After ng first subject nila, maghihintay na muli sila ng susunod na kanilang magiging professor.
Si King, gay classmate nila,ang nagpunta sa harapan upang aliwin ang kaniyang mga kaklase. Masayahin siya at talagang bully kaya't walang makakalampas sa kaniya.

"Okay! Class! Number 3 rule , bawal ang professor dito! Char!" Pabiro ni King habang nakaupo sa ibabaw ng lamesa ng kanilang prof. Kasabay ng malakas na tawanan ng kaniyang nga kaklase.
Tila bentang-benta sa mga kaklase niya ang kaniyang bawat biro. At ito ang gustung-gusto ni Lara, ang magkaroon ng kaklase at kaibigang bakla.
"Alam niyo guys, napakaswerte ko dahil eto yung tinake kong course"sambit ni King na animo'y isang maamong tupa.
"Bakit naman?" Tanong ng isang kaklase.
"Aba! Sino ba namang hindi seswertehin, eh ang gagwapo ng mga kaklase ko!" Kinikilig na sabi ni King habang nakatingin kina Gio at Noah.
Patay malisya lang naman ang dalawa kahit ramdam nila na sila ang pinapatamaan ni King.
Aba! Sino ba naman nga hindi matutuwa kung malalaman nila sa loob na apat na taon, ay may makakasama kang napakaga-gwapong binata na hindi lang section nila ang nakakapansin,maging ang ibang kurso rin ay nabihihagni sa dalawa.
Samantala, natuon naman ang pansin ng makulit na si King kay Lara.
"Kaso, hindi talaga mawawala ang mga ahas at panira!" Pabirong sabi ni King habang inirapan ng bahagya si Lara sabay tawa."Huy girl,joke lang ha! Ang ganda mo kasi kainis! Natabunan tuloy ang beauty ko!" Pabirong pahabol nito sa dalaga.
Tanging ngiti lang ang naisagot ni Lara na tila tuwang-tuwa sa mga pinagsasabi sa harapan ni King.
Kapansin-pansin naman ang pasimpleng tingin ni Noah kay Lara dahil magkatabi lang sila nito.
Samantala, nabaling naman ang atensyon ni King sa kanilang kaklaseng medyo chubby. Kaya lalong nagpasikat at umiral ang pagkabully nito.
"Ahm,ikaw ate girl,yung nasa huli,ilang kilo ka?" Pabirong tanong ni King na naging dahilan ng hagalpakan ng mga kaklase.
"Sorry hindi ako nakapagtimbang nasira kasi ang timbangan! Happy?happy?" Tila pabirong balik ni Fatima kay King.
Si Fatima malakas din ang personality, kalog at maingay na unang makakasundo ni King.

Sawa na kasi siyang mastress ng mastress sa mga nambubully sa kaniya kung kaya't sinasakyan na lamang niya ang mga nambubully sa kaniya.
Sa kabilang banda, palakpak ng inam si King sa harapan na pawang gustung-gusto ang sagot ni Fatima.
"Ay girl pasabog ka! Gusto ko ang ganang attitude! Palavarn!" Sagot ni King.
Ilang saglit pa'y iniba na ni King ang usapan. Saktong umuwi sa probinsiya ang kaniyang pamilya upang dalawin ang ilang kamag-anak doon. Kaya sasamantalahin niya ang pagkakataon.
"Nga pala guys,sa pagkakaalam ko, hanggang 11:00 am lang tayo ngayon, so I am planning na nomo tayo later sa bahay! Ano? Gora? Don't worry guys,walang katao-tao don, and may 3 kwarto din pede nyo gamitin kahit saan niyo gusto!" Yaya ni King sa mga kaklase at tila pabirong tinutukso ang ilan sa mga ito.
"Go kami!" Sambit ng ibang mga kaklase.
"Ikaw, Noah and Gio? Tara! Getting to know each other lang!" Pilyong yaya ni King sa dalawa.
"I can't" deretsong tugon ni Gio.
Hagya naman nalungkot si King. Dahil sa totoo, sila Gio talaga ang gusto niya iinvite pero dahil madami na nagsamahan, tuloy na ang inuman sa kanilang bahay.
"Sasama ako!" Nakangiting tugon ni Noah.
At biglang lumiwanag ang mukha ni King sa sagot ni Noah. Dahil akala niya puro babae lang ang makakasama niya.
"Ikaw Lara! Join ka na girl,madaming lalaki!" Pahapyaw na biro ni King kay Lara.
"Ahm, susubukan ko ha! May trabaho kasi ako sa hapon eh! Pero pwede naman ako magpaalam! Basta susubukan ko!" Sagot ni Lara.
"Ay gusto rin ni ate girl! Char! Paalam ka na ngayon,gusto kong kasama ka, para dalawa tayong maganda don!" Sambit ni King kay Lara.
Ilang oras rin sila nakapagkwentuhan at biruan sa loob ng klase, wala na kasing sumunod na professor ang pumunta. Kaya't pagsapit ng 11:00 ay nagdecide na sila umalis patungo sa bahay nila King.
Nakatira si King sa isang subdivision kung kaya't safe din sila don at hindi rin naman kalayuan.
Kaniya-kaniya ng pulbuhan at ayusan just like a usual freshmen college student.
Samantala, umuna na si Lara umalis upang magtungo naman sa kaniyang pinagtatrabahuhan sa isang milk tea shop.
Sakto may isa pa siyang kasama doon kaya nakapagpaalam siya na hindi muna siya duduty ng buong araw.
Sa kabilang banda,kina King na bahay, nag-ayos na sila ng mga pinamili sa isang convenient store. Mga alak, sitsirya na pampulutan, lemon for chaser dahil sakto may vodka na natitira sa kanila at ilang candies at sigarilyo.
Halatang susulitin nila ang kanilang first day at makipagsocialize sa mga kaklase.
Hindi na rin ito bago kay Noah. Nagkaroon siya ng kasintahan noon na half-pinay at half-japanese din. Mas matanda sa kaniya kaya mas mature ang pag-iisip. Ngunit nagkawalaan sila sa di malaman na dahilan na tanging si Noah lang ang nakakaalam. Sanay rin siyang uminom kasama ang mga kaibigan ng dati niyang kasintahan kasama ang pamilya kaya hindi na bago sa kaniya ang ganitong klaseng pagtitipon.
Samantala, umalis na rin si Gio at deretsong umuwi ng bahay. Wala doon ang ate niya,marahil ay nagpacancell off at pumasok pa rin sa trabaho. Nagiging workaholic na rin ang ate niya gaya ng tita niya na naging dahilan ng pagiging single pa rin nito hanggang ngayon.
Pinilit naman makahabol ni Lara at nakarating na ng alas-3 ng hapon.
Tila nagliwanag ang mukha ni Noah ng makita si Lara.
At doon nagsimula na silang kilalanin pa ng mas mabuti ang bawat isa.
Alas-7 na ng gabi andon pa rin sila. Ang iba ay nakatulog na sa kalasingan at ang iba naman ay matatag pa ring umiinom na animo'y wala ng bukas.
Nakailang case na rin sila ng beer ngunit ang iba ay gusto pa magpabili.
Hanggang sa isang busina ng sasakyan ang nagpatigil sa kanilang inuman...
Lumabas si King upang tignan kung sino at kaninong sasakyan ang bumubusina sa harap ng kanilang bahay.
Laking gulat niya nga. . .