Joey's POV Tahimik lang sila pagkatapos kong magsalita lalo na si Sky. Yan na tawag ko sa kanya para hindi na sila mag-inarte. Wala silang kaimik imik kaya hindi na rin ako nagsalita tinatamad din ako. "Itigil mo jan" tinuro ko yung parking lot ng isang kainan na malapit sa pupuntahan namin. "anong gagawin natin jan?" sabi ni Aki. "magpapark" simpleng sagot ko. Nang makapagpark kami ay pinababa ko na sila at binigyan sila ng tig-iisang spray paint. "tara". Muka naman silang nagtataka kung saan kami pupunta pero wala ng nagtanong. Buti naman. "Joey ano bang gagawin natin dito" tanong ni Aki nung pumasok kami sa isang eskinita. Hindi sila bagay dito masyado silang maputi. Pinagtitinginan nga sila ng mga nakakasalubong namin. "Wag ka ng magtanong at sumunod ka na la

