Kabanata 6 : Double Truth or Double Dare

1065 Words
Sa kalagitnaan ng kasiyahan at ng inuman,isang busina ng sasakyan ang bahagyang nagpahinto sa kanila. Tumayo si King sa kinauupuan at tinungo ang pintuan. Kasabay nito ang malakas na patak ng ulan. Tila nagliwanag ang mukha ni King nang makita na sasakyan ni Gio ang nasa labas. Dahil sa wala rin naman gagawin si Gio sa kanila, napagdesisyunan na lang niya na pumunta kina King at paunlakan ang imbitasyon nito kahit na gabi na. Sa kabilang banda, todo asikaso si King kay Gio dahil halata naman noong umaga pa lang sa klase ay gustung-gusto niya si Gio. Agad namang umupo si Gio sa isang maliit na bakanteng sopa sa tabi ni Lara. Wala pang kuryente o spark ika nga. Magkaklase lamang at yun lang ang relasyon ng dalawa. Sila ang mga kabataan na nasa estado pa ng "Friend is life" at "Alak is life". Hindi mahigpit ang mommy ni Lara sa kaniya dahil halos si Lara naman ang gumagastos ng lahat ng expenses nila sa bahay kung kaya't kahit malate ng uwi si Lara ay ayos lamang sa kaniyang Mommy. Same as kay Gio, lagi rin wala ang ate niya sa bahay kaya pagkakataon na rin sa kaniya eto na magwalwal kasama ang mga bagong kaibigan. Dahil bagong dating, tinukso ni King si Gio na bawiin lahat yung mga ininom nila habang wala ito kanina. Hindi naman ito alintana kay Gio, dahil sanay na sanay na ito sa alak. Kalat ang mga balat ng tsitsirya, bote ng alak at mga upos ng sigarilyo sa bahay nila King. Tila wala ng bukas pa na dadatnan at mga sabik na makipagget-together sa isa't-isa. Ilang saglit pa'y,nakaisip si King ng isang laro. Wala na rin gaano mapagusapan kaya pinairal na ni King ang kaniyang pagkatuso. Actually, gawa-gawaan lang niya talaga ang larong ito na tinawag niyang, "Double TRUTH or Double DARE". Ang mechanics ng laro ay ang gaya lang ng usual na Truth or Dare pero nilagyan niya ito ng twist. Dalwang beses paiikutin ang bote. Kung sino ang dalawa na matatapatan, sila ang dalawa na magdedecide kung Double Truth or Double Dare. Kumbaga as partner sila na kikilos. Kapag pinili nila ang Double Truth, kailangan silang dalawa ang magtanungan sa isa't -isa , kung ano ang gusto nila itanong is choice nila pero 1 question per 1 player lang. But the question must be a daring one. Kasi nga hindi na uso sa kanila ang pabebe dahil halos lahat naman sila ay open-minded na, kailangan nila mag-out sa kanilang comfort zone. Then,on the other hand, kapag naman Double Dare ang pinili ng dalawang player, same mechanics rin, pero ang magiisip ng magiging Dare nila ay si King who is siya ang nagpasimuno ng laro. Halos lahat ay game na game. Exciting pero may halong kaba dahil hindi nila alam kung kanino mapapatapat pa ang bote. Halata sa hitsura ni Noah ang kaba, ngunit si Gio ay chill lamang sa kinauupuan niya habang hinihithit ang kaniyang sigarilyo. At inumpisahan na nila ang laro. Unang bote ay napatapat kay Noah. Ang lahat ay excited at kinakabahan sa next spin. Di magkamayaw ang ibang babae at pinagdadasal na sana sa kanila mapatapat ang pangalawang ikot ng bote. Then finally, Noah's 2nd player revealed. Kay Fatima napatapat ang bote. "Okay, Fatima, what do you want? Double Truth or Double Dare?" Maginoong tanong ni Noah kay Fatima. "It is all up to you! Kung ano pipiliin mo, doon na lang din ako!"dugtong nito habang hinahayaan magdecide si Fatima. "Ahm okay! I will choose. . . Double Truth!" Matapang at confident na sagot ni Fatima. Lalong naging exciting ang laro ng simulan ng dalawang player sa Double Truth. Tila nagiisip pa ang dalawa kung ano ang itatanong sa isa't-isa. Ngunit dahil likas na gentleman si Noah, hindi niya gaano tinanong si Fatima na ikabababa ng p********e nito kahit pa mechanics ng laro ay most daring question. "Okay! Ako na mauna!"panimula ni Fatima. "Okay, Noah, eto direct to the point na ha, ahm , ilan na ang nakasex mong babae o lalaki sa buong buhay mo?" Pilyang tanong ni Fatima kay Noah. "One. Only One Girl!" Nakangiti at honest na sagot ni Noah. Lahat ay nagulat, dahil sa gwapo ni Noah, hindi nila akalain na nageexist pa pala ang isang gwapong binata na iisa pa lang ang nakakasex dito sa mundo kung saan punung-puno ng mga hokage. Samantala, turn na ni Noah. "Okay, Fatima, ahm, just choose one, kiss or hug?"tanong ni Noah kay Fatima. "Wow ang safe ko naman! Thank God kay Noah ako napatapat! Char" pabirong sambit ni Fatima. " Okay, ahm siguro,I will choose. . . Hug! Kasi huggable ako!" Nakangiting sagot ni Fatima at di maiwasan na lokohin na naman at bully-hin ni King. Matapos nila Noah at Fatima, pinaikot na muli ni King ang bote. First spin, napatapat kay Lara. Biglang kinabahan si Lara dahil sa totoo lang,kahit nagkaroon na siya ng karelasyon before, never been kissed and never been touched pa rin siya. Yes,in short, VIRGIN pa rin si Lara. Nakikipagrelasyon siya, pero natatakot siya ibigay yung p********e niya, natatakot siyang mapagaya sa mama niya na sinasaktan lang ng papa niya matapos anakan. Pero dala ng kalasingan, go with the flow na si Lara. Ika nga, ang purpose ng larong ito ay magcome-out sila sa kani-kanilang mga shells. Samantala, pinaikot na ni King ang bote. And the second player na makakapartner ni Lara ay walang iba kundi si Gio. Chill lang si Gio. Tila alam na alam na ang mga ganitong galawan. Hindi na bago sa kaniya. Kahit ilang babae pa ang ikama no issue sa kaniya. Malayong malayo sa dati niyang personalidad noong bata pa siya. Kasabay ng pagkawala ng respeto niya sa kaniyang ina ang ginagawa niya ngayon sa mga babaeng makakasama niya. Kumbaga para kay Gio, pare-parehas na lang na manloloko ang mga babae ngayon. Sa kabilang banda, hindi na hinintay pa ni Gio na magsalita si Lara. "I want Double Dare!" Mabilis na sambit ni Gio. Agad naman napatingin sa kaniya si Lara. Isang matapang na titig na tila walang uurungan. Matalim na titig na pilit hinuhulaan ang nasa isip ni Gio. Dahil medyo lasing na rin si Lara, wala na rin siya pakeelam sa nangyayari. "Okay! I'll go with Double Dare!"matapang na sambit ni Lara. At tila nagkatitigan ang dalawa habang iniinom ni Gio ang huling tulo ng alak sa hawak niyang bote.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD