KABANATA 5 -- Mike Napamura ako ng sunod-sunod matapos umalis ni Dhana. Habang si Helena ay mahigpit parin na nakayakap na pilit ko naman inaalis. "Please Mike bumalik kana sakin, sorry kong umalis ako. Promise hindi na kita iiwan" umiiyak siya habang sinasabi yun. Wala akong ibang maramdaman ngayon kung hindi ang takot na baka makipag hiwalay sa'ken si Dhana. Hindi ko pinansin ang umiiyak na si Helena, kinuha ko ang phone ko na nasa bulsa ko at agad na dinayal ang no. Ni dhana pero nakailan na dial na ako ay hindi parin niya sinasagot. "Saan ka pupunta mike? Susundan mo ang babaeng yun?" Galit na tanong ni Helena. Napapikit ako dahil naalala ko isa pang problema ito. Napahimas ako sa batok ko dahil parang sumakit yun. "Ilabas nyo na ang babaeng yan!" Utos ko sa dalawang guar

