KABANATA 6 -- Dhana Nagising ako sa tama nang sikat nang araw sa mukha ko, nang imulat ko ang mata ko ay bumungad sakin ang hindi pamilyar na silid agad akong napaupo dahil bigla akong kinabahan, pero nawala din yun nang naalala ko na nasa beach house pala ako ni mike. Nag-inat ako at pinag masdan ang paligid ko maganda, malinis at malaki ang kwarto kung nasaan ako. Nililipad ng hangin ang kurtina sa bintana. Napakasarap sa pakiramdam, napatawa ako ang makita na iba na ang suot ko. Malaking damit nahula ko ay kay mike at ramdam na ramdam ko na wala along ibang suot na pang ilalim. "Ang matandang yun, minanyak na naman siguro ako" naiiling na bulong ko sa sarili ko. "Pero na saan kaya yun?" Napakunot ang noo ko ng malala ko na wala ito. Tumayo ako at pumasok sa isang pintuan doo

