Dahil sa lumalakas na ang ulan, kailangan na nila magmadali umuwi, kaya't pinili na lang ni Lara sumabay kay Noah.
Dahil parehas rin ng way yung bahay nila sa dadaanan ni Noah kung kaya kay dito na lamang siya sumabay.
Matapos non ay nagpaalam na sila ng tuluyan kay King at tuluyan ng umalis.
Huling inihatid ni Noah si Lara. Habang nasa biyahe, naglakas-loob si Noah na tanungin si Lara.
"Ahm, okay ka lang ba?" Tanong nito habang nakatingin sa daan at tila inaaninaw ang daan.
"Saan? Yung kanina ba? Yung sa Dare?" Ulit na tanong ni Lara kay Noah.
"Ahm h-hindi! I-i mean, ang lakas mo palang uminom! Okay ka lang ba? Hindi ka ba mapapagalitan sa inyo?" ulit na tanong ni Noah at agad nilihis ang tanong sa dalaga pero ang totoo,yun talagang dare ang tinutukoy niya.
"Ah yun ba?" Hagyang napangiti si Lara. "Oo eh! Kakambal ko na yata ang alak! Bakit nakakaturn-off ba?" Pabirong tanong ni Lara kay Noah.
"Ha? Ahm hindi naman okay lang!" Pagkukunwari nito sa dalaga. "Pero medyo late na kasi tapos nakainom ka, baka mapagalitan ka ng parents mo!" Dugtong nito.
Agad naman napatawa ng malakas si Lara. "Alam mo nakakatuwa ka! Napakagood boy mo! Actually kanina pa lang nung nagpapakilala ka sa harapan, ramdam ko kung gaano ka kabuting anak sa mga magulang mo at kung gaano kasaya yung pamilya nyo!" Ani Lara. "Nakakainggit nga eh, sana all tinatawagan ng parents at tinatanong kung bakit hindi pa nauwi!" Dugtong ni Lara.
"Hala narinig mo pala?" Sagot ni Noah.
"Oo naman! Napangiti nga ako eh! At napasabi sa sarili ko, na sana all may magulang na nag-aalala! Samin kasi, kahit super late na ako umuwi ayos lang kay mommy basta may dala akong pera!" Kwento ni kay Noah. "Basta,ayoko na ikwento! In short,masalimuot ang buhay ko! Kaya be thankful always ha! Napakablessed mo na nagkaroon ka ng ganang mga magulang!" Payo ni Lara kay Noah habang nakatingin sa binata.
Hindi na rin naman nagusisa pa si Noah at nirespeto na lang ang privacy nito.
Kalauna'y nakauwi na rin si Lara. Agad ng pumasok sa kanilang bahay at nagderetso na agad sa kaniyang kwarto, kahit kumakalam ang sikmura na niya sa gutom, hindi na siya nag-atubili pa na tumuloy sa kusina dahil alam niyang wala na namang nakahain na pagkain sa mesa.
Habang paakyat siya sa kaniyang kwarto, napadaan siya sa kwarto ng kaniyang mommy. Nauulinigan niya muli ang kaniyang daddy. Nakipagbalikan na naman pala ang mommy niya. Walang kadala-dala kahit harap-harapan na siyang niloloko ng asawa at ginagawang punching bag. Hindi na inistorbo ni Lara ang dalawa bagkus dumeretso na sa kaniyang kwarto. Kinuha ang headset at pinili ang music folder niya ng Paramore at agad ng humiga sa kama. Ayaw niya kasing marinig ang ingay ng mga magulang dahil nilalamon lang siya ng inis at galit. Hagya naman sumagi sa isip niya ang nangyari kanina sa inuman.
Lara's POV
Ako ba talaga yun? Nagpahalik ako sa lalaking yon? Akala ko ba sa aking future husband ko lang ibibigay yun?Bakit pinagkatiwala ko sa kaniya? Sino ka ba Gio Mendez? Ano'ng meron sa'yo? Bakit iniisip kita ngayon? Yung titig mo, ang nagpatibok sa puso ko ng ganong kabilis! Bakit parang, hinahanap ko na ang amoy mo! Ang mga titig na yon, parang gusto ko magpa-under sa ilalim ng mahika mo! Ano'ng meron sayo Gio? Hindi naman kita gusto, pero parang kinuryente mo ako kanina!
Hindi na namalayan ni Lara na nakatulog na siya habang patuloy pa rin ang music at nakasalpak ang headset sa tainga niya.
Kinaumagahan, second day ng klase and as usual, si Lara na naman ang late.
Pasalamat na lang siya at saktong dating lang din ng professor nila.
Naupo na si Lara sa kaniyang upuan sa tabi ni Noah. Tila nagkakaroon na ng excitement ang pagiging buhay-estudyante nila.
"Goodmorning!" Pabulong na bati ni Noah kay Lara.
"Goodmorning!" Sagot naman ni Lara at sabay ngumiti sa binata.
"Hang-over?" Nakangiting dugtong ni Noah.
"Oo eh! Ang sakit pa nga ng ulo ko!" Pabiro namang sambit ng dalaga.
At kalauna'y nagsimula na ang klase. Habang nasa likod at nakaupo si Gio,nakatitig siya sa kay Lara. Tila nakakalokong tingin na kahit na sino ay maaring mabihag ng spell na meron ito.
"Okay! We will do now our first activity, and group yourselves into five! Please form a circle!"utos ng kanilang professor.
And dahil medyo nagiging close na sila, si King na ang humila kina Fatima, Lara, Gio at Noah.
Naupo si Gio sa tabi ni Lara. Habang inaaral ng iba ang binigay na topic ng kanilang professor,pasimple naman iniakbay ni Gio ang kaniyang kamay sa kinauupuan ni Lara. Pansin na pansin ito ni Noah, dahil maging siya ay hindi maalis ang tingin kay Lara.
Pahapyaw na nagdidikit ang mga braso ni Lara at Gio. Tila may kuryente na naman na dumampi s balat ni Lara. Kuryente na hindi niya ikamamatay, bagkus , lalo pa niyang ikinabuhuhay.
Matapos ang unang klase ay tumunog ang telepono ni Lara. Tumawag ang bunso niyang kapatid at agad pinapauwi ang kaniyang ate. Sinaktan na naman ng daddy niya ang mommy niya at lasing na lasing ito. Agad naman nagpaalam si Lara sa mga kaklase at agad ng umalis.
Dali-dali siyang umuwi at ng makarating sa kanilang bahay, wala na doon ang daddy niya.
"Ma! Ano na naman ba 'to?" Sigaw ni Lara sa kaniyang ina habang naaawang nakatingin sa katawan nito na bat-bat ng pasa. "Kelan ka ba matatauhan Ma? Hindi na magbabago yun!! Okay lang naman samin na walang ama kaysa naman ganan! Ma naman! Pakawalan mo na ang asawa mo! Ni hindi ko na nga masikmura na tawagin siyang Daddy eh! Wala siyang kwenta! Please naman Ma! Kahit hindi na para saken! Kahit para sa kapatid ko na lang! Maawa ka naman sa sarili mo!" Umiiyak na sambit ni Lara sa ina.
Ganoon na nga siguro katanga ang kaniyang ina sa pag-ibig. Kahit ilang beses siya saktan ng asawa niya, pinipili pa rin niyang tanggapin ng tanggapin ito at bigyan pa ng marami pang pagkakataon. Ayaw niya kasi masira ang pamilya nila na kung tutuusin ay matagal na talagang sira.
"Wala 'to nak! Ako naman kasi may kasalanan! Hindi agad ako nakapagluto at napaaga din napa-shot ang papa mo diyan kina pareng Ariel! Kaya wag ka na magalit sa papa mo okay! Ayos lang ako!" Mahinahong pagpapaliwanag ng ina sa anak.
"Kailan kaya? Kailan kaya darating yung panahon,na kami naman ng kapatid ko ang ipaprioritize mo?" Mariin at mahinang sambit ni Lara sa ina sabay tulo ng luha.
Umalis na muli si Lara upang takasan na muli ang kaniyang muhi at galit sa mga magulang.
Habang naglalakad siya sa daan , isang sasakyan ang bumusina sa kaniya.