Joey's POV Pinatawag na kaming lahat ng casts ni maam kasi any minute daw eh magsisimula na. Nababadtrip ako ngayon hindi lang dahil sa ginawa ni hapon pati na rin dito sa pagkabigat bigat na damit na suot ko idagdag mo pa ang nakakabuset na tingin at bulungan ng mga kaklase ko. Nakakaasar kala mo nakakita ng babaeng nakapanty lang kung makatitig. Kasama ko yung tatlo ngayon, si Kylie at Mon dakilang singit, may mga dapat gagawin pero nakikisiksik dito. Nakikisali sa play namin masaya daw kasi. Si Kylie at China ang natulong sa akin. Buhat nila yung laylayan ng bwiset na damit ko. Si Mon naman dala yung ibang props na gagamitin ko mamaya. Ang bigat talaga ng suot ko. Ang daming patong kasi may huhubadin pa ako para mag-iba yung itsura. Basta. Ang ginawa kasi nilang damit eh parang

