahil may nadagdag po sa atin, uulitin ko po ulit hanggang una. So, I am Noah De Guzman. Half-Pinoy and half-japanese.I am 23 and hoping someday to be the part in the field of mental health career. I came from a respected family pero hindi kami ganong kayaman. But I have a parents na masasabi kong treasure and one of a kind. I want to promote mental awareness dahil kahit ganon rin kasaya yung buhay ko with my family I still have my own issue in my self. That is why I took up this course. Anyway, ahm mahiyain talaga ako and achievement na sa akin ang makapagsalita ng ganito kahaba sa harap ng maraming tao.Thank you!"pagpapakilala ni Noah sa kaniyang sarili.
Matapos niya ay naupo na ito sa kaniyang kinauupuan. Pangalawa sa huli sa may tabing bintana.
Halata sa mga kaklase nila lalo na sa mga kababaihan ang kilig na nararamdaman nila kay Noah.
Dalawa na lamang ang hindi nakakapagpakilala, at iyon ay sina Gio at Lara.
Unang tinawag si Gio. Pagpunta pa lang niya sa unahan ay napuna na agad siya ng kanilang professor.
"Mr. Mendez, alam kong gwapo ka, pero, hindi naman siguro makakabawas sa kagwapuhan mo kung tatanggalin mo ang sandamakmak na hikaw diyan sa tainga mo, okay lang ba Mr. MENDEZ?!"sambit ni Mrs.Morales na may halong diin."And by the way class, Number 2 rule in my class, NO BOYS ARE ALLOWED TO WEAR EARRINGS OR ANY PIERCINGS NOT ONLY IN MY CLASS BUT ALSO TO OTHER SUBJECTS! Clear?"pagpapa-alala muli ni Mrs.Morales sa klase. "You may now proceed Mr.Mendez!"sambit ng guro.
"Hi! I am Gio. . . and. . . nothing is interesting about me! Thank you!" Seryosong sambit ni Gio at agad ng bumalik sa kaniyang kinauupuan sa likod ni Noah sa may tabing bintana. Gaya ng reaksyon kay Noah, sobrang kinakikiligan rin ng kanilang mga kaklase si Gio.
Matapos nila ay turn na ni Lara.
Pagkatayo sa unahan, agad siyang ngumiti sa lahat at tila ito ang paraan niya upang makuha ang loob ng mga kaklase. Ngiting nakakaakit at nakakabighani.

Lahat nakatingin sa kaniya at sadyang napapag-usapan ng palihim dahil sa taglay nitong ganda.
"Hello! I am Lara! Ahm hindi ko na pahahabain to, I just wanna say, I may not be Noah who has a perfect and complete family but I have more interesting life which Gio does not have. Thank you!"pagpapakilala ni Lara sa sarili ng buong lakas ng loob ginamit ang mga katagang binanggit nina Noah at Gio.
At doon , sa araw pa lang ng klase, may kung anong kuryente na ang nagdiklap sa kanilang tatlo.
Ang koneksyon ay hindi mawari at tila mas gusto pang kilalanin ang bawat isa ng mas malalim.