Joey's POV PAKSSHHEEEEEETTTTT!!!!!! Madalas nakakalimutan kong babae ako pero sa mga panahong ganito nakakabwiset. Akala ko wala lang yung pagsakit sakit ng tiyan ko kahapon. Pucha hindi pala tiyan ang sumasakit sa akin. Kala ko pa naman natatae lang ako oh ano. "Joey ayos ka lang?" tanong sa kin ni China. Nandito kami ngayon sa napakalaking canteen ng abnormal na school na to. Kanina pa ako badtrip pati canteen nadadamay sa init ng ulo ko. Napansin siguro nila China kanina pa kasi nakabusangol mukha ko. "..." "ay ang sungit anong meron" sasagot sana ako kaso may boses palakang nagtititili. Nakakainis pag hindi yan tumigil babasagin ko nguso niyan. Nag-iinit talaga ulo ko ngayon. Makapunta nga dun mamaya. "Kyaaaaaaaaahhhhhh!!!!!" tili ng isang hindi mawaring nilalan

