Kabanata 7 : Let me taste your lemon!

992 Words
Walang pagaalinlangan na tinanggap ni Lara ang hamon ni Gio. Although,deep inside ay kinakabahan siya, pero hindi na niya iniisip yon para hindi na rin isipin ng iba pa nilang kaklase na KJ siya at hindi marunong makisabay. Lalo namang nahumaling ang mga babae maging si King kay Gio dahil sa taglay na pagka-cool nito na sinabayan pa ng music na "Young, Dumb and Broke". Dahil katabi lamang si Lara sa kinauupuan niya, bahagya siya tumitig rito at sabay sabing, "Ready ka ba talaga? Mukhang kabado ka eh!"sabay inabutan ng beer na agad namang tinagay ni Lara. "Okay! King, I'm ready! Ano ba yung dare mo?" Matapang na tanong ni Lara habang namumula-mula pa dahil sa inistraight na alak. "Okay,dahil pareho na naman kayong atat, char! Eto ang ipapagawa ko sa inyo. Lara, you will be a human chaser! It means,itong kabiyak na lemon ay isusubo mo at ilalagay sa bibig mo. Dapat kalahati lang ung nakalabas and ikaw Gio, kailangan magshot ka ng vodka 5 times! So it means ulit, 5 times magpapabalik-balik si Gio sa labi ni Lara upang sip-sipin ang lemon na nasa bibig ni Lara! And take note,it is all up to Gio if madadali niya ang labi ni Lara or not. Diskarte na nila yun!" Ano? Push ba?" Paliwanag ni King habang nakatingin sa dalawang players. "Tanong muna natin kay Lara kung okay lang sa kaniya!" Sambit naman ni Noah. "Ahm, Lara,is it okay to you?" Seryosong tanong ni Noah kay Lara na tila may kakaibang spark sa mata nito para sa dalaga. "Yes, oo naman! Okay lang sa'ken!" Matapang naman na sagot ng dalaga. At nagsimula na sila. Kinuha ni Lara ang kalahating lemon sa may lamesa at dahan-dahang inilagay sa kaniyang bibig habang nakatingin kay Gio. Hindi na iniisip ni Lara kung tama ba na tinanggap niya ang dare o hindi, ang mahalaga unti-unti niya na-oout ang sarili niya na hindi niya nagagawa dati na bahay-trabaho lang ang ginagawa niya. Habang nag-umpisa na ang iba nilang mga kaklase na sumigaw ng "Drink me! Drink me! Drink me!" Nagsimula na rin si Gio na uminom ng Vodka. Matapos tagayin ang isang baso ng vodka, hagyang isinandal ni Gio si Lara sa sopa. Nagulat ang lahat at may pasandal effect si Gio. Dahan-dahan niya inilalapit ang bibig niya sa kinaroroonan ng lemon. Habang magkalapit ang kanilang mga mukha, sandaling hinawakan ni Gio ang ulo ni Lara upang mas maayos ang pagsip-sip niya sa lemon. Pangalawang tagay, nasa ganoong pwesto pa rin si Lara. Lumapit muli sa kaniya si Gio,but this time, nakahawak na siya sa bewang ni Lara. Hagya naman napatingin si Noah, na pawang hindi kumbinsido sa naging dare ng dalawa. Nagseselos ba siya? Anyway matapos ang pangatlo at pang-apat na tagay, finally,last glass of vodka na ang iinumin ni Gio at finally makakahinga na rin ng maayos si Lara dahil walang nakakaalam na ito ay first time ni Lara. Wala pa siyang nakakaharap na lalaki na ganoong kalapit sa kaniya. Final shot. Mas naging naughty si Gio. Habang nakahawak sa likod ni Lara ang kaliwa niyang kamay, ipinatong naman ang kaniyang kanan sa mga hita ng dalaga. Unti-unti niya sinisip-sip ang lemon habang matalim na nakatingin sa dalaga na animo'y inaakit ito. Ramdam na ramdam ni Gio ang kaba sa dibdib ni Lara. Kahit maingay sa paligid dahil sa sounds at sa hiyawan ng mga kaklase, rinig na rinig ni Gio ang t***k ng puso ni Lara. Samantala, hindi pa nakuntento si Gio, unti-unti na niya inilapit ang kaniyang mga labi sa mga labi ng dalaga. Gusto pumalag ni Lara,pero ayaw ng katawan niya. Gusto niya itulak palayo si Gio, pero ayaw ng mga kamay niya. Hinayaan na lang niya na manakawan siya ng halik ng binata. And yes, it was her first. Her first kiss is Gio. Sobrang halaga ng first kiss niya pero maging siya ay nagtataka sa sarili niya kung bakit binigay niya ito kay Gio na babago pa lang niya nakikilala. Sa kabilang banda, "Okay na siguro yan! Medyo lumalakas na rin ang ulan guys! And maaga pa klase natin bukas kaya siguro ahm magpahinga na rin tayo at umuwi!" Sambit ni Noah sa mga kaklase, paraan niya upang matigil ang ginagawa nila Gio at Lara. "Ano ba naman yan! Iniintay ko pa mapatapat sa ating dalawa ang bote eh!" Pabirong sambit ni King kay Noah. Pero kalauna'y nagdecide na rin sila na itigil ang inuman dahil lumalalim na rin ang gabi. Ang ibang mga kaklase ay kina King na natulog pero ang iba gaya nila Noah, Gio at Lara ay pinili na rin na umuwi. Patay-malisya ang dalawa sa nangyari kanina. Ika nga go with the flow na lamang para kay Lara pero sa mga tingin kanina ni Gio kay Lara ay pawang humihingi pa ng part 2,na sila na lamang dalawa. Ngunit bago umalis ay tinulungan muna nila si King na magligpit ng pinag-inuman dahil sa sobrang kalat ng bahay. Ilang saglit pa'y tumawag na ang parents ni Noah upang tanungin kung nasaan ito at ano'ng oras uuwi. Yes until now, baby boy pa rin ang turing nila kay Noah lalong- lalo na ang kaniyang mama. Ngunit hindi ito ikinakahiya ni Noah,bagkus sobrang proud ito na may nag-aalalang magulang sa kaniya. Napansin naman ito ni Lara, at bahagyang ngumiti kay Noah habang kausap ang ina sa telepono. Matapos makapagligpit ay nagpaalam na ang ibang magkaklase kay King. Dahil de kotse si Gio at Noah,sila na ang nagdecide na ihatid ang ibang kaklase s kani-kanilang mga bahay. Huli nilang tinanong si Lara. Actually, si Noah lang talaga ang nagtanong. Si Gio ay naghihintay na lamang sa loob ng kaniyang sasakyan kung sino ang mga sasakay at makikisabay sa kaniya habang nagsisindi ng sigarilyo. May ilan na sumakay sa sasakyan ni Noah dahil ang ilan sa kanila,ang tirahan ay sa way ni Noah. Dahil si Lara na lang ang natitira, napagdesisyunan na lang niya makisakay at makisabay kay. . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD